Skip to main content

Retrospection 2020 Part 1




 
 

Me during my birthday Dec 12, 2019

                                    The photo was taken on Dec 12, 2019 - natal day

Ngayon lang ulit ako nagblog pagkaraan ng maraming buwan ng pagmamasid sa mga kaganapan sa 2020. Napaka misteryoso talaga ang buhay.  Maraming mga pangyayari ang napgatuunan ko ng pansin at patuloy na sinusundan kung ano pa ang mga ibig sabihin.

Nakakamangha din ang ikot ng mga planeta. Ganitong panahon ay nasa ibang bansa ako sa Amerika na nasa biglaang bakasyon dala ng paglakbay ni planetang Jupiter sa Sagittarius na bago pumasok sa Capricorn ay dinala ako paglalakbay.

Jupiter in Sagiiarius in my 1st House Chart :  November 9, 2018  -  December 2, 2019

Matagal ko nang binabantayan ang pagpasok ng Jupiter sa Sagittarius dahil nasa buwan ito ng kapanakan ko. Wala sa panaginip ko na gugulin ko ang pasko sa Amerika. 

October 2019 pa lamang sinasabihan na ako ni Gelay mag spend ng Christmas sa kanila sa California pero  walang ako balak hanggang bigla na lamang nag desisyon na umalis ng Pilipinas at pumunta ng Amerika ng Dec 23 .

Habang tinitingnan ko ang Jupiter transit ay napapangiti ako na para bang sinasabi na maglakbay ka at akong bahala sayo.


December 23, 2019

Habang naghihintay ng lipad ng eroplano PAL 114 papuntang San Francisco, nakakatuwa din tingnan ang mga tao na ibat -ibang kasootan ng mga ibang lahi.

Marami ang oras ng aking paghihintay bago lumipad ang panggabing byahe na 7:45pm. Maaga akong nakarating sa airport dahil mahusay ang nasakyan ko na grab driver na alam ang mga dadaan na hindi matrapik. Ang aga kong nakarating at nakapag check-in kaagad kaya inuubos ko ang oras sa pagsusulat ng kahit na walang kwentang topic.


Dumating ako ng SFO ng Dec 23 ng hapon pa rin dahil advance ang time ng Pilipinas.

                                                                 At Hayward, California - Christmas Dec  2019


Maraming salamat Gelay sa pag-aarange mo ng itenirary ko na kung saan-saan ako nakarating  " from west to east" na sa maikling panahon ay naramdaman ko ang ibat-ibang lamig ng panahon at kasiyahan ng pakiramdam sa pagkasama sama muli pagkaraan ng mahabang panahon.

 Microsoft surface christmas gift


Masarap ang ibat ibang burger sa California na hindi pa nakakarating sa Pilipinas kaya lantak agad kahit sobrang fatty at malalaking pounds ng beef kasama na mga condiments.


IN n OUT





Five Guys Burger





Habit Burger





December 28, 2019 at Fishermans Wharf at San Francisco 



With  grandsons Lennox and Kenji








New Years Eve at City San Francisco






 Jan 2, 2020  Las Vegas with Brother Art

Pagkatapos ng bagong taon sa California, nagbyahe naman punta Las Vegas sakay ng Southwest Airlines para umikot ikot naman kami ni Boy  gamit ang big bike nya. Malayo ang aming pinuntahan hanggang Route 66 sa Arizona.



Mga photos sa Las Vegas kasama si Boy(Art) na umikot kaagad kami sakay sa big bike nya. Mahilig sya sa motorsiklo laging latest model ang kanyang Harley Davidson at bumili pa ng isang Honda Goldwing na automatic transmission. Member sya ng isang bikers group sa Las Vegas. Dahil retired na, madalas siya magbyahe sa malalayong lugar sa America tulad ng Milwaukee, New York, Sturgis sa South Dakota, hanggang Calgary sa Canada ay nakakarating din gamit ang motorsiklo via Northern California pauwi ng Las Vegas. Matagal din ang byahe, abot ng tatlong linggo.





















Kuha ito sa Red Rock Mountain









Pinipilahan ang restaurant na specialty ang mexican cuisine , tacos, burrito na ito sa Las Vegas recommended ni Gelay.  Masarap nga na malalaki ang servings.






Jan 6, 2020  Manhattan, New York City


Pagkatapos ng 4 na araw sa Las vegas ay pumunta naman ako ng New York para bisitahin si Steve at si Charis sa kanilang place sa Manhattan, New York.

Dumating ako ng 7pm dahil advance ng 8 hrs ang time zone ng east coast. Sa loob ng 5 days marami ako nabisita at napasyalan ulit pagkaraan ng maraming taon noong 1995 ang huling nakating ng New York City.





Charis & Steve Place in Manhattan, New York













Shake Shack Burger at Madison Square Park near Grand Lodge of New York






  

At Katz Delicatessen New York with Charis








Comments

Popular posts from this blog

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento...

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart. Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral. Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.