Ang Pamana ni Inay
Bata pa lang ako ay mahilig na magsulat si Inay. Sa takip ng lumang baul ay nakasulat ang talaan kung kailan kaming limang magkakapatid na apat na lalaki at isang babae, ay ipinanganak dahil wala pa pwede pagtaguan ng importanteng dokumento.
Marami siyang kwento tungkol sa kanyang buhay. Ipinanganak sya ng December 21, 1928 sa Alitagtag, Batangas pero sa birth certificate ay january 9, 1929 dahil late na sya napa register sa munisipyo.
14 na taon sya noong 1942 ng magkaroon ng gyera sa Pilipinasa dahil sa pananakop ng mga Hapones kaya meron naranasan din nila kasama ang pamilya na manirahan sa dug-out o taguan sa lampung malapit sa lawa ng Taal.
Marunong siya magsalita ng Hapones dahil sa turo sa kanila sa school noong gyeara kaya madalas kung inu-usisa na turuan nya ako.” Onamae wa nanto iimasuka” na sa Tagalog ay Ano pangalan mo o What is your name in English.
Graduate sya ng high school sa Batangas High School kaya nagpatuloy sya ng Education course sa Western Philippines College noong 1951-1952. Matatapos na sana sya ng college noong makilala nya ang tatay ko.
Gwapo si Gabriel Sr. na beterano sa World War 2 kaya nainlove kaagad si Inay. 24 yrs old na sya noon at ang tatay ko naman 26 noong mainlab ang Tiger born sa Dragon born at lumabas na nga ako na Dragon born ng 1952.
Ayun, nalimuntan na ang pag-aaral nya at hindi naka graduate. Nagtanan ng buwan ng Mayo at ipinanganak naman ako ng December. Siempre, galit lahat family ng Inay ko dahil naitanan ang bunso nila.
Lumipas ang tatlong taon, napaatawad din ng pamilya at para mapalapit ang loob ay nagpasya na pumunta ng Mindoro para sa homestead na kagubatan at maraming malaria virus.
Graduate na ako Grade six noong naisipan nyang tapusin ang Elementary Education Course na tinapos sa Golden Gate Colleges sa Batangas City. Kasama ako na pumasok naman ng first year high school sa Alitagtag High School. 37 yrs old na si Inay noong maging Registered Public School Teacher na nagturo ng Grade 3 students sa Sta Brigida Elementary School na dapat noong siya ay 24 yrs pa lamang.
Bata pa lamang kami ay lagi nyang pinapangaral ang kahalagahan ng pag-aaral na kahit matanda na sundin ang ambisyon kasama ng edukasyon.
Tribute to her Birthday today, December 21.
Comments
Post a Comment