Gabrie Acupan Comia, Sr.
Dahil birthday niya ng March 25 kaya naisipan kong gumawa ng maikling kwento tungkol sa kanya. Ipinanganak siya sa Bauan, Batangas pero nanirahan ng matagal at kalahati ng kanyang buhay sa Sta, Brigida, Mansalay, probinsya ng Oriental Mindoro.
Sa Mindoro lahat kami lumaki bago nanirahan sa ibat ibang lugar sa mundo.
Marami siyang naikwento sa kanyang buhay dahil siguro na likas na matanong ako noong maliit pa. May lima siyang kapatid sa lolo ko na si Rafael Comia at lola na si Poten o Potenciana Acupan.
Dahil panganay din sa magkakapatid kaya disiplinado siya sa kanyang ama na ayon sa aking lola ay matapang at magbabarik lagi saka mag aanting.
Maaga namatay ang ama nya na lolo ko na hindi ko na inabot ng dahil daw kaya namatay ay madalas uminom ng mga agimat lalo na yong para hindi tablan ng gulok o kaya naman ay hindi tamaan ng bala ng baril.
Sabi ni Ina, tawag ko sa lola ko, kaya namatay ay dahil daw nagkasakit at nalungkot dahil sa pagpasok ng tatay ko sa Army noong liberation na ng mga Amerikano sa Pilipinas.
----------------------------
Year of the Tiger, Aries Month
Matapang ang tatay ko, ipinanganak sya ng year of the Tiger na sinamahan pa ng planetang Mars sa buwan ng Aries. Likas sa mga ipinanganak sa taon ng tiger ay hindi takot sa laban at mahilig sa mga adventure tulad ng pumunta sa mga lugar ng hindi pa nararating ng karamihan.
Nabingwit niya ang puso ng isang Dragon (1928 born si Inay) kaya pamnsan -minsan ay umuusok din ng apoy sa bahay ( Dragon at Tiger ), sigurado bugahan ng apoy pero pagkatapos naman ay mahalan at masaya na naman ang paligid.
Pero pag nagalit ang tatay ko..sinturon saka patpat ang tama sa puwet. Wala magawa pagka dragon ko mas matindi si Inay pag nangurot na hindi pwede umiyak dahil lumalaban daw pag umiiyak..
Natatandaan ko pa kapag tag-araw na at cuaresma, gumagawa kami ng malaking saranggola na dahil sa malaki ay ayaw umakyat dahil sa bigat.
Marami rin akong tanong tungkol sa pagiging sundalo niya nong gyera
" Tay saan ka napalaban nong gyera" tanong ko
" Doon sa bundok ng Batulao malapit sa Tagaytay". " Isang company kami noong maengkwentro namin ang mga Hapon at nagkalabanan na nga."
" Fire sigaw ng opsiyal namin. kaya pumuputok ako kahit nakadapa nang bigla tamaan ng bala ang aking katabi, tihaya at patay kaagad" kwento ni Tatay.
" Ano ginawa nyo" tanong ko.
" Hindi ko naman makita ang kalaban pero nakita ko ang bag kaya iyon ang pinagbabaril ko.
" Sa palagay nyo may napatay kayo sa kalaban" urirat ko.
" Aywan ko basta putok lang ng putok ako kahit nakadapa at nakasubsob ang ulo hanggang sa matapos ang labanan ." sabi nya.
------------------------------
Yan ang tatay ko, sa edad na dis 19 ay naging beterano sa gyera pero ang nabaril lang ay bag ng Hapon.
Pagkatapos ng gyera ay patuloy pa rin siyang sundalo pero nong dadalhin na sya sa Guam ng mga Amerikano ay nagpa discharge na dahil nag umiiyak na si Inang Poten dahil ayaw siyang paalisin ng Pilipinas.
----------------------
Maraming taon na ang lumipas at marami ding pakikipagsapalaran, taong 1952 noong makilala nya ang Inay ko na isang kolehiyala at nag-aaral sa pagiging maestra sa Western Philippine College now University of Batangas.
Dahil matikas at magandang lalaki, matipuno at may taas na 5' 8", nabihag niya ang puso ng aking ina na labag naman sa kagustuhan ng mga magulang nito. Kaya itinakas at nagtanan sila saka tumira sa Singalong, Maynila na bakery ng isang kamag-anak. (Note: Hindi ko matrace kung sino ang tinrahan nila na kamag-anak sa Singalong na ang trabaho niya ay maggawa at maglako ng pandesal tuwing umaga..taga Cuenca daw yon kaya masarap gumawa ng pandesal..hehehe..karamihan ng mga unang bakery sa Maynila ay taga Cuenca).
Pagkaraan ng ilang buwan at malapit na sa kabuwanan ng kapanganakan ko, nagbalik sila sa Manghinao, Bauan at doon ako ipinanganak.
Tatlong taon ang nagdaan at naipanganak na si Esy na sumunod sa akin noong 1954, nong mapatawad sila ng mga magulang ni Inay na uso pa ang mga sumpa sumpa nong mga panahon na iyon kapag sobra ang galit ng mga magulang lalo na kung ayaw ang napangasawa ng mahal na anak.
Para lalong mapalapit sa kanyang biyenan, nagpasya sila na sumama sa Mindoro na noong mga panahon na iyon ay may homestead na kailangan linsin na gubat. Sobrang liblib ang lugar at talagang ang layo sa sibilisasyon.
