Skip to main content

Posts

Showing posts from 2016

Sothis, the fixed star in Cancer

https://www.youtube.com/watch?v=n3I2jD_0Exo Habang nanonod ako ng inauguration ni Pres Duterte kaninang tanghali, napansin ko na parang naka oras ang pagsisimula ng event, eksaktong 12:00 PM at sumulyap pa si Presidente sa kanyang relos. Palagay ko meron siyang astrologer, feng shui master consultant or adviser nya na mayroong pamahiin. Magandang oras ang 12:00pm ng tanghali. Nasa kainitan ang tirik na araw na simbolo ng magandang swerte. Ayon sa aking pag-aaral, maswerte sa buhay ang mga ipinganak sa katirikan nga araw o kasabay ng malalaking planeta sa oras na iyon. Sabi nong isang announcer sa tv na destiny ang pagigiging presidente ni Pres. Digong pero ginagawa daw ang pagiging presidente. Mali sya doon, hindi ginagawa ang destiny. Ito ay naka tadhana na simula pa nong ikaw ay ipinanganak at paglabas sa mundong ibabaw. Marami ang may ambisyon, marami din trinabaho pero wala sila sa linya ng tamang tadhana. Napakswerte ang mga araw sa Cancer mula June 22 ...

Ayala Southvale Village and Transit Pluto in Capricorn

Napansin ko ang 'throwback thursday' ni Jo sa kanyang Fb na nakapost ang dating house namin sa Ayala Southvale Village na inalisan namin noong 2009, nong mag hiwa-hiwalay na kami ng bahay na tinitirahan kasabay ng transit pluto in capricorn. Ibang klase ang planet pluto na dumating sa 2nd house ng natal chart ko na mananatili hanggang 2024  saka lilipat na sa house cusp of Aquarius in 3rd house of communication. Pangalawang bahay namin ito  pinaparentahan ang isang bahay sa Ayala Alabang. Maganda ang pagkakagawa ko sa bahay na may european design concept. May 4 bedrooms, spacious, 2 kitchens, 3 floors with pool. Matindi ang transformation na binibigay ni Pluto.  Death and Re-birth talaga. Kung ang saturn ay teacher planet, ang pluto naman ay babaguhin lahat ang buhay mo  para sa tamang path.  Walang sino mang makakaiwas pag dumaan ang planetang ito na tumatagal mula 10 hanggang 16 years sa bawat house.  Pluto in Capricorn transits from 2008 - 20...

Father's Day

Kailan ba nauso ang Father's day sa mga Pilipino.  Noong maliit ako wala naman itong selebrasyon na ganito. Nitong mga 90's na lang biglang naging isang event sa Pilipinas - noong dumami na ang mga malls para mag celebrate sa mga bagong restaurant na hindi pa nakakainan ng pamilya.  Lalo pa naging sikat na nong magkaroon ng social media. Ginagawa ito sa 3rd Sunday of June sa  America. Dahil gaya gaya mga pinoy nag celebrate na rin kasabay ng mga Amerikano. Puno ang mga pangunahing mga restoran dahil puro pamilya ang mga kliyente. Masasaya ang makikitang mga kumakain at kumpleto ang lahat. Gab with 3 daughters at  Flamingo Hotel Las Vegas year 1997 Ang flamingo ay isang uri ng mga ibon na sobra ang pag-aalaga sa kanyang chick simula sa pag hatch ng itlog hanggang pag laki nito ng 11 months para tuluyan na itong makalipad ng sarili. Halinhinan ang lalake at babae sa incubation ng itlog hanggang sa mapisa ito at maging sisiw. Ito na yata ang p...

The Next Right Move

Saturn in Sagittarius:  November 1985 - August 1988 Ang planetang saturn ay umiikot sa araw sa loob ng 28 -30  taon  kaya sa bawat zodiac sign ay dalawa o tatlong taon ang ipinamamalagi nito. Sa sagittarius sign,  ito ay tatlong taon. Very ambitious and buhay ko noong mga panahong ito. Thirty three years old lamang at malaki ang buhay na pinapangarap.- sang buhay na masagana para sa aking pamilya na may tatlong anak na puro babae. Tatlong taon na kaming nakatira sa Ayala Alabang Village sa District 2 noong 1985. Hindi gaano kalakihan ang bahay, May sukat na 220 sqaure meters ang lote at may 3 bedrooms na maliliit. Isa itong bungalow. Malapit lang ito sa Town Center at sa St Jerome Church. Ito ang una kong kotse, car loan ko sa company noong 1979, brand new at nagkakahalaga ng Php 54,000 lamang (picture lang). Dahil maliliit pa ang mga anak ko noon , kasya  pa kami sa 2-door celeste mitsubishi, safe na safe sila sa likod na upuan. Sa Makat...