Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2017

The Road to San Jose, Occidental Mindoro

July 5, 2017 Kahit lumaki ako sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makarating sa San Jose, Occidental Mindoro. Mansalay Bay  Mula sa Sta. Brigida, Mansalay ay naisipan kong magpasyal papunta sana sa Sugicay Island para makita ang bagong tayong white sand beach resort na nasa Bulalacao town pagkalampas ito ng Mansalay nga 15 kilometers din ang layo. Tanghali na kami umalis sakay ng bagong bago na Innova nina Esy, ang kapatid kong nastroke anim na taon na ang nakakaraan - na sa ngayon ang maayos na ang kalagayan kahit naapektuhan ang kanyang pagsasalita. Maganda ang tanawin sa papasok sa bayan ng Mansalay na nakaharap sa dagat na napapalibutan ng bundok, tamang tama sa paghahalintulad sa perpektong feng shui ng mga chinese. Sa norte ay bundok na isang turtoise, sa kanan na west side ay tiger, sa silangan or east ay dragon na bundok, at sa south ay ang dagat na tinaguriang phoenix. ...