March 24, 2021

Kaka Gabriel


Gabrie Acupan Comia, Sr.

March 25, 1926 - Jan 1987

Farmer   World War 2 Veteran



Descendants



Ancestry



Junior ako ni Kaka Gabriel at panganay sa limang magkakapatid.

Dahil birthday niya ng March 25 kaya naisipan kong gumawa ng maikling kwento tungkol sa kanya. Ipinanganak siya sa Bauan, Batangas pero nanirahan ng matagal at kalahati ng kanyang buhay sa Sta, Brigida, Mansalay, probinsya ng Oriental Mindoro. 

Sa Mindoro lahat kami lumaki bago nanirahan sa ibat ibang lugar sa mundo.

Marami siyang naikwento sa kanyang buhay dahil siguro na likas na matanong ako noong maliit pa. May lima siyang kapatid sa  lolo ko na si Rafael Comia at lola na si Poten o Potenciana Acupan. 

Dahil panganay din sa magkakapatid kaya disiplinado siya sa kanyang ama na ayon sa aking lola ay matapang at magbabarik lagi saka mag aanting.

Maaga namatay ang ama nya na lolo ko na hindi ko na inabot ng dahil daw kaya namatay ay madalas  uminom ng mga agimat lalo na yong para hindi tablan ng gulok o kaya naman ay hindi tamaan ng bala ng baril.

Sabi ni Ina, tawag ko sa lola ko, kaya namatay ay dahil  daw nagkasakit at nalungkot dahil sa pagpasok ng tatay ko sa Army noong liberation na ng mga Amerikano sa Pilipinas.

----------------------------

Year of the Tiger, Aries Month

Matapang ang tatay ko, ipinanganak sya ng year of the Tiger na sinamahan pa ng planetang Mars sa buwan ng Aries. Likas sa mga ipinanganak sa taon ng tiger ay hindi takot sa laban at mahilig sa mga adventure tulad ng pumunta sa mga lugar ng hindi pa nararating ng karamihan.

Nabingwit niya ang puso ng isang Dragon (1928 born si Inay) kaya pamnsan -minsan ay umuusok din ng apoy sa bahay ( Dragon at Tiger ), sigurado  bugahan ng apoy pero pagkatapos naman ay mahalan  at masaya na naman ang paligid.

Pero pag nagalit ang tatay ko..sinturon saka patpat ang tama sa puwet.  Wala magawa pagka dragon ko mas matindi si Inay pag nangurot na hindi pwede umiyak dahil lumalaban daw pag umiiyak..

Natatandaan ko pa  kapag tag-araw na at cuaresma, gumagawa kami ng malaking saranggola na dahil sa malaki ay ayaw umakyat dahil sa bigat. 

Marami rin akong tanong tungkol sa pagiging sundalo niya nong gyera

    " Tay saan ka napalaban nong gyera" tanong ko

     " Doon sa bundok ng Batulao malapit sa Tagaytay".  " Isang company kami noong maengkwentro         namin ang mga Hapon at nagkalabanan na nga."

    " Fire  sigaw ng opsiyal namin. kaya pumuputok ako kahit nakadapa nang bigla tamaan ng bala ang        aking katabi, tihaya at patay kaagad" kwento ni Tatay.

    " Ano ginawa nyo"  tanong ko.

    " Hindi ko naman makita ang kalaban pero nakita ko ang bag kaya iyon ang pinagbabaril ko.

    " Sa palagay nyo may napatay kayo sa kalaban" urirat ko.

    " Aywan ko basta putok lang ng putok ako kahit nakadapa at nakasubsob ang ulo hanggang sa               matapos ang labanan ." sabi nya. 

------------------------------

Yan ang tatay ko,  sa edad na dis 19  ay naging beterano sa gyera pero ang nabaril lang ay bag ng Hapon.

Pagkatapos ng gyera ay patuloy pa rin siyang sundalo pero nong dadalhin na sya sa Guam ng mga Amerikano ay nagpa discharge  na dahil nag umiiyak na si Inang Poten dahil ayaw siyang paalisin ng Pilipinas.

