Skip to main content

Ang love story ni Anya




Magandang babae si Anya. Makinis at mamula-mula ang balat.  Maganda ang tindig at balingkinitan. Labing apat na buwan na kaming magkasama at magkasundong  magkasundo. Wala siyang pakialam kahit na ano ang gawin ko pero minsan ay makulit din at nakaka-inis.

Madalas kaming lumabas kapag naiinip na sa bahay. Magkasabay na naglalakad at tahimik lang at walang reklamo. Malambing at panay din ang yakap kapag hinahawakan ko. Pero, kapag pinakawalan, nakikipag-amuyan na siya sa ibang aso kaya pagkatapos ay kailangang paliguan  dahil amoy aso na..ano pa nga ba ang amoy kundi aso..hehehe.

Nitong mga nakaraang araw, ang hirap pabalikin kahit anong tawag ko at kapag nakakakita ng lalaking aso ay sumasama kaagad at nakikipagharutan. Sguro gustong magka boyfriend dahil laging nagwawala at tahol ng tahol.



Ang bf ni Anya na torete

Minsan nakita kong madalas na nakikipayakapan sa nakilala nyang aso si Tisoy na balbon, yong nasa picture sa itaas, at dahil sa dalas magkasama ay mukhang bf na nya. Madalas silang naghahalikan at nagyayakapan  pag  nagkikita. Laging nagsasampahan pero wala namang nangyayari.

Dahil virgin pa si Anya, hindi sya maka penetrate kahit paulit-ulit ang pagsampa, sguro  dahil mestiso at malaki ang pagka aso kaya hirap kapag yumakap. Torete talaga sya kung papaano makaka score kaya paikot ikot at yakap ng yakap.{ Torete ang kanta sa kanya }

Naisahan ang bf ni Anya

Noong isang araw nakita ko na lamang na may kakambit na bagong aso si Anya. Nang tingnan ko  ay hindi si Tisoy kundi bagong aso na kamukha nya,  orange din ang balahibo at itim din ang mukha  at malaki ding aso.  Naku, naisahan si Tisoy  iba ang nakavirgo kay Anya..hehehe.


                                                            Ito yong naka isa kay Anya

Patuloy pa rin na nagkikita sila ni Tisoy pag may pagkakataon dahil torete na talaga pero ayaw na siya patulan ni Anya, siguro hindi na sya type. Hindi naman makabalik si new bf dahil bantay sarado si Tisoy na nagagalit pag lumalapit.

__________________________________

Pagbubuntis ng aso

Ayon sa research ko sa  Internet, ang pagbubuntis ng aso mula conception ay 6O to 7O days depende sa ovulation period  kaya maaring sa loob ng dalawang buwan ay marami na lalong mag ngangat-ngat ng mga gamit ko, celphone charger, electrical wires, papel at mga power bills na pinipiraso ng malilit hindi pa kasama ang maraming gasgas sa sasakyan dahil sa pagdamba nito.

Ang normal na pagbubuntis panahon sa aso ay humigit-kumulang 63 araw mula sa paglilihi, bagaman ito ay maaaring mag-iba sa pamamagitan ng ilang mga araw. Bagaman ito ay tila tulad ng isang tapat na sagot, ang pagsipi ay kadalasang mahirap matukoy. Ang tamud ay maaaring mabuhay sa loob ng ilang araw sa loob ng babae, at ang mga itlog ay maaaring manatiling malusog hanggang sa 48 oras, na nangangahulugan na ang pagkilos ng mating mismo ay hindi isang eksaktong sukat ng pagbubuntis. Ginagawa nitong mahirap hulaan ang haba ng pagbubuntis nang walang tulong ng isang manggagamot ng hayop.

Ang mga sukat ng hormone ay nagbibigay ng mas tumpak na frame ng panahon para sa pagbubuntis. Maraming breeders ang gumagamit ng vaginal smears at mga pagsusuri ng dugo upang subaybayan ang mga hormones sa reproductive sa panahon ng proseso ng pag-aanak. Nakakatulong ito sa kanila na matukoy ang pinakamainam na oras upang lahi ang kanilang asong babae, pati na rin ang haba ng pagbubuntis at ang potensyal na takdang petsa.

Haba ng pagbubuntis ayon sa tumpak na sukat ng hormone:

56-58 araw mula sa unang araw ng diestrus
64-66 araw mula sa paunang pagtaas ng progesterone
58-72 araw mula sa unang pagkakataon na pinapayagan ng asong babae ang pag-aanak

Ang pagbubuntis sa mga aso ay medyo maikli kung ihahambing sa mga tao, mga 9 na linggo ang kabuuang, at bawat araw ay mahalaga. Ang kaalaman sa haba ng panahon ng pagbubuntis ay mahalaga para sa kalusugan ng mga buntis na asong babae at mga tuta at ginagamit upang masubaybayan ang nutrisyon at beterinaryo na pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis.

May karugtong..ang mga anak ni Anya!

Comments

Popular posts from this blog

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento...

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart. Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral. Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.