March 18, 1952 - February 6, 2018
Engr. Joseph C. Del Carmen, PEE
President, Phases Electrical Contractor Corporation
Muli kaming nagkita ni Kuya Joseph noong dumating ako ng Maynila galing Mindoro pagka graduate ko ng high school noong 1969. Isang taon din kaming magkakasabay na pumapasok sa Alitagtag High School noong first year high school ako at pagkatapos ay sa Mindoro ko na pinagpatuloy ang pag aaral hanggang sa makagraduate ng secondary education.
Naglalakad lang kami hanggang bayan mula sa Concepcion {Balagbag dati ang tawag sa baryo na ito malapit sa Pinagcurusan} . Sabi nga hindi uso ang sumasakay sa dyip dahil lahat naman ng estudyante ay naglalakad. At kung sasakay naman sa dyip ay tatlo dyes sentimos ang tatlo. Masaya ang experyensa ng buhay-bata ko sa Alitagtag.
Nagkita uli kami noong papasok na ako sa Maynila para sa kolehiyo. Bagong salta ako kayang sanong sano pa sa buhay-Makati na tumutulong din sa pagtitinda sa sari sari store nila na negosyo ng pamilya nila. Kapatid ni Inay si Tia Lita, ang Inay ni Kuya Joseph. Inaanak naman ako sa kumpil ng Tatay niya na si Umping Inoy.
Sa kanila ako nakatira buong college days ko na limang taon. Tabi tabi kami matulog dahil wala namang kwarto yong tindahan na ginawaan lang ng nakataas na tulugan o mezzanine. Dalawa lang silang magkapatid na lalaki, si Kuya Isagani na halos magkasunod lang ang edad nila. Pareho kami ng edad ni kuya joseph na ipinanganak ng 1952. Sabi nga ng mga intsik na mga dragon kapag ipinanganak sa taon nito.
Sabi, maswerte daw kapag ipinanganak ng year of the dragon. Maaring tama at maaari ding hindi. Siguro kapag nasa tamang location at tamang oras na ang mga planeta at bituin ay nasa tamang kapanganakan ay swerte talaga sa lahat ng bagay. Halimbawa, si Pres Vladimir Putin ng Russia, si Tony Caktiong, may ari ng jollibee, ay mga ipinanganak din ng year of the dragon. Pero maaaring tama talaga, masuswerte ang mga pinanganak ng dragon year..{yabang ko.}
Matalino si Kuya Joseph. Kumuha sya ng kursong Elecrical Engineering samantalang ako ay Civil, engineering din sa Feati University. Naalala ko nong tanungin nya ako kung ano ang kukuhaning kurso sa Feati, sabi ko Nautical Science para isang taon lang.
"Naku, hindi ko alam kung saan nag eenrol non sa Feati ng kurso na iyon, siguro sa Feati Annex". sabi nya. " Doon ka na lang sa civil engineering department para malapit lang at madali. At saka para hindi tayo magkapareho ng kurso." At yaon ng nangyari, nakatapos ng ako ng civil at sya naman ay electrical na hindi naman mahirap pag-aralan. {he he he..yabang ng dragon}
Rocker
Mga rockers kami nong college days, hard at metal rock ang genre ng musika. Simula dumating ako ng Maynila nong 1969, hindi na kami nagpagupit ng buhok hanggang umabot na halos sa baywang. Noon, pwedeng pumasok sa school kahit nakalugay ang buhok na hanggang baywang nga. Nagpahaba na kami nito hanggang napiliting magupitan na halos kalbo nong 1972 na martial law dahil hinuhuli pag humaba ng isang pulgada ang buhok sa taas at kiskis naman sa side. May sukat na kung hindi ay huli at ikukulong, kaya lahat halos kalbo.
Iba ang mga music sound namin noon. Mula sa Beatles, Black Sabbath, Pink Floyd, Rolling Stones, Jimi Hendrix, Rolling Stones, Creedence Clearwater Revival, Grateful Dead, Crosby Still Nash ang Young, ..mga British and American Bands ang trip namin. Magkakasama kami nina Kuya Isagani, Kuya Joseph, si Pepe Arguelles, Kuya Danny, Boy Placido, Danny na taga Mapua, at saka ako. Kumpleto sa malalaking plaka si Kuya Joseph, binibili namin sa Raon, mula sa Abbey road hanggang the Wall ng Pink floyd meron sya na lagi naming pinapatugtog sa Pad House sa kabilang tindahan. Kumpleto yon ng strobe lights at malalaking speakers.
Rockers Fashion
Madalas naghihiram lang ako ng damit sa kanya saka mga gamit, libro, sapatos. Mahusay na modista si Umping Lita kaya magaganda ang mga damit nya pati na rin ako..