----------------------

Maraming taon na ang lumipas at marami ding pakikipagsapalaran, taong 1952 noong makilala nya ang Inay ko na isang kolehiyala at nag-aaral sa pagiging maestra sa Western Philippine College now University of Batangas. 

Dahil matikas at magandang lalaki, matipuno at may taas na 5' 8", nabihag niya ang puso ng aking ina  na labag naman sa kagustuhan ng mga magulang nito. Kaya itinakas at nagtanan sila saka tumira sa Singalong, Maynila na bakery ng isang kamag-anak. (Note: Hindi ko matrace kung sino ang tinrahan nila na kamag-anak  sa Singalong na ang trabaho niya ay  maggawa at maglako ng pandesal tuwing umaga..taga Cuenca daw yon kaya masarap gumawa ng pandesal..hehehe..karamihan ng  mga unang bakery sa Maynila ay taga Cuenca).

Pagkaraan ng ilang buwan at malapit  na sa kabuwanan ng kapanganakan ko, nagbalik sila sa Manghinao, Bauan at doon ako ipinanganak.

Tatlong taon  ang nagdaan at naipanganak na si Esy na sumunod sa akin noong 1954, nong mapatawad sila ng mga magulang ni Inay na uso pa ang mga sumpa sumpa nong mga panahon na iyon kapag sobra ang galit ng mga magulang lalo na kung ayaw ang napangasawa ng  mahal na anak.

Para lalong mapalapit sa kanyang biyenan, nagpasya sila na sumama sa Mindoro na noong mga panahon na iyon ay may homestead na kailangan linsin na gubat. Sobrang liblib ang lugar at talagang ang layo sa sibilisasyon.

Natatandaan ko maraming matataas at malalaking puno ng kahoy at mga  buri palms  na kailangan mag-ingat lagi dahil maraming malalaki at makamandag na ahas, mga wild animals, usa, baboy damo at malalaking ibon. 

Masaya ang buhay sa Mindoro.  Hindi problema ang  pagkain, marami isda sa ilog na magsasawa ka sa dami ng mahuhuli, sa mga sapa marami din ang malalaking dalag at tilapia. Kung sawa na sa isda tabang ay marami naman isdang dagat na mabibili o pwedeng palit ng gulay o bigas.

----------------------

Doon na nagpatuloy ang kanyang buhay sa pagtatanim sa Mindoro na noong mga panahong ng 1950s ay gubat pa at masukal hanggang unti unti na nabago at umunlad na ang komunidad na para mabigyan sya ng pagkakataon na makapag serbisyo ng ilang panahon bilang kapitan o barangay chairman.

Noong mamatay sya ng 1987 saka lamang naka tanggap ng backpay sa Veterans,  na matagal din naging beneficiary ng  kanyang pension si Inay. 

At tulad din ng maraming mga beterano, isang educational benefit din sa kolehiyo  ang ipinagkaloob na nagamit naman ng anak ni Esy si Norman noong kumuha ng Mechanical Engineering sa Mapua University.

At higit sa lahat ay naipamana niya sa amin ang kanyang ambisyon at pangaral para maging maayos ang aming buhay na naging daan para makatapos kaming lahat na limang anak niya ng ibat ibang kurso.

 Hindi man natupad ang sinasabi niyang abogasya para sa sarili niya nong bata pa siya,  natupad naman ang hangad niya na maraming diploma ng mga anak ang nakasabit sa dingding ng bahay niya.

Ako Gabriel Jr. ay Civil Engineering, si Esy ay Associate in Electrical, Boy ay Civil Engineering, si Delia ay BS Accountancy, at si Roy ay BS Architecture. 

Salamat Tatay sa magandang ala-ala at masasayang panahon ng buhay.  Masayang kaarawan mo dyan sa kabilang buhay ngayong  ika 25 ng Marso na lagi naming alalahaanin habang kami ay nabubuhay..

Salamat!


