Bigla na lamang nakaramdam ako ng pananakit ng kasukasuan ng gitnang daliri na sintomas siguro ng gout or anthritis na karaniwang umaatake pag mataas ang uric acid ng dugo dahilan sa pagkain ng matatabang pagkain tulad ng karne ng baboy, beef o mga iba pang meat products.
Masakit pala ang gout, hindi mahawakan at maigalaw man lang ang buong kamay kahit na gitnang daliri lamang ang apektado. Grabe sa sakit kaya hinanap ko sa internet kung ano ang pwedeng panlunas dito. Wala palang panlunas dahil nakukuha ito sa pagkain ng mga karne ng baka, tupa, baboy, at iba pa na hindi kayang tunawin ng kidney. Siguro dahil may edad na kaya mabagal na mag function ang kidney at pancreas na siyang nagtratrabaho para sa pagsasala ng ibat ibang pagkain na pumapasok sa katawan.
Masakit talaga kaya naghanap ako ng gamot for temporary relief. Nabasa ko ang ibuprofen for anti imflamatory na ang isang brand name ay Advil 200mg softgel capsule. Maayos naman ang resulta dahil wala na ang matinding sakit at mabilis na ulit akong magtype sa laptop.
Sa pagbabasa ko ng mga ibat -ibang artikulo tungko sa sakit, napunta ako sa sinasabi sa bibliya sa tamang pagkain ng tao para sa magandang kalusugan para mapahaba ang buhay ng walang karamdaman. Sa Ezekiel 47: 12
" Sa tabi ng bangko ng ilog, sa dakong ito at iyon, ay lalago ang lahat ng uri ng mga puno na ginagamit para sa pagkain; ang kanilang mga dahon ay hindi malalanta, at ang kanilang bunga ay hindi mabibigo. Mamumunga sila tuwing buwan, sapagkat ang kanilang tubig ay dumadaloy mula sa santuwaryo. Ang kanilang bunga ay para sa pagkain, at ang kanilang mga dahon para sa gamot."
Ibig sabihin na mga prutas ang siyang tamang pagkain ng mga tao sa mundo sapagkat iingatan nito ang katawan sa sakit para sa magandang kalusugan. At kung magkasakit man ay ang mga dahon nito ang siyang tamang panlunas.
Halimbawa ang mga dahon ng:
Chico
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang chico ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
- Ang dahon ng chico ay may taglay na alkaloid, sapotin, fixed oil at iba pa.
- Ang bunga naman ay mayroon ding sapotin. Taglay din nito ang saccharose, dextrose, at levulose.
- Ang maitim na buto ay mayroon namang sapotin, saponin, achrassaponin, fixed-oil, at sapotinine
- Ang balat ng kahoy ay makukuhanan ng sapotin, saponin, at tannin
- Ang katas ng bunga nito ay mayaman naman sa mga asukal, protina, vitamin C, phenolics, carotenoids at mga mineral gaya ng iron, copper, zinc, calcium at potassium
Mangga
1. Ubo. Mabisa para sa ubo ang pag-inom sa inumin na nilagyan ng murang dahon ng manga.
2. Pagtatae. Ginagamit naman na panlunas para sa pagtatae ang pinaglagaaan ng balat ng kahoy at buto ng manga. Maaari ding gamitin ang pinaglagaan ng ugat ng manga. Ang pag-inom sa katas ng dinikdik na dahon ay may kapareho ring epekto.
3. Pagkawala ng boses. Makatutulong para sa panunumbalik ng nawalang boses ang pinaglagaan ng dahon ng manga. Maaari din itong ihalo sa pulot o honey at inumin na parang tsaa.
4. Galis sa balat. Maaring gamutin ang pagsusugat at pangangati ng balat na dulot ng galis sa pamamagitan ng paglalagay ng langis na hinaluan ng dagta mula sa balat ng kahoy ng manga.
5. Diabetes. Ang sakit na diabetes ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tubig na hinaluan ng dinurog na tuyong dahon ng mangga. O kaya naman ay pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon ng manga.
6. Paso. Ang abo naman ng sinunog na dahon ng manga ay mabisa para sa mga sugat at paso.
7. Bulate sa sikmura. Mabisa ding pangontra sa bulate sa sikmura ang pagkain sa loob na bahagi ng buto ng hilaw na manga.
