Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2018

Pakudos, simbolo ng sinaunang misteryo ng Hanunuo Mangyan at ang Norse Mythology

Ang mga Vikings  ay mga manlalakbay na barbarong mananakop ng mga bansa sa  Europa  noong ika-9 hanggang ika-12 siglo. Gamit ng mga bangka, naglakbay sila lagpas ng  Constantinople , ang  Ilog Volga  sa  Rusya  at ilang pulo sa  Iceland ,  Greenland , Norway, Sweden sa Scandinavia, America, {nauna pa kay Columbus} hanggang sa malayong Asya. May posibilidad na nakarating sila sa bansa ng Ma-i, https://tl.wikipedia.org/wiki/Ma-i ,  gamit ang mga bangka para kumuha nang mga alipin o makipagkalakalan sa mga katutubong Mangyan na naninirahan sa Mindoro noong mga panahon na iyon kaya nakita o naibahagi nila ang kanilang natatanging kaalaman sa mistika at sinaunang simbolo.  Tingnan ang mga pagkakahawig ng mga disenyo. 1.  Pakudos      circa 900 AD, Hanunuo Mangyan, Mindoro Island, Philippines https://en.wikipedia.org/wiki/Pakudos#/media/File:Pakudos.svg Napakakaunting nakasulat na mga dokumento...

Ezekiel 47:12 Mga Prutas para sa Pagkain, Mga Dahon gamot sa Sakit

Bigla na lamang nakaramdam ako ng pananakit ng kasukasuan ng gitnang daliri na sintomas siguro ng gout or anthritis na karaniwang umaatake pag mataas ang uric acid ng dugo dahilan sa pagkain ng matatabang pagkain tulad ng karne ng baboy, beef o mga iba pang meat products. Masakit pala ang gout, hindi mahawakan at maigalaw man lang ang buong kamay kahit na gitnang daliri lamang ang apektado. Grabe sa sakit kaya hinanap ko sa internet kung ano ang pwedeng panlunas dito. Wala palang panlunas dahil nakukuha ito sa pagkain ng mga karne ng baka, tupa, baboy, at iba pa na hindi kayang tunawin ng kidney. Siguro dahil may edad na kaya mabagal na mag function ang kidney at pancreas na siyang nagtratrabaho para sa pagsasala ng ibat ibang pagkain na pumapasok sa katawan. Masakit talaga kaya naghanap ako ng gamot for temporary relief. Nabasa ko ang ibuprofen for anti imflamatory na ang isang brand name ay Advil 200mg softgel capsule. Maayos naman ang resulta dahil wala na ang matinding...

The Paradox of the Haves

Kabubukas pa lang ng isang membership grocery superstore sa tabi ng Ayala Alabang Village kaya maraming sasakyan ang nakaparada at pati sa mga  gilid ng kalye na nakapalibot dito. Halos dikit dikit ang mga sasakyan na sa pagpasok ay sobra ng trapik. Maraming 4x4 SUV  at iba pang malalalaking sasakyan na sa tingin ko ay mga mamahalin  ang presyo ng mga ito. Bakit kaya maraming 4x4 pick-up at SUV  na mga sasakyan sa  Metro Manila na hindi naman ginagamit sa bundok o sa mga malalayong byahe na disyerto o malalakas na hangin na highway. Dahil ba mahal ito at status symbol kung naka Range Rover o Lexus SUV?  Sa mga malalaking bansa tulad ng Amerika, Europa, or Middle East, kailangan ang 4 x4 dahil normal ang magbyahe ng  libo libong kilometro sa napalawak nitong mga lupain. Pero sa Metro Manila ang kadalasang layo ng takbo ay 25 kilometro mula Alabang hanggang Makati na kaya lamang tumatagal ang byahe ay dahil sa siksikan sa napakaliit na...

Ang love story ni Anya

Magandang babae si Anya. Makinis at mamula-mula ang balat.  Maganda ang tindig at balingkinitan. Labing apat na buwan na kaming magkasama at magkasundong  magkasundo. Wala siyang pakialam kahit na ano ang gawin ko pero minsan ay makulit din at nakaka-inis. Madalas kaming lumabas kapag naiinip na sa bahay. Magkasabay na naglalakad at tahimik lang at walang reklamo. Malambing at panay din ang yakap kapag hinahawakan ko. Pero, k apag pinakawalan, nakikipag-amuyan na siya sa ibang aso kaya pagkatapos ay kailangang paliguan  dahil amoy aso na..ano pa nga ba ang amoy kundi aso..hehehe. Nitong mga nakaraang araw, ang hirap pabalikin kahit anong tawag ko at kapag nakakakita ng lalaking aso ay sumasama kaagad at nakikipagharutan. Sguro gustong magka boyfriend dahil laging nagwawala at tahol ng tahol. Ang bf ni Anya na torete Minsan nakita kong madalas na nakikipayakapan sa nakilala nyang aso si Tisoy na balbon, yong nasa picture sa itaas, at dahil ...

Astrolohiya Part 2 : Chinese Astrology

"Ayon sa astrolohiya ng Intsik, ang tadhana ng isang tao ay maaaring matukoy ng posisyon ng mga pangunahing planeta sa kapanganakan ng tao kasama ang mga posisyon ng Araw, Buwan, kometa, oras ng kapanganakan ng tao, at Zodiac Sign. Ang sistema ng labindalawang taon na pag-ikot ng mga palatandaan ng hayop ay itinayo mula sa mga obserbasyon ng orbit ng Jupiter (ang Buwan ng Taon; pinasimpleng Tsino: Karaniwang Intsik: 歳 星; pinyin: Suìxīng). Kasunod ng orbit ng Jupiter sa paligid ng araw, hinati ng mga astronomong Tsino ang lupong selestiyal sa 12 mga seksyon, at pinalitan ito sa 12 taon (mula 11.86). Ang Jupiter ay nauugnay sa konstelasyon ng Sheti (pinasimpleng Intsik: tradisyonal na Intsik: 攝 提 - Boötes) at minsan ay tinatawag na Sheti. Ang isang sistema ng pag-compute ng kapalaran at tadhana batay sa kaarawan, panahon ng kapanganakan, at mga oras ng kapanganakan, na kilala bilang Zi Wei Dou Shu (pinasimpleng Intsik: 微 微 ǒ ǒ ush ush))))) Star Astrology, ay ginagamit pa rin re...

Astrolohiya..isang pag-aaral.

Ang  astrolohiya   ay ang pag-aaral ng mga  bituin  upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap. Tumutukoy ito sa ilang mga sistema,  tradisyon  o  paniniwala  na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga  bagay sa kalangitan  ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig. Tinatawag ang nagsasanay sa astrolohiya bilang  astrologo    (nagiging  astrologa  kung babae) o, hindi gaanong madalas na ginagamit,  astrolohista . Nagmula ang salitang "astrolohiya" mula sa salitang  Griyego  na αστρολογία, hinango mula sa άστρον,  astron , "bituin" at λόγος,  logos , na may iba't ibang kahulugan - pangkalahatang may kaugnayan sa "sistematikong pag-iisip o pananalita". Para sa iba,ang astrolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga bituin,planeta at iba pang buntala upang ...