Kailan ba nauso ang Father's day sa mga Pilipino. Noong maliit ako wala naman itong selebrasyon na ganito. Nitong mga 90's na lang biglang naging isang event sa Pilipinas - noong dumami na ang mga malls para mag celebrate sa mga bagong restaurant na hindi pa nakakainan ng pamilya. Lalo pa naging sikat na nong magkaroon ng social media.
Ginagawa ito sa 3rd Sunday of June sa America. Dahil gaya gaya mga pinoy nag celebrate na rin kasabay ng mga Amerikano.
Puno ang mga pangunahing mga restoran dahil puro pamilya ang mga kliyente. Masasaya ang makikitang mga kumakain at kumpleto ang lahat.
Gab with 3 daughters at Flamingo Hotel Las Vegas year 1997
Ang flamingo ay isang uri ng mga ibon na sobra ang pag-aalaga sa kanyang chick simula sa pag hatch ng itlog hanggang pag laki nito ng 11 months para tuluyan na itong makalipad ng sarili. Halinhinan ang lalake at babae sa incubation ng itlog hanggang sa mapisa ito at maging sisiw. Ito na yata ang pinaka loyal na magkasama sa mga creation.
Comments
Post a Comment