"Ngayon ba kaya nyong magsuot nng bell bottom na 15" inches ang lapad ng laylayan na kulay yellow green at body fit t-shirt na long sleeve yellow?"..tanong ko sa babasa nito. Ako, attire ko yon kapag pumapasok sa school dahil ang mga uso ay double knit na red, yellow, violet, lahat na bright colors..may violet si Kuya Joseph. Minsan hinihiram ko rin ang kanyang hanggang tuhod na cowboy boots at saka indian mocassin na hanggang tuhod din. Sinusuot namin yon pag umiikot ng avenida rizal sa santa cruz. .wala pa noong makati commercial center,,Quiapo pa ang sikat.
Pink Floyd nong mga bata pa.
https://www.youtube.com/watch?v=-0kcet4aPpQ&list=RDHrxX9TBj2zY&index=19
https://www.youtube.com/watch?v=N9QjpCNVcQc
https://www.youtube.com/watch?v=N9QjpCNVcQc
Pink Floyd ngayong matanda na. https://www.youtube.com/watch?v=Kjgwjh4H7wg
College Fraternity
2nd Year kami nong sumali sa college fraternity Alpha Delta Rho, Feati Chapter. Dumami na kaibigan dahil marami mga meetings ng mga ibat ibang schools tulad ng UE, FEU, UST,.etc. Masaya, dahil kami ang mga founder chapter sa school kaya hindi dumaan ng matinding initiation puro leadership training lang at organization management ang ginawa. Pareho na kami naging inactive noong higher years na dahil mahirap na mga subjects at design works.
Aktibista
Halos lahat yata ng estudyante noong 1972 ay miembro ng mga kabataang demokratiko. Naranasan din namin yon nong maging member kami ng Samahan ng Demokratikong Kabataan Makati Chapter. Halos every week ay nilalakad namin mula Makati hanggang Faura na may daang plackards punta sa mga opisina ng Shell, Esso, Caltex para mag demo. Sama din kami sa mga rally na kadalasan ay takbuhan na pag nagsimula na ang mga gulo at habulan. Kadalasan walang pasok nong bago mag martial law dahil may mga pumuputok na pill box sa school.
Nag focus na kami sa pag aaral after martial law dahil disiplina na lahat at curfew sa gabi.
College Graduation
Halos magkasabay kami nag graduate ng engineering. Hindi ko matandaan kung summer sya o October ako. Limang taon din na tinapos ang engineering. Pagkatapos ay nag board exam na at nakapasa naman ako nong 1976. Siya ganon din.
Maraming examination ang mga Electrical Engineers bago maging Professiona Electrical Engineers. May mga thesis pa na kailangang madepensahan sa board. Natapos nya lahat yon..ang galing..PEE sya.
Professional Career
Ang mga young engineering professionals nong mga mid 7Os, ay construction ang karamihan ng potential sa mga careers. Nahasa sya sa electrical design at construction dahil sa pagtratrabaho nya sa ibat ibang mga building contractors.
Taong 1978 noong umalis ako sa Montojo St sa bahay nila dahil sa pag-aasawa ko. Lumipat na ko ng bahay kasama ang binubuong pamilya sa edad na 26 na taon.
Nagkasama pa rin kami sa isang kompanya na pinapasukan ko DCCD Enginering Corp nong matanggap sya as Electrical Engineer Inspector sa Construction Management ng mga buildings.
Pagkatapos umalis ako ng company, umalis din sya. Nagtayo ako ng sariling kong company., nagtayo din sya..kasama ng mga iba pang kasamahan ng electrical construction business. Huminto ako sa pangongontrata..tuloy tuloy sya dahil marami syang taong natutulungan sa pagkakaroon nya ng husay at angking talino. Madami silang kontrata na mga buildings at mga SM Malls, department stores..Big time. Successful.
Maswerte yong mga taong nakasama niya..Maswerte daw pag kasama ang isang dragon sa negosyo at kompanya. lalo maswerte ang pamilya pag kasama ang isang dragon sa bahay because he holds the luck, beneficence of heaven.
Huling Pagkikita
Noong November 2017 ang huling pagkikita namin. Nagbakasyon si Boy galing America pagkaraan ng 17 taon at nagkataon din na nasa Pilipinas si Roy na nagbabakasyon din sa pagiging OFW (mga kaptid ko sila} kaya nagkayayaan kami na bisitahin sya at mag kumustahan. Parang dati pa rin na masayahin at asikaso kami kaagad na naglabas ng maiinom saka nag set up ng music video ng mga paboritong rock. Masaya ang kwentuhan, balitaan habang nakasabay ang mga music video.
Wala naman pagbabago pwera lang sa kwento nya tungkol sa reflex massage na ginagawa sa kanya kapag sumasakit ang kanyang dibdib. High blood ang killing sickness ng clan kaya yon ang caution ko pagdating sa food intake.
Pagkatapos, nagyayang kumain sa restaurant sa labas lang ng village nila na naging commercial area na kumpara sa nakita ko nong araw na ilang sari sari stores lang ang mga nakatayo. Iyon na pala ang huling pagkikita.
Paalam Kuya Joseph! Nauna ka lang ng kaunti, magkakasunod lang tayo.
