Si Kuya Joseph.. mga Ala-ala ng isang Dragon

March 18, 1952  -   February 6,  2018

Engr. Joseph C. Del Carmen, PEE
President,  Phases Electrical Contractor Corporation


1969

Muli kaming nagkita ni Kuya Joseph noong dumating ako ng Maynila galing Mindoro pagka graduate ko ng high school noong 1969. Isang taon din kaming magkakasabay na pumapasok sa Alitagtag High School noong first year high school ako at pagkatapos ay sa Mindoro ko na pinagpatuloy ang pag aaral hanggang sa makagraduate ng secondary education.

Naglalakad lang kami  hanggang bayan mula sa Concepcion {Balagbag  dati ang tawag sa baryo na ito malapit sa Pinagcurusan} . Sabi nga hindi uso ang sumasakay sa dyip dahil lahat naman ng estudyante ay naglalakad. At kung sasakay naman sa dyip ay tatlo dyes sentimos ang tatlo. Masaya ang experyensa ng buhay-bata ko sa Alitagtag.

Nagkita uli kami noong papasok na ako sa Maynila para sa kolehiyo. Bagong salta ako kayang sanong sano pa sa buhay-Makati na tumutulong din sa pagtitinda sa sari sari store nila na negosyo ng pamilya nila. Kapatid ni Inay si Tia Lita, ang Inay ni Kuya Joseph. Inaanak naman ako sa kumpil ng Tatay niya na si Umping Inoy.

Sa kanila ako nakatira buong college days ko na limang taon. Tabi tabi kami matulog dahil wala namang kwarto yong tindahan na ginawaan lang ng nakataas na tulugan o mezzanine. Dalawa lang silang magkapatid na lalaki, si Kuya Isagani  na halos magkasunod lang ang edad nila. Pareho kami ng edad ni kuya joseph na ipinanganak ng  1952. Sabi nga ng mga intsik na mga dragon kapag ipinanganak sa taon nito.

Sabi, maswerte daw kapag ipinanganak ng year of the dragon. Maaring tama at maaari ding hindi. Siguro kapag nasa tamang location at tamang oras na ang mga planeta at bituin ay nasa tamang kapanganakan ay swerte talaga sa lahat ng bagay. Halimbawa, si Pres Vladimir Putin ng Russia, si Tony Caktiong, may ari ng jollibee, ay mga ipinanganak din ng year of the dragon. Pero maaaring tama talaga, masuswerte ang mga pinanganak ng dragon year..{yabang ko.}

Matalino si Kuya Joseph. Kumuha sya ng kursong Elecrical Engineering samantalang ako ay Civil, engineering din sa Feati University. Naalala ko nong tanungin nya ako kung ano ang kukuhaning kurso sa Feati, sabi ko Nautical Science para isang taon lang.

      "Naku, hindi ko alam kung saan nag eenrol non sa Feati ng kurso na iyon, siguro sa Feati               Annex".   sabi nya. " Doon ka na lang sa civil engineering department para malapit lang at madali. At saka para hindi tayo magkapareho ng kurso." At yaon ng nangyari, nakatapos ng ako ng civil at sya naman ay electrical na hindi naman mahirap pag-aralan. {he he he..yabang ng dragon}

Rocker

Mga rockers kami nong college days, hard at metal rock ang genre ng musika. Simula dumating ako ng Maynila nong 1969, hindi na kami nagpagupit ng buhok hanggang umabot na halos sa baywang. Noon, pwedeng pumasok sa school kahit nakalugay ang buhok na hanggang baywang nga.  Nagpahaba na kami nito hanggang napiliting magupitan na halos kalbo nong 1972 na martial law dahil hinuhuli pag humaba ng isang pulgada ang buhok sa taas at kiskis naman sa side. May sukat na kung hindi ay huli at ikukulong, kaya lahat halos kalbo.

Iba ang mga music sound namin noon. Mula sa Beatles, Black Sabbath, Pink Floyd, Rolling Stones, Jimi Hendrix, Rolling Stones, Creedence Clearwater Revival, Grateful Dead, Crosby Still Nash ang Young,  ..mga British and American Bands ang trip namin. Magkakasama kami nina Kuya Isagani, Kuya Joseph, si Pepe Arguelles, Kuya Danny, Boy Placido, Danny na taga Mapua, at saka ako. Kumpleto sa malalaking plaka si Kuya Joseph, binibili namin sa Raon, mula sa Abbey road hanggang the Wall ng Pink floyd meron sya na lagi naming pinapatugtog sa Pad House sa kabilang tindahan. Kumpleto yon ng strobe lights at malalaking speakers.