Natatandaan ko maraming matataas at malalaking puno ng kahoy at mga buri palms na kailangan mag-ingat lagi dahil maraming malalaki at makamandag na ahas, mga wild animals, usa, baboy damo at malalaking ibon.
Masaya ang buhay sa Mindoro. Hindi problema ang pagkain, marami isda sa ilog na magsasawa ka sa dami ng mahuhuli, sa mga sapa marami din ang malalaking dalag at tilapia. Kung sawa na sa isda tabang ay marami naman isdang dagat na mabibili o pwedeng palit ng gulay o bigas.
----------------------
Doon na nagpatuloy ang kanyang buhay sa pagtatanim sa Mindoro na noong mga panahong ng 1950s ay gubat pa at masukal hanggang unti unti na nabago at umunlad na ang komunidad na para mabigyan sya ng pagkakataon na makapag serbisyo ng ilang panahon bilang kapitan o barangay chairman.
Noong mamatay sya ng 1987 saka lamang naka tanggap ng backpay sa Veterans, na matagal din naging beneficiary ng kanyang pension si Inay.
At tulad din ng maraming mga beterano, isang educational benefit din sa kolehiyo ang ipinagkaloob na nagamit naman ng anak ni Esy si Norman noong kumuha ng Mechanical Engineering sa Mapua University.
At higit sa lahat ay naipamana niya sa amin ang kanyang ambisyon at pangaral para maging maayos ang aming buhay na naging daan para makatapos kaming lahat na limang anak niya ng ibat ibang kurso.
Hindi man natupad ang sinasabi niyang abogasya para sa sarili niya nong bata pa siya, natupad naman ang hangad niya na maraming diploma ng mga anak ang nakasabit sa dingding ng bahay niya.
Ako Gabriel Jr. ay Civil Engineering, si Esy ay Associate in Electrical, Boy ay Civil Engineering, si Delia ay BS Accountancy, at si Roy ay BS Architecture.
Salamat Tatay sa magandang ala-ala at masasayang panahon ng buhay. Masayang kaarawan mo dyan sa kabilang buhay ngayong ika 25 ng Marso na lagi naming alalahaanin habang kami ay nabubuhay..
Salamat!
----------------------
History of World War 2 sa Batangas
Bilang
bahagi ng Kampanya ng Pilipinas (1944–45), nagsimula ang paglaya noong Enero
31, 1945 nang ang mga elemento ng 11th Airborne Division sa ilalim ng US Eight
Army ay umakyat sa baybayin ng Nasugbu, Batangas. Gayunpaman, ang Batangas ay
hindi pa target ng invasion force ngunit sa halip, ang karamihan sa mga yunit
nito ay lilipat sa hilaga upang sakupin ang Maynila at sa Marso 3, ganap na
nasiguro ang kabisera. Ang XIV Corps ng US Sixth Army ay nagpatuloy sa
pagmamaneho nito patungong timog ng Luzon at noong Marso 4, ang 11th Airborne
Division kasama ang 158th Regimental Combat Team (o 158th RCT) ay naipasa sa
ilalim ng utos nito. Ang 158th Regimental Combat Team na naka-istasyon sa
Nasugbu ay kailangang i-secure ang mga baybayin at kalapit na bayan ng Balayan
at Batangas Bays habang ang 11th Airborne Division mula sa Tagaytay Ridge ay
sasalakay sa mga panlaban ng Hapon sa hilaga ng Taal Lake at pagkatapos ay
maabot ang Lipa Corridor. Sa araw ding iyon, nasakop ng 158th RCT ang bayan ng
Balayan at pagsapit ng Marso 11 ay nakarating sa Batangas City.
Upang
ma-secure ang dalawang bay, kailangan ng 158th RCT na makuha ang buong
Calumpang Peninsula ng bayan ng Mabini na hawak pa rin ng ilang elemento ng
Japanese 2nd Surface Raiding Base Force. Nagpatuloy ang labanan hanggang Marso
16 nang sa wakas ay makuha ang buong peninsula. Pagkatapos nito, pagliko ng
158th RCT patungo sa hilaga upang matugunan ang mga panlaban sa Japanese Fuji
Force sa Mt. Ang Maculot sa Cuenca noong Marso 19. Sa wakas, ang 158th
Regimental Combat Team ay sumuko noong Marso 23 para sa Bicol Operations at
187th Infantry Task Force ng 11th Airborne Division na itinalaga upang mapawi
ang kanilang posisyon sa bundok.
Isa pang
puwersa ng 11th Airborne Division, ang 188th Infantry ay inatasan na ihatid ang
kanilang mga tropa sa paligid ng Lungsod ng Batangas at ang mga natitirang
hangganan nito. Sa hilagang seksyon, ang mga posisyon ng 11th Airborne Division
na 511 Parachute Infantry Regiment sa Santo Tomas at Tanauan ay pawang
niluwagan ng 1st Cavalry Division. Sa ngayon, ang 11th Airborne Division's
187th at 188th Infantry Task Forces na humahawak sa southern sector at ang 1st
Infantry Division sa hilagang sektor ay patungo upang i-secure ang Lipa
Corridor, ang huling pangunahing bahagi ng Lalawigan ng Batangas na nakuha....mula sa History ng World War 2 sa Batangas.
___________________________________
About the Writer:
Gabriel Comia Jr. ay isang blogger na mahilig magsulat kapag naiinip at nagpapatay ng oras sa pagkakape at libangan ang pagse search sa internet..
Comments
Post a Comment