Kabubukas pa lang ng isang membership grocery superstore sa tabi ng Ayala Alabang Village kaya maraming sasakyan ang nakaparada at pati sa mga gilid ng kalye na nakapalibot dito. Halos dikit dikit ang mga sasakyan na sa pagpasok ay sobra ng trapik. Maraming 4x4 SUV at iba pang malalalaking sasakyan na sa tingin ko ay mga mamahalin ang presyo ng mga ito. Bakit kaya maraming 4x4 pick-up at SUV na mga sasakyan sa Metro Manila na hindi naman ginagamit sa bundok o sa mga malalayong byahe na disyerto o malalakas na hangin na highway. Dahil ba mahal ito at status symbol kung naka Range Rover o Lexus SUV? Sa mga malalaking bansa tulad ng Amerika, Europa, or Middle East, kailangan ang 4 x4 dahil normal ang magbyahe ng libo libong kilometro sa napalawak nitong mga lupain. Pero sa Metro Manila ang kadalasang layo ng takbo ay 25 kilometro mula Alabang hanggang Makati na kaya lamang tumatagal ang byahe ay dahil sa siksikan sa napakaliit na...
Ang buhay ayon sa ikot ng mundo at mga planeta