Rockers Fashion

Madalas naghihiram lang ako ng damit sa kanya saka mga gamit, libro, sapatos.  Mahusay na modista si Umping Lita kaya magaganda ang mga damit nya pati na rin ako..

"Ngayon ba kaya nyong magsuot nng bell bottom na 15" inches ang lapad ng laylayan na kulay yellow green at body fit t-shirt na long sleeve yellow?"..tanong ko sa babasa nito.  Ako, attire ko yon kapag pumapasok  sa school dahil ang mga uso ay double knit na red, yellow, violet, lahat na bright colors..may violet si Kuya Joseph. Minsan hinihiram ko rin ang kanyang hanggang tuhod na cowboy boots at saka indian mocassin na hanggang tuhod din. Sinusuot namin yon pag umiikot ng avenida rizal sa santa cruz. .wala pa noong makati commercial center,,Quiapo pa ang sikat.

Pink Floyd nong mga bata pa.



Pink Floyd ngayong matanda na.  https://www.youtube.com/watch?v=Kjgwjh4H7wg


College Fraternity

2nd Year kami nong sumali sa college fraternity Alpha Delta Rho, Feati Chapter. Dumami na kaibigan dahil marami mga meetings ng mga ibat ibang schools tulad ng UE, FEU, UST,.etc. Masaya,  dahil  kami ang mga founder chapter sa school kaya hindi dumaan ng matinding initiation puro leadership training lang  at organization management ang ginawa. Pareho na kami naging inactive noong higher years na dahil mahirap na mga subjects at design works.

Aktibista 

Halos lahat yata ng estudyante noong 1972 ay miembro ng mga kabataang demokratiko. Naranasan din namin yon nong maging member kami ng Samahan ng Demokratikong Kabataan Makati Chapter. Halos every week ay nilalakad namin mula Makati hanggang Faura na may daang plackards punta sa mga opisina ng Shell, Esso, Caltex para mag demo. Sama din kami sa mga rally na kadalasan ay takbuhan na pag nagsimula na ang mga gulo at habulan. Kadalasan walang pasok nong bago mag martial law dahil may mga pumuputok na pill box sa school.

Nag focus na kami sa pag aaral after martial law dahil disiplina na lahat at curfew sa gabi.

College Graduation

Halos magkasabay kami nag graduate ng engineering. Hindi ko matandaan kung summer sya o October ako. Limang taon din na tinapos ang engineering. Pagkatapos ay nag board exam na at nakapasa naman ako nong 1976. Siya ganon din.

Maraming  examination ang mga  Electrical Engineers bago maging Professiona Electrical Engineers. May mga thesis pa na kailangang madepensahan sa board. Natapos nya lahat yon..ang galing..PEE sya.

Professional Career

Ang mga young engineering professionals nong mga mid 7Os, ay construction ang karamihan ng potential  sa mga careers. Nahasa sya sa electrical  design  at construction dahil sa pagtratrabaho nya sa ibat ibang mga  building contractors.

Taong 1978 noong umalis ako sa Montojo St sa bahay nila dahil sa pag-aasawa ko. Lumipat na ko ng bahay kasama ang binubuong pamilya sa edad na 26 na taon.

Nagkasama pa rin kami sa isang kompanya  na pinapasukan ko DCCD Enginering Corp nong matanggap sya as Electrical Engineer Inspector sa Construction Management ng mga buildings.

Pagkatapos umalis ako ng company, umalis din sya.  Nagtayo ako ng  sariling kong company., nagtayo din sya..kasama ng mga iba pang kasamahan ng electrical construction business.  Huminto ako sa pangongontrata..tuloy tuloy sya  dahil marami syang taong natutulungan sa pagkakaroon nya ng husay at angking talino. Madami silang kontrata na mga buildings at mga SM Malls, department stores..Big time. Successful.

Maswerte yong mga taong nakasama niya..Maswerte daw pag kasama ang isang dragon sa negosyo at kompanya.  lalo maswerte  ang pamilya pag kasama ang isang dragon sa bahay because he holds the luck, beneficence of heaven.

"Dragon is a kind of imaginary animal which is admired by Chinese people and called the ''king''. In China, the dragon is a symbol of emperor or man and it represents the power. Dragon people are usually ambitious and they are strong, never afraid of difficulties and hardships. They like to shoulder heavy loads and take important responsibilities. They belong to the animal sign of success but are also arrogant and crave for power.