----------------------


History of World War 2 sa Batangas

Bilang bahagi ng Kampanya ng Pilipinas (1944–45), nagsimula ang paglaya noong Enero 31, 1945 nang ang mga elemento ng 11th Airborne Division sa ilalim ng US Eight Army ay umakyat sa baybayin ng Nasugbu, Batangas. Gayunpaman, ang Batangas ay hindi pa target ng invasion force ngunit sa halip, ang karamihan sa mga yunit nito ay lilipat sa hilaga upang sakupin ang Maynila at sa Marso 3, ganap na nasiguro ang kabisera. Ang XIV Corps ng US Sixth Army ay nagpatuloy sa pagmamaneho nito patungong timog ng Luzon at noong Marso 4, ang 11th Airborne Division kasama ang 158th Regimental Combat Team (o 158th RCT) ay naipasa sa ilalim ng utos nito. Ang 158th Regimental Combat Team na naka-istasyon sa Nasugbu ay kailangang i-secure ang mga baybayin at kalapit na bayan ng Balayan at Batangas Bays habang ang 11th Airborne Division mula sa Tagaytay Ridge ay sasalakay sa mga panlaban ng Hapon sa hilaga ng Taal Lake at pagkatapos ay maabot ang Lipa Corridor. Sa araw ding iyon, nasakop ng 158th RCT ang bayan ng Balayan at pagsapit ng Marso 11 ay nakarating sa Batangas City.

Upang ma-secure ang dalawang bay, kailangan ng 158th RCT na makuha ang buong Calumpang Peninsula ng bayan ng Mabini na hawak pa rin ng ilang elemento ng Japanese 2nd Surface Raiding Base Force. Nagpatuloy ang labanan hanggang Marso 16 nang sa wakas ay makuha ang buong peninsula. Pagkatapos nito, pagliko ng 158th RCT patungo sa hilaga upang matugunan ang mga panlaban sa Japanese Fuji Force sa Mt. Ang Maculot sa Cuenca noong Marso 19. Sa wakas, ang 158th Regimental Combat Team ay sumuko noong Marso 23 para sa Bicol Operations at 187th Infantry Task Force ng 11th Airborne Division na itinalaga upang mapawi ang kanilang posisyon sa bundok.

Isa pang puwersa ng 11th Airborne Division, ang 188th Infantry ay inatasan na ihatid ang kanilang mga tropa sa paligid ng Lungsod ng Batangas at ang mga natitirang hangganan nito. Sa hilagang seksyon, ang mga posisyon ng 11th Airborne Division na 511 Parachute Infantry Regiment sa Santo Tomas at Tanauan ay pawang niluwagan ng 1st Cavalry Division. Sa ngayon, ang 11th Airborne Division's 187th at 188th Infantry Task Forces na humahawak sa southern sector at ang 1st Infantry Division sa hilagang sektor ay patungo upang i-secure ang Lipa Corridor, ang huling pangunahing bahagi ng Lalawigan ng Batangas na nakuha....mula sa History ng World War 2 sa Batangas.

___________________________________


About the Writer:

Gabriel Comia Jr. ay isang blogger na mahilig magsulat kapag naiinip at nagpapatay ng oras sa pagkakape at libangan ang pagse search sa internet..




January 19, 2021

Retrospection 2020 Part 2

 January 2020


Marami nang pangyayari ang nagaganap ng conjunction  ng mga planetang Pluto at Saturn noong January 11, 2020.

Unti unti nang nag iingat ang mga tao sa pagkalat ng Covid 19. Noong Jan 21, 2020, bumalik ako mula  sa bakasyon  sa  US, may mga dala na akong akong face mask N95 dahil marami na ang nahahawahan ng virus na wala pang natutuklasang vaccine para panlaban  ng katawan. 

Tama ang analysis ko sa alignment ng dalawang planeta na ito na sasamahan ng Jupiter ngayong 2020. Maraming pangyayari ang magpapabago sa buhay ng tao sa mundo.

