March 25, 2018

Ezekiel 47:12 Mga Prutas para sa Pagkain, Mga Dahon gamot sa Sakit

Bigla na lamang nakaramdam ako ng pananakit ng kasukasuan ng gitnang daliri na sintomas siguro ng gout or anthritis na karaniwang umaatake pag mataas ang uric acid ng dugo dahilan sa pagkain ng matatabang pagkain tulad ng karne ng baboy, beef o mga iba pang meat products.

Masakit pala ang gout, hindi mahawakan at maigalaw man lang ang buong kamay kahit na gitnang daliri lamang ang apektado. Grabe sa sakit kaya hinanap ko sa internet kung ano ang pwedeng panlunas dito. Wala palang panlunas dahil nakukuha ito sa pagkain ng mga karne ng baka, tupa, baboy, at iba pa na hindi kayang tunawin ng kidney. Siguro dahil may edad na kaya mabagal na mag function ang kidney at pancreas na siyang nagtratrabaho para sa pagsasala ng ibat ibang pagkain na pumapasok sa katawan.

Masakit talaga kaya naghanap ako ng gamot for temporary relief. Nabasa ko ang ibuprofen for anti imflamatory na ang isang brand name ay Advil 200mg softgel capsule. Maayos naman ang resulta dahil wala na ang matinding sakit at mabilis na ulit akong magtype sa laptop.

Sa pagbabasa ko ng mga ibat -ibang artikulo tungko sa sakit, napunta ako sa sinasabi sa bibliya sa tamang pagkain ng tao para sa magandang kalusugan para mapahaba ang buhay ng walang karamdaman. Sa Ezekiel 47: 12

" Sa tabi ng bangko ng ilog, sa dakong ito at iyon, ay lalago ang lahat ng uri ng mga puno na ginagamit para sa pagkain; ang kanilang mga dahon ay hindi malalanta, at ang kanilang bunga ay hindi mabibigo. Mamumunga sila tuwing buwan, sapagkat ang kanilang tubig ay dumadaloy mula sa santuwaryo. Ang kanilang bunga ay para sa pagkain, at ang kanilang mga dahon para sa gamot."

Ibig sabihin na mga prutas ang siyang tamang pagkain ng mga tao sa mundo sapagkat iingatan nito ang katawan sa sakit para sa magandang kalusugan. At kung magkasakit man ay ang mga dahon nito ang siyang tamang panlunas. 

Halimbawa ang  mga dahon ng:

Chico



Ang iba’t ibang bahagi ng halamang chico ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
  • Ang dahon ng chico ay may taglay na alkaloid, sapotin, fixed oil at iba pa.
  • Ang bunga naman ay mayroon ding sapotin. Taglay din nito ang saccharose, dextrose, at levulose.
  • Ang maitim na buto ay mayroon namang sapotin, saponin, achrassaponin, fixed-oil, at sapotinine
  • Ang balat ng kahoy ay makukuhanan ng sapotin, saponin, at tannin
  • Ang katas ng bunga nito ay mayaman naman sa mga asukal, protina, vitamin C, phenolics, carotenoids at mga mineral gaya ng iron, copper, zinc, calcium at potassium

Mangga

1. Ubo. Mabisa para sa ubo ang pag-inom sa inumin na nilagyan ng murang dahon ng manga.
2. Pagtatae. Ginagamit naman na panlunas para sa pagtatae ang pinaglagaaan ng balat ng kahoy at buto ng manga. Maaari ding gamitin ang pinaglagaan ng ugat ng manga. Ang pag-inom sa katas ng dinikdik na dahon ay may kapareho ring epekto.
3. Pagkawala ng boses. Makatutulong para sa panunumbalik ng nawalang boses ang pinaglagaan ng dahon ng manga. Maaari din itong ihalo sa pulot o honey at inumin na parang tsaa.
4. Galis sa balat. Maaring gamutin ang pagsusugat at pangangati ng balat na dulot ng galis sa pamamagitan ng paglalagay ng langis na hinaluan ng dagta mula sa balat ng kahoy ng manga.
5. Diabetes. Ang sakit na diabetes ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tubig na hinaluan ng dinurog na tuyong dahon ng mangga. O kaya naman ay pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang dahon ng manga.
6. Paso. Ang abo naman ng sinunog na dahon ng manga ay mabisa para sa mga sugat at paso.
7. Bulate sa sikmura. Mabisa ding pangontra sa bulate sa sikmura ang pagkain sa loob na bahagi ng buto ng hilaw na manga.
8. Hika. Nakatutulong din ang pinulbos na buto ng manga para sa mga sintomas na nararanasan dulot ng hika.