In China, dragon symbolizes emperor who is authoritative and can guide people forward. Dragons are usually energetic, positive, optimistic, and aggressive. No matter at work or in life, they are responsible and always advance bravely, playing a pioneer role. With lofty ideas, they are highly self-conscious, straightforward, and rarely sloppy, thus talented and wise leaders.

People under the Dragon sign are generous, and full of vitality and strength. For them, life is the colorful and jumping flame.

Since Dragon people are proud, lofty, and very straightforward, they often set up ideals very early and require others to have the same high standards.

Dragons are very confident in themselves, especially in their future, and they never admit defeat.

If you cooperate with the Dragon people, you will find they are beautiful and have a lot of good quality, so they are widely popular.

Where Dragon people are on the scene, they will attract the attention of others to follow their thinking. They can stimulate the passion of everyone but don't need the motivation of others because they can produce enough energy on their own.

Dragon people seldom talk in a roundabout way but as if referring to the royal law.

When they are provoked, they will be quite rude and never consider others.

Dragon people are mighty, decisive yet not cunning and tricky.

For what need to do immediately, Dragon people will act personally rather than through writing a letter or making a call.

Dragon people have the potential to do great things because they like to act aggressively. However, they will burn themselves into a light smoke if can't control premature passion. They tend to be crazy and always make a splash no matter what they do.

It is very difficult, even impossible to compete with Dragon people because they often threat those who dare to challenge them in the means of intimidation.

They are neither lavish nor stingy; instead, they are very generous and never care about their bank balance.

Dragon people are self-centered, biased, arbitrary, and whimsical, and they tend to have high requirements or persist unreasonably but are always admired. They either get married very early or keep single and they live a happy single life, because work and career occupy all the life and they are accompanied by friends and admirers.

Despite the strengths, the confident Dragons also have some shortcomings, one of which is the short temper. When they decide to do something, they usually act immediately rather than stopping to watch.

Confidence is one of the Dragon people's strengths but sometimes overconfident becomes aggressive, which is adverse to their career development, and prone to hurt people around and lose many friends.


Dragon people are perfectionists but it is not a good thing to go for perfect crazily. No matter in life or work, they usually criticize others for the poor ability out of their perfectionist attitude.."  ..from article on internet.


Huling Pagkikita

Noong November 2017 ang huling pagkikita namin. Nagbakasyon si Boy galing America pagkaraan ng 17 taon  at nagkataon din na nasa Pilipinas si Roy na nagbabakasyon din sa pagiging OFW (mga kaptid ko sila} kaya nagkayayaan kami na bisitahin sya at mag kumustahan. Parang dati pa rin na masayahin at asikaso kami kaagad  na naglabas ng maiinom saka nag set up ng music video ng mga paboritong rock. Masaya ang kwentuhan, balitaan habang nakasabay ang mga music video.

Wala naman pagbabago pwera lang sa kwento nya tungkol sa reflex massage na ginagawa sa kanya kapag sumasakit ang kanyang dibdib. High blood ang killing sickness ng clan kaya yon ang caution ko pagdating sa food intake.

Pagkatapos, nagyayang kumain sa restaurant sa labas lang ng village nila  na naging commercial area  na kumpara sa nakita ko nong araw na ilang sari sari stores lang ang mga nakatayo. Iyon na pala ang huling pagkikita.

Paalam  Kuya Joseph!  Nauna ka lang ng kaunti,  magkakasunod lang tayo.

Life Path

Misteryoso ang buhay. Hindi alam kung kailan ang ending pero lahat ay hindi makakaiwas at iisa ang patutunguhan, ang kamatayan. Pero huwag malungkot ang mga naiiwan dahil nakatakda na sa mundong ito, lahat ay may  nakatakdang kaplaran simula pa lang noong isilang pa. at ang lahat ng ito ay matutupad bago sya mamatay.

Handog kung kanta, ala-ala ng 1971 musika ng Led Zeppelin na tandang tanda ko pa na pinanuod namin sa sine sa Recto ang concert.









Stairway to Heaven
"Stairway To Heaven"

There's a lady who's sure all that glitters is gold
And she's buying a stairway to heaven.
When she gets there she knows, if the stores are all closed
With a word she can get what she came for.
Ooh, ooh, and she's buying a stairway to heaven.

There's a sign on the wall but she wants to be sure
'Cause you know sometimes words have two meanings.
In a tree by the brook, there's a songbird who sings,
Sometimes all of our thoughts are misgiven.

