November 2O17
Pagkaraan ng 17 na taon, ngayong lang uli kami nagkasama -sama sa Mindoro, ang lugal na kinalakihan. Magkakalayo na mga tinitirahan kaya minsan lang dumating ang mga pagkakataong muli.
Pagkaraan ng 17 na taon, ngayong lang uli kami nagkasama -sama sa Mindoro, ang lugal na kinalakihan. Magkakalayo na mga tinitirahan kaya minsan lang dumating ang mga pagkakataong muli.
{Kuha ni Ali Comia alas 6;00 ng umaga habang nag aalmusal sa bahay nila sa Sta Brigida, Mansalay, Oriental Mindoro noong Nov. 2017. Kagigising pa lamang at nagsisimula sa kape, nilagang saging na saba, itlog, shell na lukan-malaki ito sa tulya. at maraming pang ibang niluluto, pritong tambakol, etc }
Magkakapatid
Lima kaming magkakapatid na binubuo ng 4 na lalaki at isang babae. Tatlo ang mag kakasunod na lalake simula sa akin bilang panganay, Jr. gabriel, Esy, Boy, sumunod ay si Delia at ang bunso ay si Roy.
Gabriel Acupan Comia, Sr.
March 24, 1926+
Anna Castillo del Carmen
Dec 21, 1928+
Jr. Gabriel Dec 12, 1952
Niceto Apr 20, 1954
Arthur Mar 20. 1956
Delia May 29, 1959 +
Roy Nov 28, 1962
{Lumang picture Pasko Dec 1970}
Dito sa Sta. Brigida kami nanirahan at lumaki. Dito rin nag elementarya pero sa kabilang bayan nag high shool. Napakaliblib pa ang pook na ito noong mga 1950s at 60s. Hiindi maayos ang kalye na madulas pag umuulan at rough road. Wala ding kuryente kaya gasera at kerosene ang gamit sa ilaw.
Maghigpit si Inay sa pag-aaral namin dahil nga sa isang teacher sa public school ay ipinamulat ang kahalagahn ng edukasyon sa buhay ng tao. Si Tatay ay isang magsasaka sa bukid kaya nasanay din kami sa trabahong pagtatanim ng palay at mga gulay kaya lang ayaw niya na ang maging hanapbuhay namin paglaki ay bukid pa rin na siya naman nangyari sa mga buhay namin.
1959 - 1965 Mababang Paaralan ng Nayon ng Sta Brigida
Nagsimula akong mag Grade 1 dito sa Sta. Bigida. Una kong titser ay si Ate Sosing, pinsan ni Inay. Walking distance lang ang school tabi ng bakod ng bahay namin. Kakaunti pa ang mga estudyante kaya pangalawa kami sa batch ng nag graduate ng elementarya. Lagi ako may honor noong elementary dahil sguro kakaunti lang kami o talagang may angking talino din ako at pursigidong matuto.
1965 - 1969 Fabella College, Roxas, Oriental Mindoro
Pitong kilometro din ang layo ng high school o secondary school. Maghapon ang pasok na sinusundo at hatid ng dyip sa pagpasok sa school. Masaya din ang high school at dahil focus lang sa pag aaral, madali ding natapos sa loob ng 4 na taon kahit hirap sina Tatay at Inay sa pagtataguyod ng pag-aaral namin.
Mahirap din mag aral nong mga panahon na iyon, maalikabok ang kalye, bako-bako puro lubak, at maputik kapag umuulan. Wala parin kuryente at saka kakaunti pa ang mga sasakyan na pwede mo bilangin ang dumadaan. Ang pampasaherong bus ay dalawang beses lang dumaan , isang paroon at isang parito. Ibig sabihin pupuntang Calapan para sa byahe ng barko at pabalik. Na pag galing ka sa Batangas, ang unang bati sayo ay kumusta ang dagat, maalon ba o malakas.
Yaring kahoy pa ang mga barko na kapag sumakay ka ay lulang lula at nasusuka dahil sa pag indayog sa alon ng dagat. Maraming beses ko na rin na naranasan ang ganong sitwasyon noong ako ay lumuluwas pa at nag aaral pa sa Maynila.
Dati rati ay halos 24 oras ang byahe bago makarating ng Maynila. Natatandaan ko pa na sasakay ako ng bus ng mga alas 7 ng gabi at makakarating ng kalapan ng umaga na. Sasakay ng barko ng 9am at darating ng Batangas Pier ng tanghali. Hapon na bago makarating sa Makati na aking inuuwian, Samantalong ngayon 4 o 5 oras lang ay nakarating.
197O -
Dito na sa taong ito nagsimulang mangibang bayan at umalis ng Mindoro. .
..itutuloy
----------------------------------
November 2018
Mga kuhang litrato sa beach house ni Teling sa San Antonio Beach
Kuha sa beach house ni Teling
Comments
Post a Comment