Guyabano
1. Pagtatae. Ang hilaw na bunga ng guyabano ay maaaring  gamitin para sa kondisyon ng pagtatae. Maaari din gamitin ang katas ng hinog na bunga ng guyabano.
2. Lisa at kuto. Ang paghuhugas sa ulo na apektado ng lisa at kuto gamit ang pinaglagaaan ng dahon ng guyabano. Mabisa rin ang paggamit sa pinulbos na buto ng guyabano.
3. Pamamanas ng paa. Maaaring ipantapal o ipang hugas ang pinaglagaan ng dahon upang mapahupa ang pamamaga ng paa.
4. Eczema. Ang implamasyon sa balat ay maaari ding mapahupa sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng guyabano.
5. Rayuma. Mabisa para sa pananakit ng mga kasukasuan ang pagpapahid ng langis mula sa dahon ng guyabano at hilaw na bunga nito.
6. Diabetes. Makatutulong para sa sakit na diabetes ang pinaglagaan ng ugat, balat ng kahoy at dahon ng guyabano.
7. Kanser. May ilang pag-aaral na isinagawa na nagpapatunay na mabisa ang katas ng bunga ng guyabano, pati na ang pinaglagaan sa pagpigil ng pagkalat ng cancer cells sa katawan.
8. Sipon. Ang matinding pagtulo ng sipon ay maari namang malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng guyabano. Maari din gamitin ang bulaklak para sa kaparehong epekto.

Bayabas
1. Ulcer. Ang pagkakaroon ng ulcer sa sikmura ay matutulungang mapagaling nang mas mabilis sa tulong ng pag-inom ng pinaglagaan ng dahon ng bayabas.
2. Sugat. Mabilis din ang paghilom ng mga sugat kung tatapalan ng dinikdik na dahon ng bayabas. Mahusay din ang paghuhugas sa sugat gamit ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
3. Pananakit ng ngipin. Maaaring nguyain ang murang dahon ng bayabas upang mabawasan ang pananakit ng ngipin. Dapat ding isiksik sa bulok na ngipin ang nginuyang dahon.
4. Pagtatae. Makatutulong ang pag-inom sa pinaglagaan ng tinadtad na dahon ng bayabas, o kaya pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. May bisa din ang pinaglagaan ng murang bulaklak ng bayabas.
5. Pamamaga ng gilagid. Ang pamamaga naman ng gilagid ay maaring mapahupa ng pagmumumog sa pinaglagaan ng ugat at balat ng kahoy ng bayabas. Makatutulong din ang pagnguya ng murang dahon ng bayabas.
6. Rayuma. Ang pagtatapal ng dinikdik na dahon ng bayabas sa mga apektadong bahagi ng katawan ay makababawas sa pananakit dulot ng rayuma.
7. Hirap sa pagdumi. Ang bunga ng bayabas na ginawang jelly ay makatutulong sa pagpapadalit ng pagdumi.
8. Epilepsy. Ang katas ng dinikdik na dahon ng bayabas ay mabisa din sa pagpapahupa ng sintomas ng epilepsy.
9. Bagong tuli. Kilalang ginagamit ang pinagnguyaan ng dahon ng bayabas sa mabilis na pagpapagaling ng sugat sa bagong tuli.
10. Bagong panganak. Ginagamit din ang pinaglagaan ng dahon ng bayabas sa paghuhugas sa puerta ng babae na bagong panganak. Makatutulong ito sa mas mabilis na paghilom ng sugat.
http://kalusugan.ph/halamang-gamot-bayabas/


