Nakita ko na naman sa Fb si Boy aka Art Comia, ang pangatlo kong nakakabatang kapatid na nakapost ang itinerary checked in sa Utah pagkatapos sa Denver, Colorado. " Saan ang byahe, mukhang malayo yan ah? ang message ko sa messenger. " Pupunta kami sa Sturgis Motor Rally sa South Dakota" ang sagot nya. Some of his bike collections https://www.facebook.com/art.comia Mahilig sa big bike travel si Boy. Kung saan saan nakakarating na malalayong lugal sa America para lamang pumunta sa bike festival na gamit ang kanyang Harley at iba pang malalaking motobike. ,sa Milwaukee o sa katulad nito sa Sturgis na naging mga yearly bike fest. Matagal din byahe bago makabalik ng Las Vegas , katulad ngayon na umikot pa ng Canada sa Alberta, British Columbia, Vancouver tapos daan ng Seattle, Oregon, California then Nevada na mahigit na 5,000 miles na lalakbayin na aabot din mahigit na tatlong linggo kasama na pahinga at tulog sa mga hotel madadaanan sa by...
Ang buhay ayon sa ikot ng mundo at mga planeta