Ferbruary 2020

Kahit marami na ang natatakot sa pagkalat ng virus, may mga deal pa rin akong natapos. Success ang pagkabili ko ng isang lote para gawing townhouse. Maraming documentation ang inayos  sa deed of sale kaya naging sobrang busy ang buwan ng Feruary 2020.





 Picture ng lote para sa 2 units Townhouse








March 2020

Patuloy pa rin ang  aking masonic activities, mga meetings ng mga ibat ibang grupo na aking kinakabilangan. Isa na dito ay ang Societas Rosicruciana In Civitativus Foederatis (SRICF), Pearl of the Orient College.




Societas Rosicruciana In Civitativos Foederatis Meeting of February 2020





Retrospection 2020 Part 1




 
 

Me during my birthday Dec 12, 2019

                                    The photo was taken on Dec 12, 2019 - natal day

Ngayon lang ulit ako nagblog pagkaraan ng maraming buwan ng pagmamasid sa mga kaganapan sa 2020. Napaka misteryoso talaga ang buhay.  Maraming mga pangyayari ang napgatuunan ko ng pansin at patuloy na sinusundan kung ano pa ang mga ibig sabihin.

Nakakamangha din ang ikot ng mga planeta. Ganitong panahon ay nasa ibang bansa ako sa Amerika na nasa biglaang bakasyon dala ng paglakbay ni planetang Jupiter sa Sagittarius na bago pumasok sa Capricorn ay dinala ako paglalakbay.

Jupiter in Sagiiarius in my 1st House Chart :  November 9, 2018  -  December 2, 2019

Matagal ko nang binabantayan ang pagpasok ng Jupiter sa Sagittarius dahil nasa buwan ito ng kapanakan ko. Wala sa panaginip ko na gugulin ko ang pasko sa Amerika. 

October 2019 pa lamang sinasabihan na ako ni Gelay mag spend ng Christmas sa kanila sa California pero  walang ako balak hanggang bigla na lamang nag desisyon na umalis ng Pilipinas at pumunta ng Amerika ng Dec 23 .

Habang tinitingnan ko ang Jupiter transit ay napapangiti ako na para bang sinasabi na maglakbay ka at akong bahala sayo.


December 23, 2019

Habang naghihintay ng lipad ng eroplano PAL 114 papuntang San Francisco, nakakatuwa din tingnan ang mga tao na ibat -ibang kasootan ng mga ibang lahi.

Marami ang oras ng aking paghihintay bago lumipad ang panggabing byahe na 7:45pm. Maaga akong nakarating sa airport dahil mahusay ang nasakyan ko na grab driver na alam ang mga dadaan na hindi matrapik. Ang aga kong nakarating at nakapag check-in kaagad kaya inuubos ko ang oras sa pagsusulat ng kahit na walang kwentang topic.


Dumating ako ng SFO ng Dec 23 ng hapon pa rin dahil advance ang time ng Pilipinas.

                                                                 At Hayward, California - Christmas Dec  2019


Maraming salamat Gelay sa pag-aarange mo ng itenirary ko na kung saan-saan ako nakarating  " from west to east" na sa maikling panahon ay naramdaman ko ang ibat-ibang lamig ng panahon at kasiyahan ng pakiramdam sa pagkasama sama muli pagkaraan ng mahabang panahon.

 Microsoft surface christmas gift


Masarap ang ibat ibang burger sa California na hindi pa nakakarating sa Pilipinas kaya lantak agad kahit sobrang fatty at malalaking pounds ng beef kasama na mga condiments.


IN n OUT





Five Guys Burger





Habit Burger





December 28, 2019 at Fishermans Wharf at San Francisco 



With  grandsons Lennox and Kenji








New Years Eve at City San Francisco






 Jan 2, 2020  Las Vegas with Brother Art

Pagkatapos ng bagong taon sa California, nagbyahe naman punta Las Vegas sakay ng Southwest Airlines para umikot ikot naman kami ni Boy  gamit ang big bike nya. Malayo ang aming pinuntahan hanggang Route 66 sa Arizona.



