February 07, 2018

Jupiter in Scorpio 2017-2018

Jupiter ang maswerteng planeta na nag iimpluwensya sa buhay ng bawat nilalang sa mundo lalo na kung ito nasa tamang lokasyon sa kapanganakan ng isang indibidwal. Isang taon ang pamamalagi nito sa bawat bahagi ng  chart o labing dalawang taon kung maglakbay ito ng isang buong ikot sa araw.

Isang taon din ang pamamalagi nya sa constellation ng Libra nong 2O16 hanggang Oct 1O, 2O17 at papasok na sya sa Scorpio.  Ito ay maglalakbay sa 12th house ng aking Scorpio constellation.

Ang Scorpio kpag nasa 12th house




Ika-14 na taon sa Masonerya ..ang misteryo at mistika

JULY 2OO3

Taong 2oo3 noong ako maging mason matapos ang halos dalawang taon na petitioner or candidate sa craft ng masonerya. “ Bakit ba ako nagmason?” Wala naman sa ninuno namin o mga malapit na kamag anak ang naging mason. Ang natatandaan ko nong bata ako sa bayan ng inay ko ay may isang malaking bahay na ang nakatira daw ay isang mason. Kinatatakutan dahil hindi ordinaryo ang marinig ang salitang mason. Kamag anakan din ng pamilya ng mother ko. Ewan ko kung saan siya miyembro dahil wala namng nagbigay ng tamang inpomasyon tungkol sa kanya.

Nagmason ako dahil siguro ito isang tadhana para sa hinahanap kong mga misteryo ng buhay mula pa noong unang panahon  na hindi ko nabasa noong bata pa ako. Likas sa akin ang pagiging mahilig magbasa lalo na mga kababalaghan o hindi ordinaryong mga kaisipan. Maraming kwento din si Inay sguro dahil isa suyang maestra sa elementarya kaya kailangan nya maraming kwento para sa maingganyo ang estudyante na pumasok kung meron sya laging putol putol na kwento o itutuloy na istorya.
Bata pa ako ay mahilig na tumigin sa mga bituin sa kalangitan kahit hindi ko alam ang mga pangalan nito hanggang matututuhan ko ang mga konstelasyonna na ito na sumisikat sa kanya kanyang buwan sa loob ng isang taon.

Tadhana ang nagdala sa akin para makatapos ng pag-aaral sa kursong civil engineering.  Maraming sakripisyo din sa sarili ang pakikipagsapalaran sa Maynila nong panahong mga 1969 noong una akong makarating sa syudad. Sobrang nakakatakot pumunta sa maynila mula sa Mindoro nong mga panahong iyon. Halos magdamag at maghapon ang byahe na sasakay pa sa barko at sa bus na pagewang gewang dahil sa sama ng baku bakong kalye o kaya ay pinatag na lupa lamang na kapag tag ulan ay kailangang hilahin ang bus dahil lumulubog sa putik at sa napakadulas na daang lupa.
Katoliko ang relihiyon naming na kapag araw ng lingo o sabado kapag may nagpupuntang pari sa baryo ay nagsisimba kaming lahat. Malapit lang sa simbahan at sa elementary school ang bahay namin kaya hindi pwede na mag aabsent sa pagsimba.

Natatandaan ko na ang paring nagmimisa sa simbahan naming sa baryo ay isang paring misyonero na taga Holland, si Father Anton Postma, matangkad at olandes ang buhok at may maputing balat na may kapayatan pero gwapong pari. Lagi siyang may dalang malaking balat na bag. Maganda siya magbigkas ng tagalog dahil labas sa ilong ang mga salita. Mahusay at matatas siyang magsalita lalo na kapag sermon na. Nitong mga nakaraang taon na nasa maynila na ako at naninirahan sa Maynila ay nabalitaan ko na umalis na siya sa pagkapari at naninrahan na siya sa bundok ng Panaytayan at nag asawa na ng katutubong mangyan. Tinulungan niya ang mga katutubo ng kahalagahan ng sibilisasyon at edukasyon. Dahil isa siyang anthropologist, marami siyang nasulat na libro tungkol sa hanunuo mangyan na ginagamit na ngayon ng national museum of the Philippines.

