January 28, 2025

Gab in 2025

 January 27, 2025

Ano pakiramdam ng katawan kapag 72 taon na. Sigurado, isang tasa na ng mga tableta ang kinakain sa araw-araw , pwera pa ang mga tinitimpla na gamot kung saan-saan panlunas ng ibat ibang nagsasakitan na kasu kasuan.

 

Ngayong araw, nag punta ako sa Asian Hospital para magpa check up ng mata dahil lagi kumakati at nag luluha lalo na ang kaliwang parte. Hindi naman grabe kaya lang nakaka inis lalo na pag nakasakay sa motorcycle at  tinstamaan ng hangin.

Mahusay ang doctor, eye drops lang ang reseta na 4x a day at gagawin sa loob ng two weeks tapos balik sa kanya para examine ulit.

Naka scooter using my Honda Pcx 160, enjoy the ride.

                                             

                                            From Festival mall via Commerce Ave

 Updated pics on my blog: 

https://medium.com/@gabcomia/brotherly-love-in-masonry-a-reflection-on-psalm-133-in-the-entered-apprentice-degree-0112d4a31686







December 21, 2023

Ang Pamana ni Inay



Bata pa lang ako ay mahilig na magsulat si Inay. Sa takip ng lumang baul ay nakasulat ang talaan kung kailan kaming limang magkakapatid na apat na lalaki at isang babae, ay ipinanganak dahil wala pa pwede pagtaguan ng importanteng dokumento.


Marami siyang kwento tungkol sa kanyang buhay. Ipinanganak sya ng December 21, 1928 sa Alitagtag, Batangas pero sa birth certificate ay january 9, 1929 dahil late na sya napa register sa munisipyo.


14 na taon sya noong 1942 ng magkaroon ng gyera sa Pilipinasa dahil sa pananakop ng mga Hapones kaya meron naranasan din nila kasama ang pamilya na manirahan sa dug-out o taguan sa lampung malapit sa lawa ng Taal.


Marunong siya magsalita ng Hapones dahil sa turo sa kanila sa school noong gyeara kaya madalas kung inu-usisa na turuan nya ako.” Onamae wa nanto iimasuka” na sa Tagalog ay Ano pangalan mo o What is your name in English.


Graduate sya ng high school sa Batangas High School kaya nagpatuloy sya ng Education course sa Western Philippines College noong 1951-1952. Matatapos na sana sya ng college noong makilala nya ang tatay ko.


Gwapo si Gabriel Sr. na beterano sa World War 2 kaya nainlove kaagad si Inay. 24 yrs old na sya noon at ang tatay ko naman 26 noong mainlab ang Tiger born sa Dragon born at lumabas na nga ako na Dragon born ng 1952.


Ayun, nalimuntan na ang pag-aaral nya at hindi naka graduate. Nagtanan ng buwan ng Mayo at ipinanganak naman ako ng December. Siempre, galit lahat family ng Inay ko dahil naitanan ang bunso nila.


Lumipas ang tatlong taon, napaatawad din ng pamilya at para mapalapit ang loob ay nagpasya na pumunta ng Mindoro para sa homestead na kagubatan at maraming malaria virus.


Graduate na ako Grade six noong naisipan nyang tapusin ang Elementary Education Course na tinapos sa Golden Gate Colleges sa Batangas City. Kasama ako na pumasok naman ng first year high school sa Alitagtag High School. 37 yrs old na si Inay noong maging Registered Public School Teacher na nagturo ng Grade 3 students sa Sta Brigida Elementary School na dapat noong siya ay 24 yrs pa lamang.


Bata pa lamang kami ay lagi nyang pinapangaral ang kahalagahan ng pag-aaral na kahit matanda na sundin ang ambisyon kasama ng edukasyon.


Tribute on her Birthday today, December 21

June 02, 2023

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral.




Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw.

Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.





May 18, 2023

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart.


Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras



Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.









August 02, 2022

Rosicrucian Healing Technique

 

Rosicrucian Healing Technique

In Hebrew, the word for knowledge, or gnosis, is daath . It is usually spelled in English as daat, da’ath, or daath.