Ooh, it makes me wonder,
Ooh, it makes me wonder.

There's a feeling I get when I look to the west,
And my spirit is crying for leaving.
In my thoughts I have seen rings of smoke through the trees,
And the voices of those who stand looking.

Ooh, it makes me wonder,
Ooh, it really makes me wonder.

And it's whispered that soon, if we all call the tune,
Then the piper will lead us to reason.
And a new day will dawn for those who stand long,
And the forests will echo with laughter.

If there's a bustle in your hedgerow, don't be alarmed now,
It's just a spring clean for the May queen.
Yes, there are two paths you can go by, but in the long run
There's still time to change the road you're on.
And it makes me wonder.

Your head is humming and it won't go, in case you don't know,
The piper's calling you to join him,
Dear lady, can you hear the wind blow, and did you know
Your stairway lies on the whispering wind?

And as we wind on down the road
Our shadows taller than our soul.
There walks a lady we all know
Who shines white light and wants to show
How everything still turns to gold.
And if you listen very hard
The tune will come to you at last.
When all are one and one is all
To be a rock and not to roll.

And she's buying a stairway to heaven.




Ang  mga picture namin kuha sa gazebo/bahay kubo sa harap ng bahay niya noong huling pagkikita  November 2017.


Mula sa kaliwa ..Roy, Juya Joseph, Boy at ako {nagsusulat}




Jupiter in Scorpio 2017-2018

Jupiter ang maswerteng planeta na nag iimpluwensya sa buhay ng bawat nilalang sa mundo lalo na kung ito nasa tamang lokasyon sa kapanganakan ng isang indibidwal. Isang taon ang pamamalagi nito sa bawat bahagi ng  chart o labing dalawang taon kung maglakbay ito ng isang buong ikot sa araw.

Isang taon din ang pamamalagi nya sa constellation ng Libra nong 2O16 hanggang Oct 1O, 2O17 at papasok na sya sa Scorpio.  Ito ay maglalakbay sa 12th house ng aking Scorpio constellation.

Ang Scorpio kpag nasa 12th house




Ika-14 na taon sa Masonerya ..ang misteryo at mistika

JULY 2OO3

Taong 2oo3 noong ako maging mason matapos ang halos dalawang taon na petitioner or candidate sa craft ng masonerya. “ Bakit ba ako nagmason?” Wala naman sa ninuno namin o mga malapit na kamag anak ang naging mason. Ang natatandaan ko nong bata ako sa bayan ng inay ko ay may isang malaking bahay na ang nakatira daw ay isang mason. Kinatatakutan dahil hindi ordinaryo ang marinig ang salitang mason. Kamag anakan din ng pamilya ng mother ko. Ewan ko kung saan siya miyembro dahil wala namng nagbigay ng tamang inpomasyon tungkol sa kanya.

Nagmason ako dahil siguro ito isang tadhana para sa hinahanap kong mga misteryo ng buhay mula pa noong unang panahon  na hindi ko nabasa noong bata pa ako. Likas sa akin ang pagiging mahilig magbasa lalo na mga kababalaghan o hindi ordinaryong mga kaisipan. Maraming kwento din si Inay sguro dahil isa suyang maestra sa elementarya kaya kailangan nya maraming kwento para sa maingganyo ang estudyante na pumasok kung meron sya laging putol putol na kwento o itutuloy na istorya.
Bata pa ako ay mahilig na tumigin sa mga bituin sa kalangitan kahit hindi ko alam ang mga pangalan nito hanggang matututuhan ko ang mga konstelasyonna na ito na sumisikat sa kanya kanyang buwan sa loob ng isang taon.

Tadhana ang nagdala sa akin para makatapos ng pag-aaral sa kursong civil engineering.  Maraming sakripisyo din sa sarili ang pakikipagsapalaran sa Maynila nong panahong mga 1969 noong una akong makarating sa syudad. Sobrang nakakatakot pumunta sa maynila mula sa Mindoro nong mga panahong iyon. Halos magdamag at maghapon ang byahe na sasakay pa sa barko at sa bus na pagewang gewang dahil sa sama ng baku bakong kalye o kaya ay pinatag na lupa lamang na kapag tag ulan ay kailangang hilahin ang bus dahil lumulubog sa putik at sa napakadulas na daang lupa.
Katoliko ang relihiyon naming na kapag araw ng lingo o sabado kapag may nagpupuntang pari sa baryo ay nagsisimba kaming lahat. Malapit lang sa simbahan at sa elementary school ang bahay namin kaya hindi pwede na mag aabsent sa pagsimba.

