Babala!.. Sa mga Kuyang na pumaparada ng sasakyan sa harap ng Jacobo Zobel Masonic Temple.
Huwag po kayong magpa park sa Pay Parking three slanted parking slot malapit sa corner street sign ng Jacobo Zobel {dating Dao} at Bagtikan Sts sa harap ng Jacobo Zobel Masonic Temple.
Habang nasa stated meeting ako kagabi bilang GLI ng Batong Buhay Lodge # 27, Friday, Aug 17, 6:30 PM, nagulat na lang kami ng may nagsabi na naclamped ng Makati Traffic Enforcer ang dalawang sasakyan na nakaparada sa labas na sa kasamaang palad ay kasama yong sasakyan ko.
Nagpunta kami kaagad sa Munisipyo ng Makati dahil baka mapagsarahan ng opisina ay napakalaking problema lalo na dahil lumalakas na ang ulan.
Pagkarating sa Enforcer's Collection Office, pinagbabayad kami ng Parking Violation sa dahilang Double Parking at Park on Side Walk ang ticket na may multa na P1,900.00 pesos.
Ayaw tumanggap ng katwiran ang mga tauhan ng munisipyo kahit na anong paliwanag na sa kanto ng street ay may Pay Parking sign at saka may 3 parking slots na may diagonal painted line na talagang paradahan ng mga sasakyan.
Kahit na ganon pa man, ayon sa mga taga munisipyo, meron palugit na 2 minuto ang mga may ari ng sasakyan para tanggalin sa illegal parking area pero napaka walang puso nong grupo na nagclamped ng sasakyan na sinabihan pa ng isang Kuyang na tatawagin lang ang mga may-ari nito at hindi aabot ng 1 minuto, pero naging sarado ang mga utak at pang-unawa na mabuti pa siguro ay kuhanin na sila ni Bathala.
Wala po akong nagawa kundi mgbayad ng 1,900 dahil sa kahit na anong paliwanag ay nabingi na lahat at kung gusto ko raw magrekalamo ay sa Lunes magfile ng complaint pero maiiwan doon na naka clamped ang sasakyan ko..oh no..anong klaseng mga nilalang ito na hindi na inalintana na senior citizen ako.
Nawa’y maging babala po sa lahat na nagpa park sa harap ng Jacobo Zobel Masonic Temple, Makati City.
Bro Gabby Comia, Jr., PDGL
Pagkakaisa Lodge No. 282, NCR-G
Pagkakaisa Lodge No. 282, NCR-G
Mga Komento
Minsan hindi rin maintindihan ang galaw at batas ng universe.
Sa dinami-dami ng naka double na sasakyan, bakit tanging dalawa kami na nalagyan ng clamp. Dahilan kaya ito na nasa mercury retrograde in Leo ang planeta ko kasama pa ang limang iba pa.
Mahirap talagang maipaliwanag.
Comments
Post a Comment