Solar Eclipse in Sagittarius, Conjunction of Sun and Moon - Dec 4, 2021




December 4, 2021 at 1pm - 4pm ay partial solar eclipse sa Pilipinas. Makikita sa image na sa oras na 4pm, ang araw at ang buwan ay magkasama at magkapareho na 12 degrees Sagittarius na nasa 7th house kung babasahin sa Manila, Philippines.

May kahulugan at hiwaga ang bawat ikot ng planeta at mga bituin sa kalawakan kasama na ang araw at buwan na kung babasahin ay malalaman ang ibig sabihin.

Madali lang maintindihan kung interesado at mahilig sa mistika at metaphysical science ang magbibigay ng kahulugan.

Ayon sa Bibliya:

Job 38:31-32

Maitatali mo ba ang matamis na impluwensya ng Pleiades, o kalagan ang mga tali ng Orion? Mailalabas mo ba ang Mazzaroth sa kaniyang kapanahunan? O maaari mo bang patnubayan si Arcturus kasama ng kanyang mga anak?

Ito ang sinabi ng makapangyarihang Diyos kay Job matapos mawala lahat ang kanyang kayamanan kasama na ang mga mahal niya sa buhay. Tinanong niya at pinag-alinlanganan ang kapanyarihan nito.

Ang teksto ay tumutukoy sa tatlong konstelasyon, ang Pleiades, Orion at Arcturus at ang ikaapat, ang Mazzaroth. Sa unang bahagi ng talata, hinamon ng Diyos ang kakayahan ni Job na magtali sa matamis na impluwensya ng Pleiades. Kung hindi niya kaya, ito ay kaya ng Diyos.

Ang Pleiades na kilala rin bilang Seven Sisters ay isang bukas na kumpol ng bituin sa konstelasyon ng Taurus. Sa buwan ng Disyembre ay makikita ito sa kalawakan sa gabi sa konstekasyon ng Taurus. Makikita rin ang Orion at Arcturus.


Ang constellation ng Pleiades




Ang orion ay group of stars na nasa western zodiac sign of Cancer. Makikita din ito sa kalawakan ng gabi sa buwan ng Disyembre.