Si Ceres ay dyosa ng agrikultura ng mga Romano noong mga unang panahon. Sa mga Greyego siya ay si Demeter.
Sa mga taga Oriental Mindoro lalo na sa mga taga Roxas, siya ay taga hatid at sa madaling salita ay isang bus na air conditioned na maluwag at malamig ang hangin.
Iba na talaga ang buhay ngayon. Napaka konbinyente na magbyahe ng probinsya dahil marami na ang magagandang mode of transportation at hindi kailangan na magdala pa ng sasakyan at pahirapin ang sarili sa pagmamaneho lalo na kapag nag-iisa o dalawa lamang kayong magkasama.
Nagyaya si Roy na pumasyal kami ng Sta. Birgida, Mansalay para bisitahin si Esy at ang pamilya nya na nakatira doon. Sa Brigida kami lahat lumaki hanggang lumuwas ng Maynila at nanirahan na. Tanging si Esy lamang ang naiwan sa Mindoro. May bukirin sila ng palay at mga gulay saka mga saging at mangga na kanilang hanapbuhay. Hindi na mahirap manirahan sa probinsya ngayon hindi katulad noong mga 195Os hanggang 197O na walang kuryente at gasera lamang ang ginagamit na ilaw.
Asenso na sa buhay ang pamilya nila, kumpleto sa kasangkapan at gamit sa bahay, may bago din silang Toyota Innova na pinangsundo sa amin ni Roy sa Roxas Bus Terminal. Malapad na rin ang kanilang taniman ng palay at prutas.
Ceres Bus Alabang
First time namin ginawa ito. Ilang araw din kaming nagse search kung paano pumunta ng Mindoro by bus. May nagsabi ang byahe daw na dapat sakyab ay puntang Occidetal Mindoro, and sabi ng iba ay sakyan ang byaheng Iloilo ng Ceres. Pero araw ng lakad namin ay wala kaming nakuhang tamang inpormasyon kung ang dapat sakyan at kung anobg bus at oras ng byahe.
Hindi na kami nagpahatid dahil backpack lang ang dala at mukhang maountaineer o mukhang foreigner ang get up - columbia outfit light pants, columbia shirt, hat, para talagang mamumundok. sabi ko ayos ito at walang iniintindi kapag may dala na sasakyan.
Sa Starmall Alabang kami nagtanong kung saan ang terminal ng papuntang Mindoro na itinuro naman kaagad sa katabing paradahan ng mga bus na bumabyahe ng Mindoro, Aklan punta Boracay, Iloilo, bacolod at Dumaguete.
Dumating kami ng 8am kaya nahuli pala kami sa unang byahe ng Ceres Bus na umalis ng 7am. Pero tamang tama lang dahil ang kasunod na byahe ay 1Oam. Ang Ceres Bus ay pag-aari ng may pinakamalaking bus company sa Pilipinas, ang Vallacar Transit na pinamumunuan ng Yanson Group of Bus Companies.
Sumakay na kami ni Roy na byahe, at laking gulat ko may TV, may celfone charging outlet, malamig tourist bus na pang dalawahan lang ang upuan sa magkakatapatan. Umalis ang bus ng 1Oam kahit kakaunti ang pasahero na anim lamang kami, dahil siguro hindi araw ng uwian para magpasko sa Mindoro. Ang pamasahe ay 6OO pesos bawat isa kasama na bayad sa Roro. Ang sarap ng byahe, walang pressure at comfortableng- comfortable. Naisip ko tuloy na minsan ay gagawin ko magbyahe ng Iloilo o Bacolod kahit mag isa lamang para mapuntahan ang mga lugar na magaganda sa parteng Visayas.
Comments
Post a Comment