Skip to main content

A short story of My Life




Pasensya na. Kinanti ang weakness ng pagkatao ko yong ego na masyado na nasaktan dahil sa akusasyon na in-distress na ako.  Magyayabang na ako kung sino ako at kung ano ang buhay ko bago pumasok sa masonerya  sa edad na 50 yrs old noong makilala ko si MW Roberto Q. Pagotan ang pinaka unang mason na nakilala at naging kaibigan ko sa aking buhay masonerya.

Nakatira ako sa  Ayala Alabang Village simula pa noong 1982. Ipinanganak ako ng December 12, 1952, Dragon Year na according to Chinese Annals ay masuswerte ang mga taong ipinanganak sa taon ng mga Dragon.  Ito ang kwento ng buhay ko.

Career

Licensed Civil Engineer ako noong 1976 nang magsimula ang career ko. Nag trabaho ako sa Dept of  Public Works ng isang taon, nagresign at nagtrabaho sa private constrcuction firm na gumawa ng Buendia Overpass. Pagkatapos ng project ay nagresign at lumipat ng construction management and consultancy firm DCCD Engineering Corp as Project Manager at the age of 24 yrs old,  managing high rise building  construction in Makati.


Nag asawa noong 26 yrs old. Young and aggressive ako kaya  mabilis ang asenso sa pagtratrabaho. Kung ang sweldo ng ordinary employee noong 1978 ay  300 pesos/month, ako ang sweldo ko ay P5,000 a month na, may sariling brand new car na mitsubishi dahil madami akong  projects na hinahawakan.




Mula sa inuupahang  apartment sa Makati ay lumipat na kami ng sariling bahay kasama ang family ko noong 1982 sa Ayala Alabang Village dahil ayaw ko ng nangungupahan.  Maliit lang ang unang bahay ko  na  nasa 25O sqm lot pero kumpleto ito na may three bedrooms.

 Masipag at dedicated  sa trabaho ako kaya isa sa mga naging projects ko ay  bahay ni Imee Marcos at ni Bongbong sa Dasmarinas Village.  Kilala ako ni Imee dahil madalas kameeting  tungkol sa bahay nya. .

Noong 1986 pagkatapos ng Edsa  revolution ay nagresign na ako sa construction management  company  sa pagiging empleyado at nagtayo na ng corporation kasama  ang apat na kaibigan mga taga Ayala Alabang din. Contruction Corporation Contractor ito ng mga industrial plants, mall shops, warehouses, buildings, at mga residential houses.

Lahat ng engineering fields ay kinokontrata namin.  Successful at ang lakas ng kita ng business namin, madami pera at tulad ng mga corporation na equally divided ang shares of stock nagiging greedy na mga partners kapag milyon milyon na ang kinikita.  Napilitan na ako umalis at gumawa ng sarili kong construction company na naging matagumpay naman, taon 1988 .

Kasabay nito ay bumili na ako ng panibagong bahay dahil sa nasisikipan na ako sa maliit na lote kaya bumili at lumipat sa 5OO sqm. lot.  Malaki ang ginawa kong two storey house sa loob pa rin ng Ayala Alabang  Village na  malapit sa St. James Parish Church at community center na may football or soccer field (soccer ang tawag pag American slang).

Si VW Arch Arlen de Guzman ay bakod lang ang pagitan ng bahay namin. Hindi nagtagal lumipat sya ng Valle Verde at binenta na yong bahay nya. Katapat ng bahay namin ay bahay ni Cavdeal Construction na kumpare ko ang kapatid nya na may ari ng Almanza Lumber, kabitbahay na kabilang bakod lang.

My Daughters

May tatlo akong anak na puro babae na magkakasunod, youngest ko 1982 born noong lumipat kami ng Ayala Alabang. Dito na sila lumaki at nagka-isip.  Formative school nila ay all girls Paref Woodrose School  from Grade to High School. Doon sila graduate at dahil opus dei school,  lagi silang may dalang rosary na ewan ko kung ilang ikot nilang ginagawa sa loob ng isang araw.