College Days
Noong college ako,  madalas din akong magsimba sa Quiapo Church dahil malapit ito sa Feati na pinapasukan ko. Pag-ikot sa avenida  kapag bakante ang oras sa susunod na subject ay dumadaan sa simbahan para humingi ng tulong sa Diyos na kinaugalian na at siyang turo ni Inay na laging magdasal at gabayan sa araw araw ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo pero dapat kasama din si Birheng Maria na ina ng Diyos Anak.

Marami akong tanong tungkol sa pananampalataya na itinuro ng simbahan katoliko. Halimbawa, ang diyos anak at ama ay iisa pero ang anak ay may nanay nong magkatawang tao at hindi ang asawa ni birheng maria ang tatay- na ang espritu santo ang dahilan ng pagbubuntis. Ewan ko, basta naniniwala na lang ako na may Diyos.

Second year college ako nong mauso ang mga iba ibang paniniwala tungkol sa Diyos dala marahil ng pagkakahilig ni George Harrison ng Beatles sa Indian philosophy, ang pagsikat ni Ravi Shankar at sa paggamit nito ng sitar, ang mga paniniwala sa transcendental meditation, yoga at hare Krishna prayer mantra na may kasama pang prayer beads.

Dahil sa pilosopiyang ito ay nag aral ako ng ibat ibang forms of meditation, mind centering at concentration, saka ang hypnotism na lagi naming pinapraktis ang kaibigan ko. Nag join ako ng Ananda Marga sa Paco, Manila at  mga ilang buwan din na hindi kumakain ng isda at karne, at tanging kanin at gulay ang pagkain kahit na napakapayat ko at parang tingting na labas ang buto.
British Rock ang music namin na kinabibilangan ng Pink Floyd, Beatles, Rolling Stones, Black Sabbath, Monkeys, Cream ni Eric Clapton, at sa US naman ay si Jimi Hendrix at grupo ng Santana at CCR.

TAON 1978

Nakatapos ako ng kurso noong 1976 at pagkaraan ng dalawang taon ay nagkaroon ng pamilya. Naging ugali na namin ang magsimba tuwing araw ng lingo matapos ang anim na araw na pagtratrabaho at para ihandog ang isang araw para sa diyos bilang pagsamba  sa kanya na lumikha ng sangkatauhan. Maganda din itong formation sa mga anak para sa relationship with god and to have faith as a believer based on the writings of the bible or the sacred book of the law. Dahil madalas magsimba ay naging mga kaibigan namin ang malalapit sa simbahan, mga kapitbahay sa Ayala Alabang. Marami ding activities and community. At dahil mga young families at kukunti pa kami sa village, maraming renewal programs ang mga nakuha at naging miyembro, renewal programs sa st james the great  parish, couple for christ, eucharistic ministry movement, retreats all church based education supported by the parish.

Nag aral din ang anak ko sa catholic school, Benedictine san beda alabang, at sa paref woodrose na malapit lang sa bahay namin. Maganda ang formation ng anak sa catholism lalo na ang opus dei school.


Kahit na isa akong Eucharistic minister or lay minister ay mahilig pa rin akong magbasa ng libro about the stars and planets and its influence to the life of every human being. May mga libro ako  sa Chinese astrology kaya alam ko na ako ay ipinanganak sa year of the dragon, a water dragon of 1952. Marami ding oras ang ginugol ko sa pag aanalisa at 

January 14, 2018

Muling pagsasama-sama sa Mindoro



November 2O17


Pagkaraan ng 17 na taon, ngayong lang uli kami nagkasama -sama  sa Mindoro, ang lugal na kinalakihan. Magkakalayo na mga tinitirahan kaya minsan lang dumating ang mga pagkakataong muli.