Life Path
Misteryoso ang buhay. Hindi alam kung kailan ang ending pero lahat ay hindi makakaiwas at iisa ang patutunguhan, ang kamatayan. Pero huwag malungkot ang mga naiiwan dahil nakatakda na sa mundong ito, lahat ay may nakatakdang kaplaran simula pa lang noong isilang pa. at ang lahat ng ito ay matutupad bago sya mamatay.
Handog kung kanta, ala-ala ng 1971 musika ng Led Zeppelin na tandang tanda ko pa na pinanuod namin sa sine sa Recto ang concert.

"Dragon is a kind of imaginary animal which is admired by Chinese people and called the ''king''. In China, the dragon is a symbol of emperor or man and it represents the power. Dragon people are usually ambitious and they are strong, never afraid of difficulties and hardships. They like to shoulder heavy loads and take important responsibilities. They belong to the animal sign of success but are also arrogant and crave for power.
In China, dragon symbolizes emperor who is authoritative and can guide people forward. Dragons are usually energetic, positive, optimistic, and aggressive. No matter at work or in life, they are responsible and always advance bravely, playing a pioneer role. With lofty ideas, they are highly self-conscious, straightforward, and rarely sloppy, thus talented and wise leaders.
People under the Dragon sign are generous, and full of vitality and strength. For them, life is the colorful and jumping flame.
Since Dragon people are proud, lofty, and very straightforward, they often set up ideals very early and require others to have the same high standards.
Dragons are very confident in themselves, especially in their future, and they never admit defeat.
If you cooperate with the Dragon people, you will find they are beautiful and have a lot of good quality, so they are widely popular.
Where Dragon people are on the scene, they will attract the attention of others to follow their thinking. They can stimulate the passion of everyone but don't need the motivation of others because they can produce enough energy on their own.
Dragon people seldom talk in a roundabout way but as if referring to the royal law.
When they are provoked, they will be quite rude and never consider others.
Dragon people are mighty, decisive yet not cunning and tricky.
For what need to do immediately, Dragon people will act personally rather than through writing a letter or making a call.
Dragon people have the potential to do great things because they like to act aggressively. However, they will burn themselves into a light smoke if can't control premature passion. They tend to be crazy and always make a splash no matter what they do.
It is very difficult, even impossible to compete with Dragon people because they often threat those who dare to challenge them in the means of intimidation.
They are neither lavish nor stingy; instead, they are very generous and never care about their bank balance.
Dragon people are self-centered, biased, arbitrary, and whimsical, and they tend to have high requirements or persist unreasonably but are always admired. They either get married very early or keep single and they live a happy single life, because work and career occupy all the life and they are accompanied by friends and admirers.
Despite the strengths, the confident Dragons also have some shortcomings, one of which is the short temper. When they decide to do something, they usually act immediately rather than stopping to watch.
Confidence is one of the Dragon people's strengths but sometimes overconfident becomes aggressive, which is adverse to their career development, and prone to hurt people around and lose many friends.
Dragon people are perfectionists but it is not a good thing to go for perfect crazily. No matter in life or work, they usually criticize others for the poor ability out of their perfectionist attitude.." ..from article on internet.
Huling Pagkikita
Noong November 2017 ang huling pagkikita namin. Nagbakasyon si Boy galing America pagkaraan ng 17 taon at nagkataon din na nasa Pilipinas si Roy na nagbabakasyon din sa pagiging OFW (mga kaptid ko sila} kaya nagkayayaan kami na bisitahin sya at mag kumustahan. Parang dati pa rin na masayahin at asikaso kami kaagad na naglabas ng maiinom saka nag set up ng music video ng mga paboritong rock. Masaya ang kwentuhan, balitaan habang nakasabay ang mga music video.
Wala naman pagbabago pwera lang sa kwento nya tungkol sa reflex massage na ginagawa sa kanya kapag sumasakit ang kanyang dibdib. High blood ang killing sickness ng clan kaya yon ang caution ko pagdating sa food intake.
Pagkatapos, nagyayang kumain sa restaurant sa labas lang ng village nila na naging commercial area na kumpara sa nakita ko nong araw na ilang sari sari stores lang ang mga nakatayo. Iyon na pala ang huling pagkikita.
Paalam Kuya Joseph! Nauna ka lang ng kaunti, magkakasunod lang tayo.
Life Path
Misteryoso ang buhay. Hindi alam kung kailan ang ending pero lahat ay hindi makakaiwas at iisa ang patutunguhan, ang kamatayan. Pero huwag malungkot ang mga naiiwan dahil nakatakda na sa mundong ito, lahat ay may nakatakdang kaplaran simula pa lang noong isilang pa. at ang lahat ng ito ay matutupad bago sya mamatay.
Handog kung kanta, ala-ala ng 1971 musika ng Led Zeppelin na tandang tanda ko pa na pinanuod namin sa sine sa Recto ang concert.
Thank you for sharing with us your memory of Engr. Joseph del Carmen.
ReplyDelete