Catholic reared sila. Obligation na namin ang magsimba every  Sunday 1O o clock mass sa St James the Great Parish dahil Lay Minister ako simula pa noong 1994  na nagbibigay ng hostia samantalang Mother Butler naman ang misis ko.  Lahat ng kaibigan nila ay taga loob ng village din, mga taga Woodrose din na mga anak ng mga who’s  who sa Ayala Alabang ..anak ni  Frank Chavez, apo ni Lobregat, etc..marami.


                Isa sa mga certificates na binibigay ng Archdiocese of Manila starting 1994 - 2002

Hindi nagtatagalog mga anak ko, hindi pilipit na English na may halong tagalog, American accent  sila dahil normal na sa kanila sa school yon pag nag-uusap ng mga friends nila.

Yong magkasunod from youngest ay Soccer players sa Woodrose Soccer team.  Grade 7 pa lang yong youngest ay nakipagcompete na sa Sweden, Norway Gothia Cup under Makati Football team na representative ng Philippines. Mix  ang members ng team, may mga taga Brent School na anak ng mga foreigners, San Agustin, and other exclusive schools. Shoulder ng bawat parent  ang cost ng travel, accomodationss, lahat.

Masweswerte mga anak ko, milyonaryo ang tatay nila mula pagkabata hanggang lumaki.  Naranasan nila ang karanasan ng hindi maranasan ng ordinaryong mga kabataan.  Mga gamit at damit ay mga branded, hindi bumibili ng mura. Bata pa lamang ay kung saan saan parte ng mundo nagpupunta. Normal na yong kapag bakasyon wala na sila sa Pilipinas sa loob ng dalawang buwan. Merong taon iba iba ang pinupuntahan bawat isa..minsan sa condo ni Gov Boying Remulla sa San Francisco magbabarkada lang habang yong isa nasa New York kasama naman barkada. Minsan UK, Paris, Italy, iikutin nila ang Europe. .habang ako minsan imi meet  ko lang sila sa Beverly Hills ng two weeks uwi na ako dahil marami trabaho na inaasikaso.



               Family picture in front of Harvard in Boston, Massachussets sometime in 1993

Isa pang vacation nila ang  ipinagdrive ko lang sila mula New York hangang Boston para makita ang Harvard tapos wala pa 3 weeks uwi na ako,  iikot lang ako ng Chicago at dadaan ng Las Vegas dahil doon nakatira ang brother ko.



One of the photos in one of the travels.. hindi ko na matandaan kung sa Chicago  o sa Boston,
wearing a Giorgio Armani coat


Noong mag Y2K nag spend kami pamilya ng christmas sa Las Vegas dahil katapusan na daw ng mundo. Ubos namin isang  milyong piso, ok lang mayaman at contractor na maraming pera ako.

Double course lahat tinapos ng mga anak ko. Yong eldest graduate ng college sa Assumption then Law sa San Beda. Yong mga nakapwesto sa gobyerno ngayon ni Pres Duterte ay mga kaklase nya sa law  school. She worked with Ayala Land sa Commercial Centers Division managing Ayala Projects. Nagresign, nag asawa ng  American taga east coast now living on work assignments in Asia based in Singapore, Manila, Japan, India. Para magkita kami para magdinner at magkape ay kailangan lang  mag side trip  ng Manila. She has her own unit in Serendra.

Yong 2nd daughter, graduate sa La Salle Taft, then schooled in FIDM Los Angeles, Fashion Institute of Design and Merchandising.  Dyan nag aral yong anak ni Napoles.  Deans lister sya nag graduate. Noong nasa California sya, sa Orange County sa Anaheim siya nakatira, nagrerenta ng apartment.  May sariling car sya doon to travel 85 miles every day from house to school. Nag graduate siya after 2 years. Afterwhich, na employ sya  by a fashion firm and sponsored to work in US.