Mga photos sa Las Vegas kasama si Boy(Art) na umikot kaagad kami sakay sa big bike nya. Mahilig sya sa motorsiklo laging latest model ang kanyang Harley Davidson at bumili pa ng isang Honda Goldwing na automatic transmission. Member sya ng isang bikers group sa Las Vegas. Dahil retired na, madalas siya magbyahe sa malalayong lugar sa America tulad ng Milwaukee, New York, Sturgis sa South Dakota, hanggang Calgary sa Canada ay nakakarating din gamit ang motorsiklo via Northern California pauwi ng Las Vegas. Matagal din ang byahe, abot ng tatlong linggo.





















Kuha ito sa Red Rock Mountain









Pinipilahan ang restaurant na specialty ang mexican cuisine , tacos, burrito na ito sa Las Vegas recommended ni Gelay.  Masarap nga na malalaki ang servings.






Jan 6, 2020  Manhattan, New York City


Pagkatapos ng 4 na araw sa Las vegas ay pumunta naman ako ng New York para bisitahin si Steve at si Charis sa kanilang place sa Manhattan, New York.

Dumating ako ng 7pm dahil advance ng 8 hrs ang time zone ng east coast. Sa loob ng 5 days marami ako nabisita at napasyalan ulit pagkaraan ng maraming taon noong 1995 ang huling nakating ng New York City.





Charis & Steve Place in Manhattan, New York













Shake Shack Burger at Madison Square Park near Grand Lodge of New York






  

At Katz Delicatessen New York with Charis








January 10, 2021

Sagittarius Rises

Habang naghihintay ng lipad ng eroplano PAL 114 papuntang San Francisco, nakakasaya din ng damadamin kapag maraming nakikitang tao na ibat -iba ang kasootan ng mga ibang lahi.

Marami ang oras ng aking paghihintay bago lumipad ang panggabing byahe na 7:45pm dahil mahusay nag nasakyan ko na grab driver na Alam ang mga dadaan na hindi matrapik-ang aga nakarating at nakapag check-in kaya inuubos ang oras sa pagsusulat ng kahit na walang kwentang topic sa pamamagitan nitong cellphone na Huawei..




March 22, 2020

Day 6 Lockdown in Manila

Nagsimula ang lockdown sa NCR noong March 15 kaya  nagkaroon na ng mga check points sa mga entry points ng nasa perimeter city.

January 17, 2020

Kapangyarihan ni Pluto sa Konstelasyon ng mga Kambing o Capricornius

Masalimuot ang buhay ni Pluto na may pangalan na Hades sa Mitolohiya ng mga Griyego.  Ang kasalukuyang astrolohiya ay ginagamit ang mga planeta na ipinangalan sa Roman Mythology. Halimabawa, si Saturn ay isang disiplinador at asawa ni Ops ay ama nina Jupiter, Neptune, Pluto, Ceres, Juno at Vesta.

Dahil sa hula na aagawin sa kanya ang kanyang kapangyarihan ng isa sa mga anak nito, isa isang nilunok niya ang ang kanyang mga anak maliban kay Jupiter na itinago ng kanyang ina noong siya ay maliit pa.

Noong lumaki na si Jupiter, inaway niya si Saturn na kanyang ama at sapilitang ipinaluwa ang kaanyang mga kapatid. Dahil ditto, nahati ang mga kapangyarihan ng mga Titans sa pamamahala ni Jupiter ang kalangitan, Neptune sa karagatan, at kay Pluto ang kalaliman ng mundo o tinatawag na underworld kasama ang kadiliman.

Ang inpluwensya nila sa sangkatauhan ang mga sumusunod:

Jupter : dahil siya ang pinakahari, siya ang nagbibigay ng magagandang swerte, magandang buhay at              mayamang kapaligiran sa sangkatuhan.  Kaya kung maganda ang location nito personal birth               chart, ay makakaasa ng maganda ta mayamang buhay.