Langka





ack fruit has two main reason to prevent colon cancer
1. Jack-fruit has an antioxidant property
2. Jack-fruit rich in fiber.
One cup of jack-fruit contains 3 grams of dietary fiber, produces peristaltic motion and increases the gastric juice secretion. These gastric juice helps in quick and easy digestion, thus avoids constipation problem or Piles problem. Flushing waste and keeping clear in the colon, keeps the intestines and digestive system free from toxins.
clears the colon from toxins ,keeps the colons healthy that help in protecting the colon from colorectal cancer. Jack-fruit also prevent ulcers and many other disorders such as formation of haemorrhoids, painful passing of stool ,anal bleeding.
Cancer cell/radical originates mainly in the areas where there is no oxygen. Antioxidant property helps in supplying excess oxygen all over the blood cells that reduces the growth of cancer cells.
Jack fruit contains phytonutrients such as saponins, isoflavanes and lignans that fight against cancer causing free radicals.
Antioxidants present in Jack fruit arrest the leukemia cells formation in the colon. Jack fruit has an antioxidant property ,minimizing the risk of colon cancer.

-- At marami pang ibang prutas na halamang gamot para sa kalusugan

March 18, 2018

The Paradox of the Haves



Kabubukas pa lang ng isang membership grocery superstore sa tabi ng Ayala Alabang Village kaya maraming sasakyan ang nakaparada at pati sa mga  gilid ng kalye na nakapalibot dito. Halos dikit dikit ang mga sasakyan na sa pagpasok ay sobra ng trapik. Maraming 4x4 SUV  at iba pang malalalaking sasakyan na sa tingin ko ay mga mamahalin  ang presyo ng mga ito.


Bakit kaya maraming 4x4 pick-up at SUV  na mga sasakyan sa  Metro Manila na hindi naman ginagamit sa bundok o sa mga malalayong byahe na disyerto o malalakas na hangin na highway. Dahil ba mahal ito at status symbol kung naka Range Rover o Lexus SUV?  Sa mga malalaking bansa tulad ng Amerika, Europa, or Middle East, kailangan ang 4 x4 dahil normal ang magbyahe ng  libo libong kilometro sa napalawak nitong mga lupain. Pero sa Metro Manila ang kadalasang layo ng takbo ay 25 kilometro mula Alabang hanggang Makati na kaya lamang tumatagal ang byahe ay dahil sa siksikan sa napakaliit na kalsada. Ayon sa statistics,  90% ng buong kabuuan ng mga sasakyan sa Pilipinas  ay nasa Metro Manila na pinagkakasya sa 2% lang ng kalye kaya pag nagka sabay-sabay sa labas ay wala ng galawan ang trapiko.


Nainganyo na rin ako na  makisali at maki usyoso kung ano ang meron, kaya nakipila sa caltex gas station na nasa loob ng compound. Kaya pala pila, ay may discount na P10 kada litro kapag bumili at nagpakarga ng gasolina kung may membership card ng superstore. Hanggang tatlong araw lamang ang promo kaya nakisabay na rin ako para  makatipid din ng 300 pesos sa  full tank.

Nauuso na ang mga membership club supermarket. May isang nauna na membership din na pereho ang set up. Maganda at maluwang ang paligid at saka kakaiba ang nabibili kumpara sa mga karaniwang supermarket. Mapapansin na ng mga namimili ay halatang hindi babad sa araw ang mga kutis na kung meron man ay halatang nag sun bathing o galing kay Belo.



Mga Komento.

  1. Bakit ganon, kailangan pa ang membership para lamang makabili. Dahil ba nakakamura kung maramihan ang bibilihin o gusto lamang na mga exclusive patrons ang pwedeng mamili para sosy ang dating.
  2. Malalaki at maramihan ang pack, kaya mapipilitan ka ng ubusin kaagad o lutuin ang mga nabili dahil baka masira kung pagtatagalin ang stock.
  3. Ganon ang reyalidad ng buhay, dahil maraming pera, tiyak marami pambili ng masasarap at matatabang pagkain na sasabayan ng maraming gamot na pangontra o pang pababa ng alta presyon halimbawa.
  4. Kapag mataba na at naglalakihan na ay maghahanap naman ng mga salon o diet program na pang pangpapayat.
  5. Sabi nga ni Ralph na anak ni Roy,  bakit magpapayat  e ang tagal na pinaghirapan na kumain at patabain ang sarili tapos aalisin lang..aba ay malaki na namang gastusan at pawis para bumilog uli..hehehe
  6. Kain ng kain tapos magrereklamo dahil maraming sakit..ang solusyon ay dapat tumigil kumain ng marami.
  7. Ipon ng ipon ng pera pero pagtanda ay pangpapagamot lang ng kanser o rayuma.
  8. Nagtitipid sa diesel at gasolina pero ang laki naman ng SUV na pang porma.
..May karugtong pa









March 13, 2018

Ang love story ni Anya




Magandang babae si Anya. Makinis at mamula-mula ang balat.  Maganda ang tindig at balingkinitan. Labing apat na buwan na kaming magkasama at magkasundong  magkasundo. Wala siyang pakialam kahit na ano ang gawin ko pero minsan ay makulit din at nakaka-inis.

