Day 6 Lockdown in Manila

Nagsimula ang lockdown sa NCR noong March 15 kaya  nagkaroon na ng mga check points sa mga entry points ng nasa perimeter city.

Kapangyarihan ni Pluto sa Konstelasyon ng mga Kambing o Capricornius

Masalimuot ang buhay ni Pluto na may pangalan na Hades sa Mitolohiya ng mga Griyego.  Ang kasalukuyang astrolohiya ay ginagamit ang mga planeta na ipinangalan sa Roman Mythology. Halimabawa, si Saturn ay isang disiplinador at asawa ni Ops ay ama nina Jupiter, Neptune, Pluto, Ceres, Juno at Vesta.

Dahil sa hula na aagawin sa kanya ang kanyang kapangyarihan ng isa sa mga anak nito, isa isang nilunok niya ang ang kanyang mga anak maliban kay Jupiter na itinago ng kanyang ina noong siya ay maliit pa.

Noong lumaki na si Jupiter, inaway niya si Saturn na kanyang ama at sapilitang ipinaluwa ang kaanyang mga kapatid. Dahil ditto, nahati ang mga kapangyarihan ng mga Titans sa pamamahala ni Jupiter ang kalangitan, Neptune sa karagatan, at kay Pluto ang kalaliman ng mundo o tinatawag na underworld kasama ang kadiliman.

Ang inpluwensya nila sa sangkatauhan ang mga sumusunod:

Jupter : dahil siya ang pinakahari, siya ang nagbibigay ng magagandang swerte, magandang buhay at              mayamang kapaligiran sa sangkatuhan.  Kaya kung maganda ang location nito personal birth               chart, ay makakaasa ng maganda ta mayamang buhay.

Saurn :  disiplina para matutuhan ang tamang galawa ng buhay

Pluto :   pinamamahalaan ang kadiliman, materyalismo, pagbabago at kamatayan

Neptune:  malalim na kaisipan at lahat ng may kinalaman sa mental na kagalingan

Ceres;

Juno:   ang posibilidad at ang nakatadhana na tamang partner sa buhay

Vesta


Pluto in Capricorn :   November 26, 2008 - May 23, 2023

Ito ang epekto sa akin noong ang platetang Pluto ay pumasok na sa 2nd House ng aking birth chat sa Capricorn.

Pluto ay sa ikalawang bahay sa iyong chart, na ibinigay ang ito na hilaw na kapangyarihan ng pagbabago, ang placement na ito ay maaaring gumana para sa o laban sa iyo. Ito ay maaaring magresulta sa isang napakalalim palayok ng ginto at kasaganaan o ito ay maaaring punasan out ka. Maaaring pareho rin ito. Ang isang pulutong ay depende sa kalagayan ng iyong sariling kamalayan at kung paano mo ilapat ang nalalaman mo. Ang hamon ay hindi upang payagan ang pagkuha ng pera at materyal na mga kalakal upang maging isang dulo sa kanilang sarili.
Sa mga partikular na kalagayan, maaari kayong magkaroon ng natatalaga na pagnanasa para sa mga materyal na pag-aari. Ang bank account ay maaaring ang tanging bagay na maaari mong talagang tiwala sa iyo upang makakuha ng higit pang kayamanan, dahil ito ay gumagawa sa tingin mo ligtas. Muling pag-isipan ang iyong saloobin sa pera at mga ari-arian at pag-isipan ang kahulugan nito sa iyo.

Pluto sa ikalawang bahay ay maaaring malagot ang lahat ng iyong mga fantasies ng kayamanan. Marahil ang karanasan ay pipilitin kayong matuto destakamento sa gayon ay ituro sa inyo ang kahalagahan ng buhay sa tahanan. Ang matitinding karanasan sa aspetong ito ay magpapabago sa buong pananaw ninyo sa buhay. Ito ay ang iyong kapalaran sa karanasan kapwa kayamanan at kahirapan. Ang pagbibigay sa iyong pangangailangan para sa seguridad ay gumawa lamang ng destakamento mas masakit. Watch out na hindi mo maling paggamit ng iyong mga pondo o subukang bumili ng tao. May tunay na panganib ng tukso na bigyang-kasiyahan ang iyong kapangyarihang magutom sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga tao ng pera, pagsamba sa katayuan ng buhay o brodkas sa panlilinlang. Ang pag-aaral ng mga aralin Pluto ay makakatulong sa iyo na gamitin ang paraan na mayroon ka para sa kapakinabangan ng sangkatauhan at baguhin ang basura ng lipunan sa mga treasure



May Akda:

Si Gabriel Comia Jr ay isang Astrologer ng makabagong panahon, at isa din siyang Mason. 







Ang Obelisko sa Central Park ng New York

Mahiwaga ang buhay. Marami itong mga pangitain na kung titingnang mabuti ay malalaman ang ibig sabihin.