In the branch of Jewish mysticism known as Kabbalah, Daʻat (“Knowledge”, Hebrew: דעת [ˈdaʕaθ]) is the location (the mystical state) where all ten sefirot in the Tree of Life are united as one.

In Daʻat, all sefirot exist in their perfected state of infinite sharing. The three sefirot of the left column that would receive and conceal the Divine light, instead share and reveal it. Since all sefirot radiate infinitely self-giving Divine Light, it is no longer possible to distinguish one sefira from another; thus they are one.

The Throat Chakra

\

 

Sources:

https://www.goodnet.org/articles/chakra-healing-how-to-open-your-throat chakra

https://www.color-meanings.com/throat-chakra-the-fifth-chakra/

Gabriel Comia, Jr. Vlll is a member of Pearl of the Orient College, Societas Rosicruciana in Civitatibus Foederatis ( SRICF)

January 29, 2022

Year of the Water Tiger

 


Chinese Calendar

Water Tiger ang isa sa limang tiger years sa loob ng 60 na taon na nagaganap bawat 12 taon ang pagitan.  Kung water tiger ngayong taon 2022, ang susunod na tiger year ay sa 2034 ay ito tatawaging Wood Tiger dahil sa chronological order of the five elements of the heavenly stem kung tawagin sa chinese astrology. Ang mga magkakasunod na five elements ay water -wood -fire - earth - metal.
 Kahalintulad nito.

February 5, 1962 – January 24,  1963 -       Water Tiger

January 23, 1974 – February 10, 1975 -      Wood Tiger

February 9, 1986 – January 28, 1987 -        Fire Tiger

January 28, 1998 – February 15, 1999-       Earth Tiger

February 14, 2010 – February 2, 2011-       Metal Tiger

February 1, 2022 - January 21st, 2023        Water Tiger  ( return after 60 Years)

Nagsisimula ang lunar year pagkatapos ng 13th new moon sa loob ng isang taon.  Ang calendar ng mga Chinese ay based upon revolution o ikot ng buwan sa loob ng isang taon. Ngayon taon 2022, ang new moon ay  Feb 1 of the Gregorian Calendar o kalendaryo ng mga Romano.

Indian or Hindu Calendar

Katulad din sa India or Hindu calendar,  ang buwan ang pinaka importanteng planeta o star sa kalawakan. Dito umiikot ang buhay ng mga Hindu sa impluwensya ng ikot ng buwan. Kapag tumapat ang buwan sa fixed constellation na kung tawagin ay Nakshatra na binubuo ng 27 locations, ito ay kanilang binibigyan ng kahulugan ang epekto sa bawat nilalang. Sa mga Hindu, ang buwan ay naglalakbay sa loob 27 days sa ikot ng araw.

Mayan Calendar

Iba rin ang kalendaryo ng mga Mayan o Aztec ng South America, ito ay base naman sa ikot ng planetang Venus, constellation ng Pleiades, at ikot din ng araw.

Ancient Greek and Roman Calendar

Bago nagkaroon ng Romanong kalendaryo, ang mga Greyigo o Greek ay gumagamit ng Babylonian o Chaldean Calendar na base sa zodiac na pinangalanan nila ng ibat ibang ancient animals and goddeses.

Ancient Egypt Calendar

Nagsisimula ang kalendaryo ng mga unang Egyptian na pinamumunuan ng Pharoah sa pagsikat ng star Sirius na noong panahon nila ay nagaganap tuwing sa buwan ng Hulyo  na kung tawagin ay heliacal rising of star Sirius na naging basehan din ng date of independence ng  United States of America. May mga nakapaloob na misteryo kung bakit malaki ng importansya nito sa bansang Amerika.

Hebrew or Jewish Calendar

Nagsisimula ang calendar ng mga Jew sa buwan ng Nisan  na tumatapat sa Easter Sunday ng Gregorian Calendar.