Madalas kaming lumabas kapag naiinip na sa bahay. Magkasabay na naglalakad at tahimik lang at walang reklamo. Malambing at panay din ang yakap kapag hinahawakan ko. Pero, kapag pinakawalan, nakikipag-amuyan na siya sa ibang aso kaya pagkatapos ay kailangang paliguan  dahil amoy aso na..ano pa nga ba ang amoy kundi aso..hehehe.

Nitong mga nakaraang araw, ang hirap pabalikin kahit anong tawag ko at kapag nakakakita ng lalaking aso ay sumasama kaagad at nakikipagharutan. Sguro gustong magka boyfriend dahil laging nagwawala at tahol ng tahol.



Ang bf ni Anya na torete

Minsan nakita kong madalas na nakikipayakapan sa nakilala nyang aso si Tisoy na balbon, yong nasa picture sa itaas, at dahil sa dalas magkasama ay mukhang bf na nya. Madalas silang naghahalikan at nagyayakapan  pag  nagkikita. Laging nagsasampahan pero wala namang nangyayari.

Dahil virgin pa si Anya, hindi sya maka penetrate kahit paulit-ulit ang pagsampa, sguro  dahil mestiso at malaki ang pagka aso kaya hirap kapag yumakap. Torete talaga sya kung papaano makaka score kaya paikot ikot at yakap ng yakap.{ Torete ang kanta sa kanya }

Naisahan ang bf ni Anya

Noong isang araw nakita ko na lamang na may kakambit na bagong aso si Anya. Nang tingnan ko  ay hindi si Tisoy kundi bagong aso na kamukha nya,  orange din ang balahibo at itim din ang mukha  at malaki ding aso.  Naku, naisahan si Tisoy  iba ang nakavirgo kay Anya..hehehe.


                                                            Ito yong naka isa kay Anya

Patuloy pa rin na nagkikita sila ni Tisoy pag may pagkakataon dahil torete na talaga pero ayaw na siya patulan ni Anya, siguro hindi na sya type. Hindi naman makabalik si new bf dahil bantay sarado si Tisoy na nagagalit pag lumalapit.

__________________________________

Pagbubuntis ng aso

Ayon sa research ko sa  Internet, ang pagbubuntis ng aso mula conception ay 6O to 7O days depende sa ovulation period  kaya maaring sa loob ng dalawang buwan ay marami na lalong mag ngangat-ngat ng mga gamit ko, celphone charger, electrical wires, papel at mga power bills na pinipiraso ng malilit hindi pa kasama ang maraming gasgas sa sasakyan dahil sa pagdamba nito.

Ang normal na pagbubuntis panahon sa aso ay humigit-kumulang 63 araw mula sa paglilihi, bagaman ito ay maaaring mag-iba sa pamamagitan ng ilang mga araw. Bagaman ito ay tila tulad ng isang tapat na sagot, ang pagsipi ay kadalasang mahirap matukoy. Ang tamud ay maaaring mabuhay sa loob ng ilang araw sa loob ng babae, at ang mga itlog ay maaaring manatiling malusog hanggang sa 48 oras, na nangangahulugan na ang pagkilos ng mating mismo ay hindi isang eksaktong sukat ng pagbubuntis. Ginagawa nitong mahirap hulaan ang haba ng pagbubuntis nang walang tulong ng isang manggagamot ng hayop.

Ang mga sukat ng hormone ay nagbibigay ng mas tumpak na frame ng panahon para sa pagbubuntis. Maraming breeders ang gumagamit ng vaginal smears at mga pagsusuri ng dugo upang subaybayan ang mga hormones sa reproductive sa panahon ng proseso ng pag-aanak. Nakakatulong ito sa kanila na matukoy ang pinakamainam na oras upang lahi ang kanilang asong babae, pati na rin ang haba ng pagbubuntis at ang potensyal na takdang petsa.

