JULY 2OO3
Taong 2oo3 noong ako maging mason matapos ang halos dalawang
taon na petitioner or candidate sa craft ng masonerya. “ Bakit ba ako nagmason?”
Wala naman sa ninuno namin o mga malapit na kamag anak ang naging mason. Ang
natatandaan ko nong bata ako sa bayan ng inay ko ay may isang malaking bahay na
ang nakatira daw ay isang mason. Kinatatakutan dahil hindi ordinaryo ang
marinig ang salitang mason. Kamag anakan din ng pamilya ng mother ko. Ewan ko
kung saan siya miyembro dahil wala namng nagbigay ng tamang inpomasyon tungkol
sa kanya.
Nagmason ako dahil siguro ito isang tadhana para sa
hinahanap kong mga misteryo ng buhay mula pa noong unang panahon na hindi ko nabasa noong bata pa ako. Likas sa
akin ang pagiging mahilig magbasa lalo na mga kababalaghan o hindi ordinaryong
mga kaisipan. Maraming kwento din si Inay sguro dahil isa suyang maestra sa
elementarya kaya kailangan nya maraming kwento para sa maingganyo ang
estudyante na pumasok kung meron sya laging putol putol na kwento o itutuloy na
istorya.
Bata pa ako ay mahilig na tumigin sa mga bituin sa
kalangitan kahit hindi ko alam ang mga pangalan nito hanggang matututuhan ko
ang mga konstelasyonna na ito na sumisikat sa kanya kanyang buwan sa loob ng
isang taon.
Tadhana ang nagdala sa akin para makatapos ng pag-aaral sa
kursong civil engineering. Maraming
sakripisyo din sa sarili ang pakikipagsapalaran sa Maynila nong panahong mga 1969
noong una akong makarating sa syudad. Sobrang nakakatakot pumunta sa maynila
mula sa Mindoro nong mga panahong iyon. Halos magdamag at maghapon ang byahe na
sasakay pa sa barko at sa bus na pagewang gewang dahil sa sama ng baku bakong
kalye o kaya ay pinatag na lupa lamang na kapag tag ulan ay kailangang hilahin
ang bus dahil lumulubog sa putik at sa napakadulas na daang lupa.
Katoliko ang relihiyon naming na kapag araw ng lingo o
sabado kapag may nagpupuntang pari sa baryo ay nagsisimba kaming lahat. Malapit
lang sa simbahan at sa elementary school ang bahay namin kaya hindi pwede na
mag aabsent sa pagsimba.
Natatandaan ko na ang paring nagmimisa sa simbahan naming sa
baryo ay isang paring misyonero na taga Holland, si Father Anton Postma,
matangkad at olandes ang buhok at may maputing balat na may kapayatan pero
gwapong pari. Lagi siyang may dalang malaking balat na bag. Maganda siya
magbigkas ng tagalog dahil labas sa ilong ang mga salita. Mahusay at matatas
siyang magsalita lalo na kapag sermon na. Nitong mga nakaraang taon na nasa
maynila na ako at naninirahan sa Maynila ay nabalitaan ko na umalis na siya sa
pagkapari at naninrahan na siya sa bundok ng Panaytayan at nag asawa na ng
katutubong mangyan. Tinulungan niya ang mga katutubo ng kahalagahan ng
sibilisasyon at edukasyon. Dahil isa siyang anthropologist, marami siyang
nasulat na libro tungkol sa hanunuo mangyan na ginagamit na ngayon ng national
museum of the Philippines.
College Days
Noong college ako, madalas din akong magsimba sa Quiapo Church
dahil malapit ito sa Feati na pinapasukan ko. Pag-ikot sa avenida kapag bakante ang oras sa susunod na subject
ay dumadaan sa simbahan para humingi ng tulong sa Diyos na kinaugalian na at
siyang turo ni Inay na laging magdasal at gabayan sa araw araw ng Diyos Ama,
Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo pero dapat kasama din si Birheng Maria na
ina ng Diyos Anak.
Marami akong tanong tungkol sa pananampalataya na itinuro ng
simbahan katoliko. Halimbawa, ang diyos anak at ama ay iisa pero ang anak ay
may nanay nong magkatawang tao at hindi ang asawa ni birheng maria ang tatay-
na ang espritu santo ang dahilan ng pagbubuntis. Ewan ko, basta naniniwala na
lang ako na may Diyos.
Second year college ako nong mauso ang mga iba ibang
paniniwala tungkol sa Diyos dala marahil ng pagkakahilig ni George Harrison ng
Beatles sa Indian philosophy, ang pagsikat ni Ravi Shankar at sa paggamit nito
ng sitar, ang mga paniniwala sa transcendental meditation, yoga at hare Krishna
prayer mantra na may kasama pang prayer beads.
Dahil sa pilosopiyang ito ay nag aral ako ng ibat ibang forms
of meditation, mind centering at concentration, saka ang hypnotism na lagi
naming pinapraktis ang kaibigan ko. Nag join ako ng Ananda Marga sa Paco,
Manila at mga ilang buwan din na hindi
kumakain ng isda at karne, at tanging kanin at gulay ang pagkain kahit na
napakapayat ko at parang tingting na labas ang buto.
British Rock ang music namin na kinabibilangan ng Pink
Floyd, Beatles, Rolling Stones, Black Sabbath, Monkeys, Cream ni Eric Clapton,
at sa US naman ay si Jimi Hendrix at grupo ng Santana at CCR.
TAON 1978
Nakatapos ako ng kurso noong 1976 at pagkaraan ng dalawang
taon ay nagkaroon ng pamilya. Naging ugali na namin ang magsimba tuwing araw ng
lingo matapos ang anim na araw na pagtratrabaho at para ihandog ang isang araw
para sa diyos bilang pagsamba sa kanya
na lumikha ng sangkatauhan. Maganda din itong formation sa mga anak para sa
relationship with god and to have faith as a believer based on the writings of
the bible or the sacred book of the law. Dahil madalas magsimba ay naging mga
kaibigan namin ang malalapit sa simbahan, mga kapitbahay sa Ayala Alabang.
Marami ding activities and community. At dahil mga young families at kukunti pa
kami sa village, maraming renewal programs ang mga nakuha at naging miyembro,
renewal programs sa st james the great parish, couple for christ, eucharistic ministry
movement, retreats all church based education supported by the parish.
Nag aral din ang anak ko sa catholic school, Benedictine san
beda alabang, at sa paref woodrose na malapit lang sa bahay namin. Maganda ang
formation ng anak sa catholism lalo na ang opus dei school.
Kahit na isa akong Eucharistic minister or lay minister ay
mahilig pa rin akong magbasa ng libro about the stars and planets and its
influence to the life of every human being. May mga libro ako sa Chinese astrology kaya alam ko na ako ay
ipinanganak sa year of the dragon, a water dragon of 1952. Marami ding oras ang
ginugol ko sa pag aanalisa at
Comments
Post a Comment