8. Hika. Nakatutulong din ang pinulbos na buto ng manga para sa mga sintomas na nararanasan dulot ng hika.
Guyabano
1. Pagtatae. Ang hilaw na bunga ng guyabano ay maaaring gamitin para sa kondisyon ng pagtatae. Maaari din gamitin ang katas ng hinog na bunga ng guyabano.
2. Lisa at kuto. Ang paghuhugas sa ulo na apektado ng lisa at kuto gamit ang pinaglagaaan ng dahon ng guyabano. Mabisa rin ang paggamit sa pinulbos na buto ng guyabano.
3. Pamamanas ng paa. Maaaring ipantapal o ipang hugas ang pinaglagaan ng dahon upang mapahupa ang pamamaga ng paa.
4. Eczema. Ang implamasyon sa balat ay maaari ding mapahupa sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng guyabano.
5. Rayuma. Mabisa para sa pananakit ng mga kasukasuan ang pagpapahid ng langis mula sa dahon ng guyabano at hilaw na bunga nito.
6. Diabetes. Makatutulong para sa sakit na diabetes ang pinaglagaan ng ugat, balat ng kahoy at dahon ng guyabano.
7. Kanser. May ilang pag-aaral na isinagawa na nagpapatunay na mabisa ang katas ng bunga ng guyabano, pati na ang pinaglagaan sa pagpigil ng pagkalat ng cancer cells sa katawan.
8. Sipon. Ang matinding pagtulo ng sipon ay maari namang malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng guyabano. Maari din gamitin ang bulaklak para sa kaparehong epekto.
Bayabas
1. Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer sa sikmura ay matutulungang mapagaling nang mas mabilis sa tulong ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas.
2. Sugat. Mabilis din ang paghilom ng mga sugat kung tatapalan ng dinikdik na dahon ng bayabas. Mahusay din ang paghuhugas sa sugat gamit ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
3. Pananakit ng ngipin. Maaaring nguyain ang murang dahon ng bayabas upang mabawasan ang pananakit ng ngipin. Dapat ding isiksik sa bulok na ngipin ang nginuyang dahon.
4. Pagtatae. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng bayabas, o kaya pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. May bisa din ang pinaglagaan ng murang bulaklak ng bayabas.
5. Pamamaga ng gilagid. Ang pamamaga naman ng gilagid ay maaring mapahupa ng pagmumumog sa pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. Makatutulong din ang pagnguya ng murang dahon ng bayabas.
6. Rayuma. Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma.
7. Hirap sa pagdumi. Ang bunga ng bayabas na ginawang jelly ay makatutulong sa pagpapadalit ng pagdumi.
8. Epilepsy. Ang katas ng dinikdik na dahon ng bayabas ay mabisa din sa pagpapahupa ng sintomas ng epilepsy.
9. Bagong tuli. Kilalang ginagamit ang pinagnguyaan ng dahon ng bayabas sa mabilis na pagpapagaling ng sugat sa bagong tuli.
10. Bagong panganak. Ginagamit din ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas sa paghuhugas sa puerta ng babae na bagong panganak. Makatutulong ito sa mas mabilis na paghilom ng sugat.
http://kalusugan.ph/halamang-gamot-bayabas/
Langka
ack fruit has two main reason to prevent colon cancer
1. Jack-fruit has an antioxidant property
2. Jack-fruit rich in fiber.
1. Jack-fruit has an antioxidant property
2. Jack-fruit rich in fiber.
One cup of jack-fruit contains 3 grams of dietary fiber, produces peristaltic motion and increases the gastric juice secretion. These gastric juice helps in quick and easy digestion, thus avoids constipation problem or Piles problem. Flushing waste and keeping clear in the colon, keeps the intestines and digestive system free from toxins.
clears the colon from toxins ,keeps the colons healthy that help in protecting the colon from colorectal cancer. Jack-fruit also prevent ulcers and many other disorders such as formation of haemorrhoids, painful passing of stool ,anal bleeding.
Cancer cell/radical originates mainly in the areas where there is no oxygen. Antioxidant property helps in supplying excess oxygen all over the blood cells that reduces the growth of cancer cells.
Jack fruit contains phytonutrients such as saponins, isoflavanes and lignans that fight against cancer causing free radicals.
Antioxidants present in Jack fruit arrest the leukemia cells formation in the colon. Jack fruit has an antioxidant property ,minimizing the risk of colon cancer.
-- At marami pang ibang prutas na halamang gamot para sa kalusugan
Comments
Post a Comment