Skip to main content

Ang Obelisko sa Central Park ng New York

Mahiwaga ang buhay. Marami itong mga pangitain na kung titingnang mabuti ay malalaman ang ibig sabihin.

New York, Enero 6, 2020

Lagpas na ng alas singko ng hapon ng dumating ako ng JFK Airport sakay ng Delta Airlines mula Las Vegas na inabot din ng limang oras ang byahe pero maaga pa rin dahil sa time zone difference na nauuna ang New York ng ilang oras.

Siguro  dahil sa bombahan sa Iraq ay maraming NYPD sa airport dahil sa police alert. Nahirapan ako gamitin ang Uber app na laging  askingfor verification kaya pumunta na lang ako sa taxi stand. Hindi naman mahal ang taxi kumpara sa Uber price na may mga sharing passenger pa pero sobra mahal kung iko convert sa piso na umabot ng 70usd kasama na tip,  70 x50 =3,500 pesos din hanggang sa 74th street Manhattan.

Kahit pagod sa trabaho ay kaagad na iniikot ako ni Charis na tinuruan nya ako kung paano sumakay sa subway saka ino orient din nya ako ng mga  kalye sa Manhattan na east west ang direksyon. Mahusay ang nagplano ng mga kalye sa  New York. Madali itong makabisa dahil naka orient lahat ang mga kalsada  sa compass.

Hindi naman ako bagong salta sa New York. Noong maliliit pa sila ay nagbakasyon na rin ako kasama ang pamilya noong Spring ng 1995. Hindi masyadong malamig noon na di tulad ngayon na nakahanda talaga ang mga damit kong panlamig na patong patong.

Bago matulog ay nagsulat na ako ng mga pupuntahan at papasyalan tulad ng  isang turista. Mauuna ang central park na hindi kalayuan at walking distance lamang puntang east side ng 74th street.

Obelisko sa Centra Park








Maaga akong gumising.  Naligo kahit malamig at binalot ang katawan ng makakapal na damit. Doble ang pantalon na  thermal, doble din ang medyas, Dr Martens boots, 2 thermal shirt, at isa pang long sleeve t-shirt, Jacket na makapal na close neck, scarp na pangpa init ng leeg, bennie, gloves, saka dark shades.

Gamit ang google map, madali kong narating ang park at hinanap ko kung saan nakatayo ang obelisko. Hayun at nasa isang talampas na nagso solong nakatayo.

Ang obeliskong monument sa Central Park, New York  na tinatawag na Cleopatra Needle ay  mahigit na 3,000 taon na ay may taas na 69 ft at bigat na 244 tonelada. Ito ay isa sa dalawang obelisk na itinayo noong ika 30 taon ng  pamamahala ni Pharaoh Thutmose lll. Noong taong 18 CE  pagkatapos ng matagal na pagkawala dahilan sa mga gyera ng kingdom,  natapuan ang dalawang obelisko at dinala sa Alexandria na kung saan ay itinayo sa tinawag na lugar Cleopatra Caesarium.

Noong 1879, inialok ito sa US ng Egypt bilang tanda ng mabuting pananampalataya upang makatulong na pasiglahin ang mga relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ang kakambal nitong obelisko ay napunta naman sa London at nakatayo sa banks ng River Thames.




Natuwa ako at namangha. Pakiramdam ko ay nasa kapanahunan ako ng mga Pharaoh sa Ehipto libong taon na ang nakaraan. Matagal akong umikot-ikot at nagmuni-muni. Kumuha ng mga larawan at isa isang binasa ang mga hieroglyphics na naka ukit sa mga surfaces nito.

Pagkaraan ng isang oras ay naisipan kong gumawa ng isang isang ritwal na patungkol sa Diyos na tinatawag at pinapapurihan ang kanyang  pangalan ss apat na sulok ng daigdig at unibeso.

Pagkatapos, namasyal na rin ako sa loob ng park kahit sobrang ginaw at nangangatog ang baba. Napakalawak na park kaya naisipan kong mamahinga sa upuan na nasa gitna at mayroong skuptura ng tatlong oso.



Sculptura ito ni Paul Manship  (1885 - 1965)  na tinaguriang Group of Bears





Habang nakaupo ako sa bench sa may likuran, may napansin ako na makintab na bagay sa  aking tinatapakan kaya dinampot ko ito na parang chain ng mga 5 pointed stars - isa palng dangling na hikaw na mga stars ang palawit.  Bigla akong tumayo at tiningnan ko ang napansin ko na vine sa paanan ng tatlong bears, pareho na mga leaves na 5 pointed stars din ang hugis.

Bigla akong napaluha, napatingin sa Obelisko ng mga Pharoh na ginamit din ni Cleopatra na para bang sinasabing huwag kang mag -alala sa tatlong anak mo, nasa harapan nila ang gintong vines na pahiwatig na hindi na sila maghihirap sa kanilang mga buhay.


May Akda:

Si Gabriel Comia, Jr ay isang mag-aaral ng mistisismo at isang manunulat na manlalakbay.












 








Comments

Popular posts from this blog

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento ang tungkol sa Pakudos, isang disenyo ng motif sa likod ng tradisyunal na blus

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart. Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral. Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.