New York, Enero 6, 2020

Lagpas na ng alas singko ng hapon ng dumating ako ng JFK Airport sakay ng Delta Airlines mula Las Vegas na inabot din ng limang oras ang byahe pero maaga pa rin dahil sa time zone difference na nauuna ang New York ng ilang oras.

Siguro  dahil sa bombahan sa Iraq ay maraming NYPD sa airport dahil sa police alert. Nahirapan ako gamitin ang Uber app na laging  askingfor verification kaya pumunta na lang ako sa taxi stand. Hindi naman mahal ang taxi kumpara sa Uber price na may mga sharing passenger pa pero sobra mahal kung iko convert sa piso na umabot ng 70usd kasama na tip,  70 x50 =3,500 pesos din hanggang sa 74th street Manhattan.

Kahit pagod sa trabaho ay kaagad na iniikot ako ni Charis na tinuruan nya ako kung paano sumakay sa subway saka ino orient din nya ako ng mga  kalye sa Manhattan na east west ang direksyon. Mahusay ang nagplano ng mga kalye sa  New York. Madali itong makabisa dahil naka orient lahat ang mga kalsada  sa compass.

Hindi naman ako bagong salta sa New York. Noong maliliit pa sila ay nagbakasyon na rin ako kasama ang pamilya noong Spring ng 1995. Hindi masyadong malamig noon na di tulad ngayon na nakahanda talaga ang mga damit kong panlamig na patong patong.

Bago matulog ay nagsulat na ako ng mga pupuntahan at papasyalan tulad ng  isang turista. Mauuna ang central park na hindi kalayuan at walking distance lamang puntang east side ng 74th street.

Obelisko sa Centra Park








Maaga akong gumising.  Naligo kahit malamig at binalot ang katawan ng makakapal na damit. Doble ang pantalon na  thermal, doble din ang medyas, Dr Martens boots, 2 thermal shirt, at isa pang long sleeve t-shirt, Jacket na makapal na close neck, scarp na pangpa init ng leeg, bennie, gloves, saka dark shades.

Gamit ang google map, madali kong narating ang park at hinanap ko kung saan nakatayo ang obelisko. Hayun at nasa isang talampas na nagso solong nakatayo.

Ang obeliskong monument sa Central Park, New York  na tinatawag na Cleopatra Needle ay  mahigit na 3,000 taon na ay may taas na 69 ft at bigat na 244 tonelada. Ito ay isa sa dalawang obelisk na itinayo noong ika 30 taon ng  pamamahala ni Pharaoh Thutmose lll. Noong taong 18 CE  pagkatapos ng matagal na pagkawala dahilan sa mga gyera ng kingdom,  natapuan ang dalawang obelisko at dinala sa Alexandria na kung saan ay itinayo sa tinawag na lugar Cleopatra Caesarium.

Noong 1879, inialok ito sa US ng Egypt bilang tanda ng mabuting pananampalataya upang makatulong na pasiglahin ang mga relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ang kakambal nitong obelisko ay napunta naman sa London at nakatayo sa banks ng River Thames.




Natuwa ako at namangha. Pakiramdam ko ay nasa kapanahunan ako ng mga Pharaoh sa Ehipto libong taon na ang nakaraan. Matagal akong umikot-ikot at nagmuni-muni. Kumuha ng mga larawan at isa isang binasa ang mga hieroglyphics na naka ukit sa mga surfaces nito.

Pagkaraan ng isang oras ay naisipan kong gumawa ng isang isang ritwal na patungkol sa Diyos na tinatawag at pinapapurihan ang kanyang  pangalan ss apat na sulok ng daigdig at unibeso.

Pagkatapos, namasyal na rin ako sa loob ng park kahit sobrang ginaw at nangangatog ang baba. Napakalawak na park kaya naisipan kong mamahinga sa upuan na nasa gitna at mayroong skuptura ng tatlong oso.



Sculptura ito ni Paul Manship  (1885 - 1965)  na tinaguriang Group of Bears





Habang nakaupo ako sa bench sa may likuran, may napansin ako na makintab na bagay sa  aking tinatapakan kaya dinampot ko ito na parang chain ng mga 5 pointed stars - isa palng dangling na hikaw na mga stars ang palawit.  Bigla akong tumayo at tiningnan ko ang napansin ko na vine sa paanan ng tatlong bears, pareho na mga leaves na 5 pointed stars din ang hugis.

Bigla akong napaluha, napatingin sa Obelisko ng mga Pharoh na ginamit din ni Cleopatra na para bang sinasabing huwag kang mag -alala sa tatlong anak mo, nasa harapan nila ang gintong vines na pahiwatig na hindi na sila maghihirap sa kanilang mga buhay.


May Akda:

Si Gabriel Comia, Jr ay isang mag-aaral ng mistisismo at isang manunulat na manlalakbay.