Saurn :  disiplina para matutuhan ang tamang galawa ng buhay

Pluto :   pinamamahalaan ang kadiliman, materyalismo, pagbabago at kamatayan

Neptune:  malalim na kaisipan at lahat ng may kinalaman sa mental na kagalingan

Ceres;

Juno:   ang posibilidad at ang nakatadhana na tamang partner sa buhay

Vesta


Pluto in Capricorn :   November 26, 2008 - May 23, 2023

Ito ang epekto sa akin noong ang platetang Pluto ay pumasok na sa 2nd House ng aking birth chat sa Capricorn.

Pluto ay sa ikalawang bahay sa iyong chart, na ibinigay ang ito na hilaw na kapangyarihan ng pagbabago, ang placement na ito ay maaaring gumana para sa o laban sa iyo. Ito ay maaaring magresulta sa isang napakalalim palayok ng ginto at kasaganaan o ito ay maaaring punasan out ka. Maaaring pareho rin ito. Ang isang pulutong ay depende sa kalagayan ng iyong sariling kamalayan at kung paano mo ilapat ang nalalaman mo. Ang hamon ay hindi upang payagan ang pagkuha ng pera at materyal na mga kalakal upang maging isang dulo sa kanilang sarili.
Sa mga partikular na kalagayan, maaari kayong magkaroon ng natatalaga na pagnanasa para sa mga materyal na pag-aari. Ang bank account ay maaaring ang tanging bagay na maaari mong talagang tiwala sa iyo upang makakuha ng higit pang kayamanan, dahil ito ay gumagawa sa tingin mo ligtas. Muling pag-isipan ang iyong saloobin sa pera at mga ari-arian at pag-isipan ang kahulugan nito sa iyo.

Pluto sa ikalawang bahay ay maaaring malagot ang lahat ng iyong mga fantasies ng kayamanan. Marahil ang karanasan ay pipilitin kayong matuto destakamento sa gayon ay ituro sa inyo ang kahalagahan ng buhay sa tahanan. Ang matitinding karanasan sa aspetong ito ay magpapabago sa buong pananaw ninyo sa buhay. Ito ay ang iyong kapalaran sa karanasan kapwa kayamanan at kahirapan. Ang pagbibigay sa iyong pangangailangan para sa seguridad ay gumawa lamang ng destakamento mas masakit. Watch out na hindi mo maling paggamit ng iyong mga pondo o subukang bumili ng tao. May tunay na panganib ng tukso na bigyang-kasiyahan ang iyong kapangyarihang magutom sa pamamagitan ng pagmamanipula sa mga tao ng pera, pagsamba sa katayuan ng buhay o brodkas sa panlilinlang. Ang pag-aaral ng mga aralin Pluto ay makakatulong sa iyo na gamitin ang paraan na mayroon ka para sa kapakinabangan ng sangkatauhan at baguhin ang basura ng lipunan sa mga treasure



May Akda:

Si Gabriel Comia Jr ay isang Astrologer ng makabagong panahon, at isa din siyang Mason. 







January 14, 2020

Ang Obelisko sa Central Park ng New York

Mahiwaga ang buhay. Marami itong mga pangitain na kung titingnang mabuti ay malalaman ang ibig sabihin.

New York, Enero 6, 2020

Lagpas na ng alas singko ng hapon ng dumating ako ng JFK Airport sakay ng Delta Airlines mula Las Vegas na inabot din ng limang oras ang byahe pero maaga pa rin dahil sa time zone difference na nauuna ang New York ng ilang oras.

Siguro  dahil sa bombahan sa Iraq ay maraming NYPD sa airport dahil sa police alert. Nahirapan ako gamitin ang Uber app na laging  askingfor verification kaya pumunta na lang ako sa taxi stand. Hindi naman mahal ang taxi kumpara sa Uber price na may mga sharing passenger pa pero sobra mahal kung iko convert sa piso na umabot ng 70usd kasama na tip,  70 x50 =3,500 pesos din hanggang sa 74th street Manhattan.

Kahit pagod sa trabaho ay kaagad na iniikot ako ni Charis na tinuruan nya ako kung paano sumakay sa subway saka ino orient din nya ako ng mga  kalye sa Manhattan na east west ang direksyon. Mahusay ang nagplano ng mga kalye sa  New York. Madali itong makabisa dahil naka orient lahat ang mga kalsada  sa compass.