{Kuha ni Ali Comia alas 6;00 ng umaga habang nag aalmusal sa bahay nila sa Sta Brigida, Mansalay, Oriental Mindoro noong Nov. 2017.  Kagigising pa lamang at nagsisimula sa kape, nilagang saging na saba, itlog, shell na lukan-malaki ito sa tulya. at maraming pang ibang niluluto, pritong tambakol, etc }

Magkakapatid

Lima kaming magkakapatid  na binubuo ng 4 na lalaki at isang babae. Tatlo ang mag kakasunod na lalake simula sa akin bilang panganay, Jr. gabriel, Esy, Boy, sumunod ay si Delia  at ang bunso ay si Roy.

Gabriel Acupan Comia, Sr.
March 24, 1926+

Anna  Castillo del Carmen
Dec 21, 1928+

Jr. Gabriel    Dec 12, 1952
Niceto          Apr 20, 1954
Arthur          Mar 20. 1956
   Delia            May 29, 1959 +
Roy              Nov 28, 1962


{Lumang picture  Pasko Dec 1970}

Dito sa Sta. Brigida kami nanirahan at lumaki. Dito rin nag elementarya pero sa kabilang bayan nag high shool. Napakaliblib pa ang pook na ito noong mga 1950s at 60s. Hiindi maayos ang kalye na madulas pag umuulan at rough road. Wala ding kuryente kaya gasera at kerosene ang gamit sa ilaw. 

Maghigpit si Inay sa pag-aaral namin dahil nga sa isang teacher sa public school ay ipinamulat ang kahalagahn ng edukasyon sa buhay ng tao. Si Tatay ay isang magsasaka sa bukid kaya nasanay din kami sa trabahong pagtatanim ng palay at mga gulay kaya lang ayaw niya na ang maging hanapbuhay namin paglaki ay bukid pa rin na siya naman nangyari sa mga buhay namin.

1959 - 1965     Mababang Paaralan ng Nayon ng Sta Brigida

Nagsimula akong mag Grade 1 dito sa Sta. Bigida. Una kong titser ay si Ate Sosing, pinsan ni Inay. Walking distance lang ang school tabi ng bakod ng bahay namin. Kakaunti pa ang mga estudyante kaya pangalawa kami sa batch ng nag graduate ng elementarya. Lagi ako may honor noong elementary dahil sguro kakaunti lang kami o talagang may angking talino din ako at pursigidong matuto.

1965 - 1969    Fabella College, Roxas, Oriental Mindoro

Pitong kilometro din ang layo ng high school o secondary school. Maghapon ang pasok na sinusundo at hatid ng dyip  sa pagpasok sa school. Masaya din ang high school at dahil focus lang sa pag aaral, madali ding natapos sa loob ng 4 na taon kahit hirap sina Tatay at Inay sa pagtataguyod ng pag-aaral namin.

Mahirap din mag aral nong mga panahon na iyon, maalikabok ang kalye, bako-bako puro lubak, at maputik kapag umuulan. Wala parin kuryente at saka kakaunti pa ang mga sasakyan na pwede mo bilangin ang dumadaan. Ang pampasaherong bus ay dalawang beses lang dumaan , isang paroon at isang parito. Ibig sabihin pupuntang Calapan para sa byahe ng barko at pabalik.  Na pag galing ka sa Batangas, ang unang bati sayo ay kumusta ang dagat, maalon ba o malakas. 

Yaring kahoy pa ang mga barko na kapag sumakay ka ay lulang lula at nasusuka dahil sa pag indayog sa alon ng dagat. Maraming beses ko na rin na naranasan ang ganong sitwasyon noong ako ay lumuluwas pa at nag aaral pa sa Maynila. 

Dati rati ay halos 24  oras ang byahe bago makarating ng Maynila.  Natatandaan ko pa na sasakay ako ng bus ng mga alas 7 ng gabi at makakarating ng kalapan ng umaga na. Sasakay ng barko ng 9am at darating ng Batangas Pier ng tanghali. Hapon na bago makarating sa Makati na aking inuuwian,  Samantalong ngayon 4 o 5 oras lang ay nakarating.


197O - 

Dito na sa taong ito nagsimulang mangibang bayan at  umalis ng Mindoro. .

