Skip to main content

Isang Paglalahad tungkol sa Crypto Currency, Bitcoin, Altcoin.. atbpa

Ito ang representasyon ng Bitcoin kung ihahambing sa nakikita natin na pera. Pero iba ang bitcoin, isa itong internet based currency na nakapaloob sa blockchain technology, isang uri ng program sa web.

Isa ako sa tagasunod ng crytocurrency simula pa noong lumabas ang bitcoin sa internet ay sinusundan ko na ang mag articles nito. 

Bitcoin ay isang cryptocurrency at sistema ng pagbabayad sa buong mundo. Ito ang unang desentralisado na digital na pera, dahil ang sistema ay gumagana nang walang isang central bank o single administrator. at mga transaksyon maganap sa pagitan ng mga gumagamit nang direkta, nang walang tagapamagitan.  Ang mga transaksyong ito ay napatunayan ng mga node ng network sa pamamagitan ng paggamit ng cryptography at naitala sa isang pampublikong ipinamamahagi na may ledger na isang blockchain.

Ang Bitcoin ay imbento ng isang hindi kilalang tao o grupo ng mga tao sa ilalim ng pangalan na Satoshi Nakamoto at inilabas bilang open-source software noong 2009. Ang mga Bitcoin ay nilikha bilang isang gantimpala para sa isang proseso na kilala bilang pagmimina. Maaari silang ipagpalit para sa iba pang mga pera, mga produkto, at mga serbisyo. Simula ng Pebrero 2015, mahigit sa 100,000 mga merchant at vendor ang tumanggap ng bitcoin bilang kabayaran.  Ang mga pananaliksik na ginawa ng Unibersidad ng Cambridge ay tinatantya na sa 2017, mayroong 2.9 hanggang 5.8 milyong natatanging mga gumagamit na gumagamit ng cryptocurrency wallet, karamihan sa kanila ay gumagamit ng bitcoin.

Ang unang transaksyon ng bitcoin ay sa pagbili ng 2 boxes ng pizza noong Mayo 22, 2010. Ginawa  itoni Laszlo Hanyecz ang unang real-world transaction sa pamamagitan ng pagbili ng dalawang pizzas sa Jacksonville, Florida para sa 10,000 BTC. na kung susuriin ngayon sa halaga ng bitcon ay $100 Million Dollars.


Naingganyo akong magmina ng bitcoin noong isang taon, pero napakahina ang aking internet pati na ang computer devices kaya hindi ako naging successful na makahukay sa pagmimina. Mahirap na magmina ngayon dahil marami na ang nasa market  18,858, 762  as of Feb 11, 2O18  na may supply limit na 21,OOO,OOO  kaya ang value ay napakataas. Pwede na lang bumili sa pamamagitanng tunay na pera. sa halagang  Php 417,774 bawat isang bitcoin  as of April 14, 2O18.

Noong Disyembre 2O17 ay biglang sumipa pataas ang bitcoin mula sa halagang $9OO ay naging $2O, OOO dollars na ang katumbas ay isang milyong piso sa perang Pilipino bawat isang bitcoin. Kagulo ang  world financial market dahil sa abot langit na pagtaas nito.

Dahil sa pagkakatuklas ng blockchain technology, nagsulputan na ang ibat ibang cash -in cash-out web based payment apps na ginagamitan ng crypto wallet na kasamang QR code. halimbawa ay G Cash, Coin.ph, Pay Maya na pwedeng magcash in sa Seven Eleven Stores, SM Stores,  mga ibat ibang banko tulad ng BPI, BDO, etc.



Kasama ng QR code ay identification wallet na tanging ikaw lamang ang pwedenng mag authenticate sa pamamagitan ng smart phone, cell number at saka ang email. Pwedeng dalawang email address ang gamitin at dalawang cell numbers, kasama na dito secret code na binibigay pag nag sign up lalo na kung ito account sa coinbase, blockchain, o ibat ibang crypto currency.  Mahirap ma hack ang ganitong sistema sapagkat may mga passwords bawat isa. Yon nga lamang dapat tandaan ang password o isulat at itago sa lihim na taguan na ikaw lamang ang nakakaalam.

