Ang astrolohiya ay ang pag-aaral ng mga bituin upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap. Tumutukoy ito sa ilang mga sistema, tradisyon o paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig. Tinatawag ang nagsasanay sa astrolohiya bilang astrologo (nagiging astrologa kung babae) o, hindi gaanong madalas na ginagamit, astrolohista.
Nagmula ang salitang "astrolohiya" mula sa salitang Griyego na αστρολογία, hinango mula sa άστρον, astron, "bituin" at λόγος, logos, na may iba't ibang kahulugan - pangkalahatang may kaugnayan sa "sistematikong pag-iisip o pananalita". Para sa iba,ang astrolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga bituin,planeta at iba pang buntala upang matukoy ang natatagong lihim ng buhay,kapalaran,at katangian ng tao...https://tl.wikipedia.org/wiki/Astrolohiya
{Ito ang kanyang natal chart na nakalagay ang mga location ng kanyang planeta, araw, at buwan, nong siya ay ipinanganak}
Bata pa si Bro para sumakabilang-buhay sa edad na 41 na taon. Nabigla ako ng malaman ko at nabasa sa Facebook na marami ang nagpost ng Rest in Peace at saka Condolence. Nakakagulat na sa batang edad at matipunong pangangatawan ay biglang atakehin sa puso dahil sa community acquired pneumonia ayon sa doctor.
Matagal ko siyang nakakausap sa messenger dahil mahilig sya magtanong sa akin tungkol sa kaalamang mistika lalo na tungkol sa astrolohiya para malaman ang kanyang panghinaharap na buhay. Binabasa ko sa kanya ang ibig sabihin ng mga planeta, araw at buwan, at ang ibig sabihin nito sa kanyang birth chart. Pero ang mga bagay na sensitibo ay hindi ko sinasabi at binabanggit halimbawa ang posisyon ng araw na nasa Pisces in 8th house.
Ipinanganak siya na ang Sun ay nasa Pisces at nasa 8th house ng kanyang natal chart. Ang Moon ay nasa Cancer House at nasa 1st house. Ang planet Jupiter ay nasa 24 degree 11 min Taurus pero nasa 11th house. Ang Saturn na nasa Leo ay nakatapat sa Mars sa Aquarius.
Water - Sun in Pisces, Moon in Cancer, Uranus in Scorpio = 3
Air - Mars In Aquarius, Mercury in Aquarius, Pluto in Libra, North Node in Libra = 4
Fire - Neptune in Sagittarius, Saturn in Leo, Venus in Aries = 3
Earh - Jupiter in Taurus = 1
Napakahiwaga ang buhay ng tao. Maaaring tama mga sinaunang mistiko na may kinalaman ang ikot ng mga bituin, planeta at buntala sa kapalaran, buhay, at katangian ng bawat tao. Sa astrolohiya ni Bro na ayon sa aking kaunting kaalaman, tumatama ang mga kondisyon noong dumating ito sa kanyang buhay.
Sumalangit nawa sa walang katapusang kaluwalhatihan ang kaluluwa sa kaharian ng Diyos na Lumikha. Amen.
Ayon sa Biblia, Hinahamon ng Diyos si Job
Job 38:30
"Ang tubig ay nagiging matigas na parang bato, At ang ibabaw ng kalaliman ay nabilanggo.
Job 38:32
"Maaari mo bang humantong ang isang konstelasyon sa panahon nito, At gabayan ang Bear sa kanyang mga satelayt?
Amos 5: 8
Siya na gumawa ng mga Pleiades at Orion At nagbabago ng malalim na kadiliman sa umaga, Na nagpapagaan din ng araw sa gabi, Na tumatawag sa tubig ng dagat At ibinubuhos sa ibabaw ng lupa, Ang PANGINOON ang Kanyang pangalan.
Treasury ng Kasulatan
Maaari mong isailalim ang matamis na impluwensya ng Pleiades, o maluwag ang mga banda ng Orion?
Pleiades. o, ang pitong bituin.
Heb. Cimah
JOB 9: 9 Na ginagawang Arcturus, Orion, at Pleiades, at ang mga silid ng timog.
Amos 5: 8 Hanapin siya na gumagawa ng pitong bituin at Orion, at lumiliko ang anino ...
Ipinapaliwanag ng Diyos na talagang may kinalaman ang mga planeta at bituin sa kaplaran ng tao.
Comments
Post a Comment