Magandang babae si Anya. Makinis at mamula-mula ang balat. Maganda ang tindig at balingkinitan. Labing apat na buwan na kaming magkasama at magkasundong magkasundo. Wala siyang pakialam kahit na ano ang gawin ko pero minsan ay makulit din at nakaka-inis. Madalas kaming lumabas kapag naiinip na sa bahay. Magkasabay na naglalakad at tahimik lang at walang reklamo. Malambing at panay din ang yakap kapag hinahawakan ko. Pero, k apag pinakawalan, nakikipag-amuyan na siya sa ibang aso kaya pagkatapos ay kailangang paliguan dahil amoy aso na..ano pa nga ba ang amoy kundi aso..hehehe. Nitong mga nakaraang araw, ang hirap pabalikin kahit anong tawag ko at kapag nakakakita ng lalaking aso ay sumasama kaagad at nakikipagharutan. Sguro gustong magka boyfriend dahil laging nagwawala at tahol ng tahol. Ang bf ni Anya na torete Minsan nakita kong madalas na nakikipayakapan sa nakilala nyang aso si Tisoy na balbon, yong nasa picture sa itaas, at dahil ...
Ang buhay ayon sa ikot ng mundo at mga planeta