Ako yong nasa pinaka taas na half lang ang mukha sa picture.
Habang pinagmamasdan ko ang class picture noong third year high school 1967-68 {courtesy by Venus Correa}, 5O years ago, marami akong naaalala noong aking kabataan sa Or. Mindoro.
Sa picture na ito, ako yata yong extreme right sa harap na nakatagilid
Iilan lamang na nasa picture ang may balita ako sa mga buhay nila. Marami din sigurong magaganda at hindi magandang kwento ang mga buhay dahil talaga naman na ganon ang buhay sa mundo lahat ay may aral na pagdadaanan.
May mga lumisan na sa mundo at mayroon din patuloy nabubuhay para may gampanan na misyon sa buhay. Lahat ay masaya sa tinahak na buhay sapagkat iyon ang nakatakdang kapalaran.
Malaki na ang pinagbago ng buhay. Dati rati kailangan pa ng studio at professional photographer para lamang magkaroon ng picture at maging remembrance katulad ng nasa itaas na larawan. Hindi katulad ngayon lahat ay may dalang selfie cam na kahit saan at anong oras ay pwede kumuha ng picture.
Limampung taon pa lamang mula ng kuhanin ang picture na ito pero paano na kaya sa loob ng 5O years mula ngayon. Ano na merong teknolohiya ang Artificial Intelligence.
Sa edad na 66 ngayon, nakaka ayang alalahanin ang mga nakaraang panahon na hindi akalain ay ibang iba na ang mundo sa ngayon..moderno ba o pabalik ang takbo ng buhay?
Are we controlled by our own illusion or life is an illusion? Try to imagine the hologram.
Comments
Post a Comment