..itutuloy

----------------------------------





November 2018

Mga kuhang litrato sa beach house ni Teling sa San Antonio Beach


















Kuha sa beach house ni Teling
























August 06, 2017

The Three Harmony of Heaven, Chinese Feng Shui






Ang mga millenials ay ibang- iba ang takbo ng buhay.  Kanya kanya ang location sa mundo na kailangan mong maintindihan ang mapa para  mayroong idea ka kung saang dako ang continente nandon sila, nasa Asia ba, o Middle East Asia, nasa kanlurang bahagi ng mundo tulad ng North and South America ba o nasa Europa.

Millenials ang tawag sa mga batang ipinanganak ng early 80s.

"Millennials (also known as Generation Y) are the demographic cohort following Generation X. There are no precise dates for when this cohort starts or ends; demographers and researchers typically use the early 1980s as starting birth years and the mid-1990s to early 2000s as ending birth years."


Karamihan ay ipinanganak na ang planet neptune ay nasa sagittarius constellation.

Neptune In Sagittarius
As a fire sign, Sagittarius is unable to sit still for very long. That’s why Neptune in Sagittarius is able to find inspiration wherever they go – it’s the traveling that keeps them excited about life. They love meeting new people, learning new things and building upon their wealth of knowledge

For Neptune in Sagittarius, they thrive on a variety of exciting and uplifting experiences.
Neptune represents instinct, illusion, spiritual enlightenment, chaos, addictions, mystery, fantasies.
They thrive on a variety of exciting and uplifting experiences.
They are always on the go and will drop everything to take a surprise trip. They aren’t interested in day-to-day activities or responsibilities; they don’t have the time for such mundane things.

Si Roy

Pinakabatang kapatid ko si Roy. Sampung taon ang agwat ng edad namin.  Magkasama kami sa construction company ko noong 199O hanggang 2OOO bago naging OFW sa Libya bago pa ito nagka gyera. Graduate sya ng Architecture kaya construction supervisor ng mga buildings at mga industrial plants ang trabaho nya sa abroad.

Likas siguro na kapag ipinanganak ng year of the Tiger at Sagittarius na destiny nya ang laging nasa malalayong lugal para maranasan ang ibat ibang kultura at kaugalian ng mga ibat ibang lahi. Enjoy na enjoy sa trabaho lalo na ang mga tauhan at mga workers nya ay galing sa ibat ibang nasyon ng Bangkadesh, Thailand, China, India, Egypt, Arabia, Libya, at marami pang iba,  kasama na mga pinoy.

Nakakatuwa ang kwento niya nong abutan sila ng gyera sa disyerto ng Libya na 7OO kilometers ang layo sa Tripoli na capital city.  Wala ng communication at abandon na ng mga higher-ups nila ang main office sa Tripoli, dahil ditto lakas loob silang tumawid ng border ng kalapit bansang Tunisia gamit ang service vehicle nila na kayang maglakbay kahit walang kalsada sa disyerto. May mga check point silang nadaanan na  kinumpiska ang kanilang mga pera, laptops, gadgets, ..Sa kabutihang palad pagdating sa border ay tinulungan at sinagip sila ng mga UN Forces.

Hindi na siya bumalik sa Libya. Ang mga sumunod na work assignments nya ay sa mga bansang UAE, Saudi Arabia,  at nitong mga huling dalawang taon ay sa Penang, Malaysia na ginawa nila ay Coal Power Plant para sa electrisidad ng Malaysia. Gusto naman nya daw marating ay bansang Chile sa South America dahil may kontrata ang kompanya nilang Koreano doon.

Ibinalita din niya yong anak nyang si Fritz ay OFW na rin at nasa Kuwait Airport bilang airport ground control personnel. Graduate ito ng Aircraft Mechanic sa Airlink.

Si JO

Sports buff si Jo. Estudyante pa lamang Grade 7 sa Paref Woodrose School sa Ayala Alabang ay kasama na sya sa team soccer players na sumali sa Gothia Cup Tournament ng football sa Sweden. Soccer player sya sa school sa UP, sa De Lasalle, at kahit na nong mag-aral sya sa Singapore ay football pa rin ang sports nya  May mga batang taga Forbes Park na tinuturan niya ng soccer.
Aside from soccer, nasa long distance cycling din sya at nag-eensayo para sa ambisyon niyang makasali at makatapos ng triathlon ng Ironman event.


