Isa sa mga pinagka-kaabalahan ko kapag nagpapatay ng oras noong ako ay medyo bata pa ay mag-isip ng mga kakaibang disensyo ng tirahan. Noong college ako ay muntik na akong magshift ng kurso ng Architecture dahil natutuwa ako sa mga rendering ng mga kaibigan at classmate na kumukuha ng kurso na ito, dangan nga lang at nasa 3rd year na ako ng Civil Engineering at babalik na naman ako sa drawing ng mga freshman kaya ipina-isang tabi na lamang ang kapritso. Taong 1982 nang unang magkabahay kami sa Ayala Alabang Village. Marami din akong mga oras na ginugol sa pag -iisp ng gusto kong layout at nagawa naman at tinirahan namin sa loob ng 7 taon (1982 -1989), sayang wala na naiwang picture yaong unang bahay sa Luzon Drive. Isa naman nimalist at modern design ang sunod kong inspirasyon. High ceiling ang living room na parang nasa hotel ang feeling. Ito ang picture ng facade. Walking distance ito sa St James Parish the Greater Parish Church na kung...
Ang buhay ayon sa ikot ng mundo at mga planeta