Natatandaan ko na ang paring nagmimisa sa simbahan naming sa baryo ay isang paring misyonero na taga Holland, si Father Anton Postma, matangkad at olandes ang buhok at may maputing balat na may kapayatan pero gwapong pari. Lagi siyang may dalang malaking balat na bag. Maganda siya magbigkas ng tagalog dahil labas sa ilong ang mga salita. Mahusay at matatas siyang magsalita lalo na kapag sermon na. Nitong mga nakaraang taon na nasa maynila na ako at naninirahan sa Maynila ay nabalitaan ko na umalis na siya sa pagkapari at naninrahan na siya sa bundok ng Panaytayan at nag asawa na ng katutubong mangyan. Tinulungan niya ang mga katutubo ng kahalagahan ng sibilisasyon at edukasyon. Dahil isa siyang anthropologist, marami siyang nasulat na libro tungkol sa hanunuo mangyan na ginagamit na ngayon ng national museum of the Philippines.

College Days
Noong college ako,  madalas din akong magsimba sa Quiapo Church dahil malapit ito sa Feati na pinapasukan ko. Pag-ikot sa avenida  kapag bakante ang oras sa susunod na subject ay dumadaan sa simbahan para humingi ng tulong sa Diyos na kinaugalian na at siyang turo ni Inay na laging magdasal at gabayan sa araw araw ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo pero dapat kasama din si Birheng Maria na ina ng Diyos Anak.

Marami akong tanong tungkol sa pananampalataya na itinuro ng simbahan katoliko. Halimbawa, ang diyos anak at ama ay iisa pero ang anak ay may nanay nong magkatawang tao at hindi ang asawa ni birheng maria ang tatay- na ang espritu santo ang dahilan ng pagbubuntis. Ewan ko, basta naniniwala na lang ako na may Diyos.

Second year college ako nong mauso ang mga iba ibang paniniwala tungkol sa Diyos dala marahil ng pagkakahilig ni George Harrison ng Beatles sa Indian philosophy, ang pagsikat ni Ravi Shankar at sa paggamit nito ng sitar, ang mga paniniwala sa transcendental meditation, yoga at hare Krishna prayer mantra na may kasama pang prayer beads.

Dahil sa pilosopiyang ito ay nag aral ako ng ibat ibang forms of meditation, mind centering at concentration, saka ang hypnotism na lagi naming pinapraktis ang kaibigan ko. Nag join ako ng Ananda Marga sa Paco, Manila at  mga ilang buwan din na hindi kumakain ng isda at karne, at tanging kanin at gulay ang pagkain kahit na napakapayat ko at parang tingting na labas ang buto.
British Rock ang music namin na kinabibilangan ng Pink Floyd, Beatles, Rolling Stones, Black Sabbath, Monkeys, Cream ni Eric Clapton, at sa US naman ay si Jimi Hendrix at grupo ng Santana at CCR.

TAON 1978

Nakatapos ako ng kurso noong 1976 at pagkaraan ng dalawang taon ay nagkaroon ng pamilya. Naging ugali na namin ang magsimba tuwing araw ng lingo matapos ang anim na araw na pagtratrabaho at para ihandog ang isang araw para sa diyos bilang pagsamba  sa kanya na lumikha ng sangkatauhan. Maganda din itong formation sa mga anak para sa relationship with god and to have faith as a believer based on the writings of the bible or the sacred book of the law. Dahil madalas magsimba ay naging mga kaibigan namin ang malalapit sa simbahan, mga kapitbahay sa Ayala Alabang. Marami ding activities and community. At dahil mga young families at kukunti pa kami sa village, maraming renewal programs ang mga nakuha at naging miyembro, renewal programs sa st james the great  parish, couple for christ, eucharistic ministry movement, retreats all church based education supported by the parish.

Nag aral din ang anak ko sa catholic school, Benedictine san beda alabang, at sa paref woodrose na malapit lang sa bahay namin. Maganda ang formation ng anak sa catholism lalo na ang opus dei school.


Kahit na isa akong Eucharistic minister or lay minister ay mahilig pa rin akong magbasa ng libro about the stars and planets and its influence to the life of every human being. May mga libro ako  sa Chinese astrology kaya alam ko na ako ay ipinanganak sa year of the dragon, a water dragon of 1952. Marami ding oras ang ginugol ko sa pag aanalisa at