Kalendaryo Pilipino (bago dumating ang mga Kastila)

Tag-sibol, Tag-init, Tag-ulan, Tag-ani, Tag-lamig

Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, may sarili na rin kalendaryo ang mga Pilipino. Base ito sa Sanskrit o sa impluwensya ng Majapahit Empire ng Indonesia. Napatunayan ito sa pagkakatuklas ng copperplate Inscription sa Lumban, Laguna na nagsasaad ng pagbabayad ng utang. Ang copperplate inscription ay isinalin mula sa ancient Indonesian script Kavi  ni Father Antoon Postma, isang pari na taga Panaytayan, Mansalay, Or. Mindoro.


Long Live! Year of Siyaka 822, month of Waisaka, according to astronomy. The fourth day of the waning moon, Monday. On this occasion, Lady Angkatan, and her brother whose name is Buka, the children of the Honourable Namwaran, were awarded a document of complete pardon from the Commander in Chief of Tundun, represented by the Lord Minister of Pailah, Jayadewa.

By this order, through the scribe, the Honourable Namwaran has been forgiven of all and is released from his debts and arrears of 1 katî and 8 suwarna before the Honourable Lord Minister of Puliran, Ka Sumuran by the authority of the Lord Minister of Pailah.

Because of his faithful service as a subject of the Chief, the Honourable and widely renowned Lord Minister of Binwangan recognized all the living relatives of Namwaran who were claimed by the Chief of Dewata, represented by the Chief of Medang.

Yes, therefore the living descendants of the Honourable Namwaran are forgiven, indeed, of any and all debts of the Honourable Namwaran to the Chief of Dewata.

This, in any case, shall declare to whomever henceforth that on some future day should there be a man who claims that no release from the debt of the Honourable...https://kahimyang.com/kauswagan/general-blogs/730/reading-the-laguna-copperplate-inscription


Sa Tagalog

Mabuhay! Taóng Siyaka 822, buwán ng Waisaka, ayon sa aghámtalà. Ang ikaapat na araw ng pagliít ng buwán, Lunes. Sa pagkakátaóng itó, si Dayang Angkatán sampû ng kaniyáng kapatíd na nagngangalang Buka, na mga anák ng Kagalang-galang na si Namwarán, ay ginawaran ng isáng kasulatan ng lubós na kapatawarán mulâ sa Punong Pangkalahatan sa Tundún sa pagkatawán ng Punong Kagawad ng Pailáh na si Jayadewa.

Sa atas na itó, sa pamamagitan ng Tagasulat, ang Kagalang-galang na si Namwarán ay pinatawad na sa lahát at inalpasán sa kaniyáng utang at kaniyáng mga náhulíng kabayarán na 1 katî at 8 suwarna sa harapán ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Puliran na si Ka Sumurán, sa kapangyarihan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Pailáh.

Dahil sa matapát na paglilingkód ni Namwarán bilang isáng sakop ng Punò, kinilala ng Kagalang-galang at batikáng Punong Kagawad ng Binwangan ang lahát ng nabubuhay pang kamag-anak ni Namwarán na inangkín ng Punò ng Dewatà, na kinatawán ng Punò ng Medáng.

Samakatwíd, ang mga nabubuhay na inapó ng Kagalang-galang na si Namwarán ay pinatawad sa anumán at lahát ng utang ng Kagalang-galang na si Namwarán sa Punò ng Dewatà. Itó, kung sakalì, ay magpapahayag kaninumán na mulâ ngayón kung may taong magsasabing hindî pa alpás sa utang ang Kagalang-galang.

------------------------------------- 


Ang interpretation ng Year of the Tiger sa aking chart na pinanganak sa year of water Dragon, month of water Rat, day of water Dragon, and time of water Tiger.




                                                          Dragon and Tiger


Ang pag compute ng tamang  4 pillars of destiny or Bazi  ay base sa year, month, day and time of birth.  Kasama din ang location kung saan ipinanganak.

Sa aking chart, mapapansin na puro water ang heavenly stems ko. Water dragon sa year, water Rat sa month, water dragon na nman sa day, at water tiger sa time.  Dahil sa ang water element  ay represented ng color black, lahat ng earthly branches ay black.















Gab in 2025 .12 .12

Thanksgiving for All Souls I Have Met on My Journey December 12, 2025 Great Architect of the Universe, Divine Source of all paths and all de...