Skip to main content

The Paradox of the Haves



Kabubukas pa lang ng isang membership grocery superstore sa tabi ng Ayala Alabang Village kaya maraming sasakyan ang nakaparada at pati sa mga  gilid ng kalye na nakapalibot dito. Halos dikit dikit ang mga sasakyan na sa pagpasok ay sobra ng trapik. Maraming 4x4 SUV  at iba pang malalalaking sasakyan na sa tingin ko ay mga mamahalin  ang presyo ng mga ito.


Bakit kaya maraming 4x4 pick-up at SUV  na mga sasakyan sa  Metro Manila na hindi naman ginagamit sa bundok o sa mga malalayong byahe na disyerto o malalakas na hangin na highway. Dahil ba mahal ito at status symbol kung naka Range Rover o Lexus SUV?  Sa mga malalaking bansa tulad ng Amerika, Europa, or Middle East, kailangan ang 4 x4 dahil normal ang magbyahe ng  libo libong kilometro sa napalawak nitong mga lupain. Pero sa Metro Manila ang kadalasang layo ng takbo ay 25 kilometro mula Alabang hanggang Makati na kaya lamang tumatagal ang byahe ay dahil sa siksikan sa napakaliit na kalsada. Ayon sa statistics,  90% ng buong kabuuan ng mga sasakyan sa Pilipinas  ay nasa Metro Manila na pinagkakasya sa 2% lang ng kalye kaya pag nagka sabay-sabay sa labas ay wala ng galawan ang trapiko.


Nainganyo na rin ako na  makisali at maki usyoso kung ano ang meron, kaya nakipila sa caltex gas station na nasa loob ng compound. Kaya pala pila, ay may discount na P10 kada litro kapag bumili at nagpakarga ng gasolina kung may membership card ng superstore. Hanggang tatlong araw lamang ang promo kaya nakisabay na rin ako para  makatipid din ng 300 pesos sa  full tank.

Nauuso na ang mga membership club supermarket. May isang nauna na membership din na pereho ang set up. Maganda at maluwang ang paligid at saka kakaiba ang nabibili kumpara sa mga karaniwang supermarket. Mapapansin na ng mga namimili ay halatang hindi babad sa araw ang mga kutis na kung meron man ay halatang nag sun bathing o galing kay Belo.



Mga Komento.

  1. Bakit ganon, kailangan pa ang membership para lamang makabili. Dahil ba nakakamura kung maramihan ang bibilihin o gusto lamang na mga exclusive patrons ang pwedeng mamili para sosy ang dating.
  2. Malalaki at maramihan ang pack, kaya mapipilitan ka ng ubusin kaagad o lutuin ang mga nabili dahil baka masira kung pagtatagalin ang stock.
  3. Ganon ang reyalidad ng buhay, dahil maraming pera, tiyak marami pambili ng masasarap at matatabang pagkain na sasabayan ng maraming gamot na pangontra o pang pababa ng alta presyon halimbawa.
  4. Kapag mataba na at naglalakihan na ay maghahanap naman ng mga salon o diet program na pang pangpapayat.
  5. Sabi nga ni Ralph na anak ni Roy,  bakit magpapayat  e ang tagal na pinaghirapan na kumain at patabain ang sarili tapos aalisin lang..aba ay malaki na namang gastusan at pawis para bumilog uli..hehehe
  6. Kain ng kain tapos magrereklamo dahil maraming sakit..ang solusyon ay dapat tumigil kumain ng marami.
  7. Ipon ng ipon ng pera pero pagtanda ay pangpapagamot lang ng kanser o rayuma.
  8. Nagtitipid sa diesel at gasolina pero ang laki naman ng SUV na pang porma.
..May karugtong pa









Comments

Popular posts from this blog

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento...

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart. Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral. Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.