An Ironman Triathlon is one of a series of long-distance triathlon races organized by the World Triathlon Corporation (WTC), consisting of a 2.4-mile (3.86 km) swim, a 112-mile (180.25 km) bicycle ride and a marathon 26.2-mile (42.16 km) run, raced in that order and without a break. It is widely considered one of the most difficult one-day sporting events in the world.

Most Ironman events have a limited time of 17 hours to complete the race. The race typically starts at 7:00 a.m.; the mandatory swim cut off for the 2.4-mile (3.86 km) swim is 9:20 a.m. (2 hours 20 minutes), the mandatory bike cut off time is 5:30 p.m. (8 hours 10 minutes), and the mandatory marathon cut off is midnight (6 hours 30 minutes). Any participant who manages to complete the triathlon in these timings is designated an Ironman.

Madalas magbyahe si JO dahil single pa at wala pang masyadong responsibilidad sa buhay.
Born sya ng year of the Water Dog of April month.


Si Gelay

Adventurer din si Gelay.  Pagkatapos ng marketing course nya sa De Salle Taft ay nagpunta na sya sa US at nag-aral sa Fashion Institute of Design and Merchandising(FIDM} sa Los Angeles, California. Nag stay na sya sa US at sa kasalukuyan ay nakatira sa San Francisco Bay Area with husband Manny, dating basketbolista ng PBA na naglaro sa Ginebra, Coke, Sta Lucia, etc. Happy family sila kasama ang dalawang anak na lalake.

Nagbakasyon lang sila ng two weeks . Kuha ang picture nong last Friday, Aug 4 sa Serendra.

Born year of the Metal Rooster of Gemini month.

Si Charis

Frequent flyer si Charis. Noong bata pa sya ay kung saan saan bansa na nakakarating. Ambisyon nya marating ang 5O major cities of different countries around the globe before the age of 5O. Malapit na yata nyang makumpleto. Frequent din ang kanyang residence relocation. For the past two years, Singapore, San Francisco, then presently  Singapore again. Stop over/vacation lang sa Manila kaya nasa picture.

Double course din sya kasama na ang Law/LLB. Born year of the Earth Horse and a Leo sun.


Ako, nasa gitna.. isang blogger

Traveler din ako. Hindi nga lamang sa physical realm kundi sa universal travel traversing the sky and heavenly bodies. Masonic traveler ang tawag dito, an allegory of “ traveling from west to east.”

Ipinanganak ako ng year of the water dragon when sun in sagittarius.


The East has always been considered peculiarly sacred. This was, without exception, the case in all the Ancient Mysteries. In the Egyptian rites, especially, and those of Adonis, which were among the earliest, and from which the others derived their existence, the sun was the object of adoration, and his revolutions through the various seasons were fictitiously represented. The spot, there fore, where this luminary made his appearance at the commencement of day, and where his worshipers were wont anxiously to look for the first darting of his prolific rays, was esteemed as the figurative birthplace of their god, and honored with an appropriate degree of reverence. Even among those nations where sun-worship gave place to more enlightened doctrines, the respect for the place of sun-rising continued to exist. The camp of Judah was placed by Moses in the East as a mark of distinction; the tabernacle in the wilderness was placed due East and West; and the practice was continued in the erection of Christian churches. Hence, too, the primitive Christians always turned toward the East in their public prayers, which custom Saint Augustine (Serm. Dom. in Monte, chapter 5 accounts for "because the East is the most honorable part of the world, being the region of light whence the glorious sun arises." Hence all Masonic Lodges, like their great prototype the Temple of Jerusalem, are built, or supposed to be built, due East and West; and as the North is esteemed a place of darkness, the East, on the contrary, is considered a place of light.