Hindi naman ako bagong salta sa New York. Noong maliliit pa sila ay nagbakasyon na rin ako kasama ang pamilya noong Spring ng 1995. Hindi masyadong malamig noon na di tulad ngayon na nakahanda talaga ang mga damit kong panlamig na patong patong.

Bago matulog ay nagsulat na ako ng mga pupuntahan at papasyalan tulad ng  isang turista. Mauuna ang central park na hindi kalayuan at walking distance lamang puntang east side ng 74th street.

Obelisko sa Centra Park








Maaga akong gumising.  Naligo kahit malamig at binalot ang katawan ng makakapal na damit. Doble ang pantalon na  thermal, doble din ang medyas, Dr Martens boots, 2 thermal shirt, at isa pang long sleeve t-shirt, Jacket na makapal na close neck, scarp na pangpa init ng leeg, bennie, gloves, saka dark shades.

Gamit ang google map, madali kong narating ang park at hinanap ko kung saan nakatayo ang obelisko. Hayun at nasa isang talampas na nagso solong nakatayo.

Ang obeliskong monument sa Central Park, New York  na tinatawag na Cleopatra Needle ay  mahigit na 3,000 taon na ay may taas na 69 ft at bigat na 244 tonelada. Ito ay isa sa dalawang obelisk na itinayo noong ika 30 taon ng  pamamahala ni Pharaoh Thutmose lll. Noong taong 18 CE  pagkatapos ng matagal na pagkawala dahilan sa mga gyera ng kingdom,  natapuan ang dalawang obelisko at dinala sa Alexandria na kung saan ay itinayo sa tinawag na lugar Cleopatra Caesarium.

Noong 1879, inialok ito sa US ng Egypt bilang tanda ng mabuting pananampalataya upang makatulong na pasiglahin ang mga relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Ang kakambal nitong obelisko ay napunta naman sa London at nakatayo sa banks ng River Thames.




Natuwa ako at namangha. Pakiramdam ko ay nasa kapanahunan ako ng mga Pharaoh sa Ehipto libong taon na ang nakaraan. Matagal akong umikot-ikot at nagmuni-muni. Kumuha ng mga larawan at isa isang binasa ang mga hieroglyphics na naka ukit sa mga surfaces nito.

Pagkaraan ng isang oras ay naisipan kong gumawa ng isang isang ritwal na patungkol sa Diyos na tinatawag at pinapapurihan ang kanyang  pangalan ss apat na sulok ng daigdig at unibeso.

Pagkatapos, namasyal na rin ako sa loob ng park kahit sobrang ginaw at nangangatog ang baba. Napakalawak na park kaya naisipan kong mamahinga sa upuan na nasa gitna at mayroong skuptura ng tatlong oso.



Sculptura ito ni Paul Manship  (1885 - 1965)  na tinaguriang Group of Bears





Habang nakaupo ako sa bench sa may likuran, may napansin ako na makintab na bagay sa  aking tinatapakan kaya dinampot ko ito na parang chain ng mga 5 pointed stars - isa palng dangling na hikaw na mga stars ang palawit.  Bigla akong tumayo at tiningnan ko ang napansin ko na vine sa paanan ng tatlong bears, pareho na mga leaves na 5 pointed stars din ang hugis.

Bigla akong napaluha, napatingin sa Obelisko ng mga Pharoh na ginamit din ni Cleopatra na para bang sinasabing huwag kang mag -alala sa tatlong anak mo, nasa harapan nila ang gintong vines na pahiwatig na hindi na sila maghihirap sa kanilang mga buhay.


May Akda:

Si Gabriel Comia, Jr ay isang mag-aaral ng mistisismo at isang manunulat na manlalakbay.












 








Gab in 2025 .12 .12

Thanksgiving for All Souls I Have Met on My Journey December 12, 2025 Great Architect of the Universe, Divine Source of all paths and all de...