She married the FilAm Varsity player she met while studying in La Salle. The guy 6’6 played with  Ginebra, Talk and Text, Santa Lucia. After stint in PBA umuwi na sa Union City, Bay Area, San Francisco  and now happily living with their 2 boys.

She has her own fashion stuff and online shop , import/export from latin America supplying US including  Philippine  market. The husband, the cager, works as Manager in a Satellite Communication firm. He’s also successful in his career,  both born on 1981. Kilala ni Bro Ali Peek ang manugang ko si Manny Ramos, nakasama niya sa PBA. Nagpupunta sila sa bahay ko sa Ayala Southvale noong araw. Friend ng mga daughters ko si Bro Ali kahit noong hindi pa siya mason.

Yong youngest child  studied in  UP, graduate din sa La Salle in Marketing then studied IT in Singapore, now works in a  multi-national firm  doing ads platform on internet, fb, and other ads sites. Shes a sports buff. Nakikipag compete sa triathlon, bicathlon at nakaka 1st prize din. Minsan galing ako California recently lang, nag hand carry ako ng “Specialized brand bike regalo ko sa kanya,  tapos pinalitan nya ng upgraded 5OOK worth bike na pang compete. Soccer instructor din sya ng kanilang partnership company, tinuturan mga young girls na  mga taga Forbes. She lives in 3-BR unit in Serendra. Meron din syang 1-BR unit na pinapa rentahan sa Serendra din.

Business minded ito dati nagtayo pa ng  saloon sa Boracay kasama mga friends nya ,  dahil gusto nya lagi doon. Pero wala naman sila problema sa dagat, may private resort house facing the beach silang magkakapatid sa Matabungkay, Lian, Batangas. Mga worth 4OM din yon. May property din sila in one of the villages sa Tagaytay.

My Construction Company

1988 year of the dragon, nagsimula akong magboom. Kaibigan ko si Arch Coscoluela na isa sa mga architect  ni Mr Henry Sy. Si Mr Louie Coson, asawa ni Mrs Tessie Coson ay may pinagawa sa aking mauseleo sa Manila Mermorial Park. Sa kapatid nya na namatay  kaya pinaguhit kay Coscoluela. Marami contractor ayaw gumawa ng related sa  death, ako ginawa ko ito pero  siempre presyo ko.. kaya mahal ako gumawa. Ginawa ko rin musoleo ng nanay ni Mr John Gokongwei  sa Manila Memorial Park din ..maganda siempre presyo ko wala tawad.

Marami ako ginawa na mansion sa Forbes at sa Dasma village, bahay ni Mr James Go ng Robinson, mansion ng may ari ng Producers Bank. Dami ako ginawa sa Robinson, sa Robina plant, Preview magazine plant, mga banks nila. Gumawa rin ako sa Metro Bank , RCBC banks pati na mga residential houses na mga mansion ng mga Yuchengco at iba pang mga bank branches.

Marami ako ginawa na BDO,  yong BDO Las Pinas sa harap ng RFC , contractor ako non, sa Binondo, Abad  Sanntos,  at mga fit out ng mga  malls nila, dami ko kinita sa SM. Madami din akong ginawang mga boutique shops. Kilala ako ni Mr Hans Sy. Minsan magkasama kami sa Lear jet nila para sa inspection ng progress ng project sa Baguio. Natatandaan ko pag tumatambay ako at tapos na ang project, tatanong sa akin ..may project ka pa pag sabi ko wala na kasunod non..o gawin mo ito kuhanin mo na ang downpayment.

Madalas ako sa office ni Mr Louie Coson. Kung hindi lang namatay  yon,   ako ang president ng proposed construction company partnership na pinag-usapan namin.  

Maganda ako gumawa ng project at mabilis pero mahal ako sumingil, garantisado naman at on-time ang schedule.

