Alegria o Aluyan
May naiwan pa na isang nitso na hindi pa natitinag ng malakas na alon.
Ito ako sa gitna ng mga durog na lapida at mga sirang nitsong konkreto.
Paano kaya nangyari ito. Ibig sabihin ay malaki na ipinagbago ng panahon na unti-unti ng tumataas ang tubig dagat at kinakain na ang mga dalampasigan.
May Akda
Si G. Comia ay lumaki sa Sta. Brigida, nag-aral at nag high school sa Fabella College, Roxas, Oriental Mindoro na nagtapos noong 1969.
Hindi ko alam kung bakit ang baryo ng Alegria ay tinawag na Aluyan.
Sikat ang lugar na ito sa mga nagbabasa ng Panitikan dahil maraming kwento ang tungkol dito na sinulat si N.V.M. Gonzales, isang manunulat na namuhay sa Alegria. Marami siyang mga libro tulad ng "Pitong Gulod ang Layo at mga iba pang Kwento" na binubuo ng maiikling kwento tungkol sa buhay nya sa Mindoro.
Si Nestor Vicente Madali Gonzalez ay ipinganak noong September 8, 1915 sa Romblon, Romblon na lumipat ang pamilya niya sa Mindoro noong siya ay limang taong gulang pa lamang. Bilang anak ng isang Teacher at Supervisor, siya ay tumutulong sa pag hahatid ng karne na kanilang ibinebenta sa mga kapitbahay. Nag-aral sya sa Mindoro High School noong 1927 hanggang 193O. Nag-aral din siya sa National University at nagtrabaho sa Philippine Graphic, Evening News Magazine at Manila Chronicle. Nagkaloob sa kanya ang Rockefeller Foundation Fellowship ng award dahil sa paglathala niya ng isang essay at isang tula noong 1934.
Dahil dito sya ay nabigyan ng pagkakataon na maglakbay patungong Stanford University, Palo Alto, California at Columbia University sa New York City noong 1948. Noong 195O, siya ay bumalik sa Pilipinas at nagsimula ang kanyang teaching career sa Unibersidad ng Santo Tomas, Philippine Women's University at Unibersidad ng Pilipinas.
Sa loob ng mga taon ng kanyang pagtuturo, siya ay nakagawa ng 14 na libro kaya naman marami syang awards na nakuha. Ang mga libro na sinulat niya ay hindi lamang sa Pilipinas inilathala kundi sa mga ibat ibang wika tulad ng Chinese, Russian, German at Bahasa Indonesia.
Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay patulay pa rin siyang nagsusulat. At noong November 28,1999, siya ay binawian ng buhay sa edad na 84.
Nakaraan
Maganda ang baryo ng Alegria. Tabi ito ng dagat na ang layo sa Sta. Brigida ay mga dalawa o tatlong kilometro. Wala itong kalsada noon na puro pilapil ng mga tubigan ng palay ang dinadaanan. Dito kami nanghihingi ng bulaklak sa mga bahay na may magagandang tanim para gamitin sa flores de mayo o alayan sa mahal na birhen na gingagawa araw araw sa buwan ng Mayo, isang tradisyon na ginagawa ng mga Kristyano.
Lahat ng bulaklak ay pwedeng gamitin lalo ng ang estrelya na tinutuhog at ginagawang kwintas na may palawit na rosas o rosal para isabit sa rebulto ni Birhen Maria habang kumakanta ng padasal.
Ngayon lang uli ako nakablik sa lugar na ito pero naka-traysikel na at maganda na ang kalsada na sementado. Ganon pa rin ang tanawin nang mga bukirin dangan nga lang dumami na ang mga bahay na malalaki dahil sa dulot ng mgandang trabaho ng mga ofw sa ibang bansa.
Wala na ang bahay ni NVM Gonzalez. Ang malapad na lupain sa tabi ng dagat ay puno na ng mga bahay ng mga anak ng mga unang nagsasaka sa lupa nila.
Ang Sementeryo ng Aluyan
Ito na ngayon ang dating sementeryo ng Aluyan. Pinasok na ng dagat. Paano kaya nangyari iyon? Dahil kaya sa climate change na tumaas na ang tubig dagat kaya kinain na ng tubig dagat.
May naiwan pa na isang nitso na hindi pa natitinag ng malakas na alon.
Ito ako sa gitna ng mga durog na lapida at mga sirang nitsong konkreto.
Paano kaya nangyari ito. Ibig sabihin ay malaki na ipinagbago ng panahon na unti-unti ng tumataas ang tubig dagat at kinakain na ang mga dalampasigan.
May Akda
Si G. Comia ay lumaki sa Sta. Brigida, nag-aral at nag high school sa Fabella College, Roxas, Oriental Mindoro na nagtapos noong 1969.
Comments
Post a Comment