In the primitive Christian church, according to Saint Ambrose, in the ceremonies that accompanied the baptism of a catechumen, a beginner in religious instruction, "he turned towards the West, the image of darkness, to abjure the world, and towards the East, the emblem of light, to denote his alliance with Jesus Christ." And so, too, in the oldest lectures of the second century ago, the Freemason is said to travel from the West to the East, that is, from dark ness to light. In the Prestonian system, the question is asked, "What induces you to leave the West to travel to the East?" And the answer is: "In search of a Master, and from him to gain instruction." The same idea, if not precisely the same language, is preserved in the modern and existing rituals.

The East, being the place where the Master sits, is considered the most honorable part of the Lodge, and is distinguished from the rest of the room by a dais, or raised platform, which is occupied only by those who have passed the Chair. Bazot (Manuel, page 154) says: "The veneration which Masons have for the East confirms the theory that it is from the East that the Masonic cult proceeded, and that this bears a relation to the primitive religion whose first degeneration was sun-worship."

Source..Mackey's Encyclopedia of Freemasonry

July 09, 2017

The Road to San Jose, Occidental Mindoro

July 5, 2017

Kahit lumaki ako sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makarating sa San Jose, Occidental Mindoro.


Mansalay Bay 
















Mula sa Sta. Brigida, Mansalay ay naisipan kong magpasyal papunta sana sa Sugicay Island para makita ang bagong tayong white sand beach resort na nasa Bulalacao town pagkalampas ito ng Mansalay nga 15 kilometers din ang layo. Tanghali na kami umalis sakay ng bagong bago na Innova nina Esy, ang kapatid kong nastroke anim na taon na ang nakakaraan - na sa ngayon ang maayos na ang kalagayan kahit naapektuhan ang kanyang pagsasalita.

Maganda ang tanawin sa papasok sa bayan ng Mansalay na nakaharap sa dagat na napapalibutan ng bundok, tamang tama sa paghahalintulad sa perpektong feng shui ng mga chinese. Sa norte ay bundok na isang turtoise, sa kanan na west side ay tiger, sa silangan or east ay dragon na bundok, at sa south ay ang dagat na tinaguriang phoenix.
Displaying 20170704_180754.jpg




Narating namin ang Sugicay pier pero naisipan ko na tumuloy na ng Bulalakaw town dahil hindi ko rin ito nararating.

Displaying 20170705_115609.jpg


Ang ganda ng Bulalakaw na tulad ng Mansalay ay nakaharap din sa ibabang bahagi o south portion ang bulubundukin ilaya.

May bagong pier na rin ito para sa mga bus  papuntang Katiclan sa Aklan na sinasakyan ng pumupunta sa Boracay.


Displaying 20170705_173949.jpg

Mula bayan ng Bulalakaw ay 37 kilometro papuntang bayan ng Magsaysay, Occidental ang tinahak ng sasakyan na karamihan ay zigzag na kalsada pero sementado at maganda,  at 20 kilometers mula Magsaysay hanggang San Jose.

Maunlad ang San Jose, malapad ang taniman ng palay at ang bayan naman ay marami na ring mga gusali na ebidensya ng maunlad na pamayanan.

Kumain kaming  limang magkakasama ( Esy, Ali na anak ni Esy, dalawang alalay at ako) ng tanghalian sa Jollibee pagkatapos ay lumibot at naghanap ng piyesa para sa makina ng yanmar engine na ginagamit sa patubig.

Nakabalik kami ng bahay ng 6pm na araw din yaon.





June 13, 2017

Sagittarius Full Moon in Nantou City Part ll

Night Market In Tainan City

Isang maliit lang na area ang night market. Parang night bazaar lang na may mga food carts.




Meat balls,


June 8, 2017 Tainan City


Ting Tau Garden Resort Hotel



Tea Garden








Resulta ng larawan para sa ting tau garden resort, nantou city
Resulta ng larawan para sa ting tau garden resort, nantou city

After spending the night in Ting Tau Garden Resort Hotel, we were toured by the group at Monster Park.






 Displaying 20170608_113322.jpg






A Monastery near Taichung City

Gab in 2025 .12 .12

Thanksgiving for All Souls I Have Met on My Journey December 12, 2025 Great Architect of the Universe, Divine Source of all paths and all de...