Bata pa lang ako ay mahilig na magsulat si Inay. Sa takip ng lumang baul ay nakasulat ang talaan kung kailan kaming limang magkakapatid na apat na lalaki at isang babae, ay ipinanganak dahil wala pa pwede pagtaguan ng importanteng dokumento. Marami siyang kwento tungkol sa kanyang buhay. Ipinanganak sya ng December 21, 1928 sa Alitagtag, Batangas pero sa birth certificate ay january 9, 1929 dahil late na sya napa register sa munisipyo. 14 na taon sya noong 1942 ng magkaroon ng gyera sa Pilipinasa dahil sa pananakop ng mga Hapones kaya meron naranasan din nila kasama ang pamilya na manirahan sa dug-out o taguan sa lampung malapit sa lawa ng Taal. Marunong siya magsalita ng Hapones dahil sa turo sa kanila sa school noong gyeara kaya madalas kung inu-usisa na turuan nya ako.” Onamae wa nanto iimasuka” na sa Tagalog ay Ano pangalan mo o What is your name in English. Graduate sya ng high school sa Batangas High School kaya nagpatuloy sya ng Education course sa Western Philippines Col...
Ang buhay ayon sa ikot ng mundo at mga planeta