July 5, 2017
Kahit lumaki ako sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makarating sa San Jose, Occidental Mindoro.
Mula sa Sta. Brigida, Mansalay ay naisipan kong magpasyal papunta sana sa Sugicay Island para makita ang bagong tayong white sand beach resort na nasa Bulalacao town pagkalampas ito ng Mansalay nga 15 kilometers din ang layo. Tanghali na kami umalis sakay ng bagong bago na Innova nina Esy, ang kapatid kong nastroke anim na taon na ang nakakaraan - na sa ngayon ang maayos na ang kalagayan kahit naapektuhan ang kanyang pagsasalita.
Maganda ang tanawin sa papasok sa bayan ng Mansalay na nakaharap sa dagat na napapalibutan ng bundok, tamang tama sa paghahalintulad sa perpektong feng shui ng mga chinese. Sa norte ay bundok na isang turtoise, sa kanan na west side ay tiger, sa silangan or east ay dragon na bundok, at sa south ay ang dagat na tinaguriang phoenix.
Narating namin ang Sugicay pier pero naisipan ko na tumuloy na ng Bulalakaw town dahil hindi ko rin ito nararating.
Ang ganda ng Bulalakaw na tulad ng Mansalay ay nakaharap din sa ibabang bahagi o south portion ang bulubundukin ilaya.
May bagong pier na rin ito para sa mga bus papuntang Katiclan sa Aklan na sinasakyan ng pumupunta sa Boracay.
Mula bayan ng Bulalakaw ay 37 kilometro papuntang bayan ng Magsaysay, Occidental ang tinahak ng sasakyan na karamihan ay zigzag na kalsada pero sementado at maganda, at 20 kilometers mula Magsaysay hanggang San Jose.
Maunlad ang San Jose, malapad ang taniman ng palay at ang bayan naman ay marami na ring mga gusali na ebidensya ng maunlad na pamayanan.
Kumain kaming limang magkakasama ( Esy, Ali na anak ni Esy, dalawang alalay at ako) ng tanghalian sa Jollibee pagkatapos ay lumibot at naghanap ng piyesa para sa makina ng yanmar engine na ginagamit sa patubig.
Nakabalik kami ng bahay ng 6pm na araw din yaon.

Mansalay Bay

Comments
Post a Comment