Dami din  ako ginawa  na mga bahay sa Ayala Alabang Village  ng mga kaibigan.  Contractor din ako ng mga bahay ni Donya Trining Roxas, wife ni Pres Roxas at grandmother ni Mar Roxas.

Marami ako engineers at architects, kasama ko sa company ang mga kapatid ko. Sa admin at accounting  kasama ko sister as head of the department.  Sa operation yong kapatid ko na bunso na  architect kaya no problem ang operation ng company . Puro kamag anak ang nasa operation at warehouse division. Kamag-anak din ang mga timekeepers..kaya walang lokohan.  Provided ko sila lahat ng sasakyan sa field.

Operator pa ako ng aircon bus plying Almaza- Lawton saka Pasay Libertad – EDSA-  Monumento.  Pumunta ako ng japan para sa importation ng mga buses na ginamit ko. May kaibigan ako taga Osaka na hapon.

May mga food business din ako na franchise of Pure food products at ice cream soft serve outlets  ang company ko. Diversified ang business ko.

Properties

Madami ako napundar na properties. Natutuwa ako magdesign ng magagandang spaces. Nang gumawa ako another house sa Ayala Southvale ginawa ko ito French style, 75O sqm. lot.  Naliitan pa ako kaya nilagyan ko pa ng basement sa maids and drivers quarters..normal lang ang 5OK meralco bill a month..whole house is  air conditioned ....maluho ang design Italian granite na cut to size ang flooring. Ang window double glass para soundproof  kahit mag party kapitbahay hindi maririnig sa loob. Double Kitchen, 8 car garage, with swimming  pool.

Naging party house ng mga friends ng mga anak ko ang bahay dahil walang neighbor at first few houses lang kami. Isa na si Mr Manotoc, yong balae ni GMA, neighbor ko yon..dami Psg lagi noong in power sila.

For lease na lang Ayala alabang house namin noong mga 1996, May two houses pa rin sa Santa Rosa SRE., Condo sa tabi ng AIM, office condo sa may De la Rosa,

Unang SUV ko Safari Patrol noong 1992 ata yon, lahat ng labas ng Honda bumili kami, CRV, Hatchback, Pajero, Van, Ford F15O, Volvo S4O, meron Mitsubishi at Toyota pero service sa field ng mga tao at engineers.

May mga houses ako  at present na for sale , build and sell projects ..3 houses saka 4 units na townhouse na incomplete pa sa tapat ng Shopwise sa Moowalk.

Sa ngayon, we are also in the process of starting up big  projects in Mindanao  - Marawi Rehabilitation and  Mindanao Electrical Power Generation Plant  using  Hibrid Renewable Energy { solar , wind turbine, hydro, and  oil feed palm oil/ biomas power generation}  in cooperation with PNOC Renewables and Amanah Bank and Indonesian Group, wherein I am the Vice President for Operation of the EPC company.


AYALA SOUTHVALE HOUSE  CONSTRUCTED IN 1996







Comments

Popular posts from this blog

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento...

Julio Comia Contreras - Teresita Aco Family

 Mula sa  pamilya ni Cornelio Comia at Maria De Villa ay ito ang chart. Sundan ang pamilya ni Romana Comia sa kanyang asawa na si Cipriano Conti Contreras Ngayon naman ang pamilya ni  Julio Comia Contreras at Teresita Aco na nagkaroon ng 11 na anak.

Benefit of Prayer

"I ..was caused to kneel for the benefit of prayer because no man should ever enter upon any great or important undertaking without first invoking the blessing of God." - December 2002 1st degree conferral. Marami ang naituro sa akin ng masonerya. Lalo na ang  kahalagahan ng pagdadasal at pagkilala sa Diyos bago magsimula ng mga gawain sa araw-araw. Sa pamamagitan ng natutuhan kong Kabbalistic ritual, palagi ko itong ginagawa pagkagising sa umaga. Ito ang aking pamamaraan para sa guidance and blessing of God.