Dalawang taon na ang lumipas na lagi nang pandemic covid 19 variants ang kwento ng buhay. Araw-araw ay pinagkakatakutan ang dami ng nagkakaroon ng sakit at namamatay. Halos mamaga na ang braso sa pagkatapos maturukan ng ibat ibang vaccine dosages. Isama pa ang megadose ng ibat-ibang vitamins, tylenol kapag sumakit lang ng kaunti ang ulo at nagka sipon.
Lahat ng ordinaryong sakit dati ay naging covid na ngayon ang tawag. Huwag magkakamali na magpa check up or magpa test at sigurado positive.
Ano nga ba ang pagkaka abalahan mo sa bahay na dati ay nasanay na sa mga coffee shops at magpalamig sa mall? Wala.
Mabuti na lamang at maraming free books na mababasa sa internet. Matagal tagal basahin ang mga naka pdf na compilations na sini share.
Marami na din articles at masonic/rosicrucian education ang nagawa ko gamit ang mga zoom meetings.
Nakakahilo na rin ang magbasa ng mga libro ng ancient philosophers at writers.
--------------------------
Isa na naman na bagong pagkaka abalahan..ang makabuo ng isang piyesa ng musika kahit cover lang sa pamamagitan ng violin, ang isa sa pinakamahirap matutuhan na instrumento pang musika.
Comments
Post a Comment