Gumawa ako ng mga account sa ibat ibang block chain technology apps sa mga ibat ibang block chain platform for trading of cash in cash out payment system. Lahat ay mayroong kanya kanyang identification wallet at QR code. Napaka complicated ang set up pero kapag natutuhan na ay madali lang  ito.

Weird International Call

Nitong 2O18 napansin ko na maraming spam mail na nag ooffer ng trading ng bitcon na hindi ko pinapansin dahil baka mga RSS feed mail lang na automatic na lumalabas dahil sa mga words generation kapag naka wired sa internet. Pero noong nakaraang Sunday, March 25, 2O18 may tumawag sa cell phone with a code +447 meaning international call from London or from US as the number starting that number indicates direct tel link between US and UK.

Ang call ay nag aalok ng trading ng bitcoin o kung papaano kikita sa bitcoin. HIndi ko pinatagal ang usapan dahil nag aalala ako na isa itong hacker at gusto maka link sa cel number at makapag send ng trojan o worm program to penetrate the inside of my email domain as well as social and blogsites. Pagkatapos  ay may tumawag na naman na may internaional code +378, +442, O1213...  Iba ibang numbers ang ginagamait na hindi naman tama kung saan nanggagaling na country code. Nakashield ang URL location mahirap malaman kung internet based ang call. So after that, ignore ko lahat ng incoming calls na sa tingin ko ay outside the Philippines.

Pag log-in ko sa internet pagka uwi ko, napansin ko na mahirap ma access ang mga email add ko at kailanganpa ng authenticationng cell numbers at password code na sinesend ng google. Ganun din ang Fb Acoounts na ayaw na magbukas dahil invalid passwords.

         " Naku, paano na ito wala na ako pwede makontak at hindi na rin pwede makontak pwera lang sa cell phones na limited ang connections dahil naka hook up lahat ang contact numbers and email sa google tapos madedelete lahat?" kinakabahan ako kung paano gagawin. Lahat ng files ko nasa internet mawawala na, saka mga account ko sa block chain mawawala din at dahil naka online banking ako, baka ma access ang account at mga data nito. One of the risks of the internet based data storage kapag  nadelete ang email account, delete na lahat ang pinapagurang blogsitesat mga files na naka store, Minsan na nagyari sa akin ito na ginalit ko ang isang unwanted mail  na sinagot na na scammer sya, nagalit at dinelete nya ang email add ko, sort of "nigerian 419".

Naisip ko ang nabanggit ni Jo about Tor  code name "onion" about the browser being used by those dealing with the underground because the url can not be traced ang no definite location in the whole world in indicated. Mabuti na lang meron ako program na naka store sa laptop ko. Yes, nakal log in ako kaya lang papalit palit ang location ko, minsan french or german na hindi ko maintindihan kaya hanap uli na english speaking instructions. Nabuksan ko mga file ko at dto rin ako nag change ng passwords na ikinagulo naman ng yahoo at google hanggang sa mabuo at maibalik ko uli ang tamang procedures. Gumamit na ako ng sentence,phrase o kaya ay quotations na passwords with upper case, numbers, and symbols....wheww hirap.

Last Friday, April 13, 2O18, may tumawag na naman , female voice pero nakashield na naman ang number O3234277O8 na sa palagay ko ay reverse technique para hindi malaman ang eksaktong identity or location. Matagal akong kinausap at maraming tinatanong tungkol sa bitcoin. Naisip ko na makipag ccoperate sa pagbabaka sakaling may malaman din ako tungkol sa kanila. Tinanong ko kung saan sila tumatawag. Ang sagot sa akin ay sa Marshall Island, na nasa  dagat Pacifico sa pagitan ng Hawaii at Pilipinas. Alam kong hindi totoo iyon.

Maraming sinabi para makumbinsi ako ng makipatrade ng bitcoin. Nang sabihin na may account ako sa coinbase at interesado ako sa ripple altcoin, biglang nag iba ang tema ng pakikipag usap.  Alam ko naman na mga scammer ang mga ito at akala ay maiisahan ako. Pero ingat din ako bka mangyari na naman ang dati na dinelete ang account ko.

Ingat lang!


































Comments

Popular posts from this blog

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento...

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart. Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral. Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.