Haba ng pagbubuntis ayon sa tumpak na sukat ng hormone:

56-58 araw mula sa unang araw ng diestrus
64-66 araw mula sa paunang pagtaas ng progesterone
58-72 araw mula sa unang pagkakataon na pinapayagan ng asong babae ang pag-aanak

Ang pagbubuntis sa mga aso ay medyo maikli kung ihahambing sa mga tao, mga 9 na linggo ang kabuuang, at bawat araw ay mahalaga. Ang kaalaman sa haba ng panahon ng pagbubuntis ay mahalaga para sa kalusugan ng mga buntis na asong babae at mga tuta at ginagamit upang masubaybayan ang nutrisyon at beterinaryo na pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis.

May karugtong..ang mga anak ni Anya!

March 12, 2018

Astrolohiya Part 2 : Chinese Astrology

"Ayon sa astrolohiya ng Intsik, ang tadhana ng isang tao ay maaaring matukoy ng posisyon ng mga pangunahing planeta sa kapanganakan ng tao kasama ang mga posisyon ng Araw, Buwan, kometa, oras ng kapanganakan ng tao, at Zodiac Sign. Ang sistema ng labindalawang taon na pag-ikot ng mga palatandaan ng hayop ay itinayo mula sa mga obserbasyon ng orbit ng Jupiter (ang Buwan ng Taon; pinasimpleng Tsino: Karaniwang Intsik: 歳 星; pinyin: Suìxīng). Kasunod ng orbit ng Jupiter sa paligid ng araw, hinati ng mga astronomong Tsino ang lupong selestiyal sa 12 mga seksyon, at pinalitan ito sa 12 taon (mula 11.86). Ang Jupiter ay nauugnay sa konstelasyon ng Sheti (pinasimpleng Intsik: tradisyonal na Intsik: 攝 提 - Boötes) at minsan ay tinatawag na Sheti.

Ang isang sistema ng pag-compute ng kapalaran at tadhana batay sa kaarawan, panahon ng kapanganakan, at mga oras ng kapanganakan, na kilala bilang Zi Wei Dou Shu (pinasimpleng Intsik: 微 微 ǒ ǒ ush ush))))) Star Astrology, ay ginagamit pa rin regular sa modernong-araw na astrolohiya ng Intsik upang makilala ang kapalaran ng isa. Ang 28 konstelasyong Tsino, Xiu (Tsino: 宿; pinyin: xìu), ay medyo naiiba mula sa mga konstelasyong Western. Halimbawa, ang Big Bear (Ursa Major) ay kilala bilang Dou (Tsino: 斗; pinyin: dǒu); ang sinturon ng Orion ay kilala bilang Shen (pinasimpleng Intsik: 参, tradisyonal na Intsik: 參; pinyin: shēn), o ang "Happiness, Fortune, Longevity" na trio ng mga demigod. Ang pitong hilagang konstelasyon ay tinutukoy bilang Xuan Wu (Tsino: 玄武; pinyin: xuánwǔ). Xuan Wu ay kilala rin bilang ang espiritu ng hilagang langit o ang espiritu ng Tubig sa Taoism paniniwala."..wikipedia


Taiwan, June  2017




Noong magpunta ako sa Taiwan noong June 2017 para sa isang business trip, naisip ko na yayain ang dalawang kaibigang Taiwanese na pumunta sa night market  para maghanap ng chinese astrologer na marunong magbasa ng kapalaran.  Dahil may alam din ako ng kaunti sa pagbabasa ng chinese astrology, madali ko naintindihan ang sinasabi at sinusulat ng babaing manghuhula. Mahusay at magaling magbasa ng zi wei do shu  na sinusulat nya sa pinilas na notebook. May tinitingnan din syang annals na basis para sa mga animal signs. HIndi sya marunong magsalita ng english pero mabuti na lang may kasama ako ng nag iinterpret sa akin ng ibig sabihin.










Puro positive reading lang ang sinabi, typical na sinasabi nang mga astrologer na tulad ko. Hindi pwedeng magsabi ng mg negatibong nakikita at nararamdaman dahil baka sobrang damdamin ng nagpapabasa. Maganda daw ang kapalaran ko dahil masusunod ang mga gusto ko sa buhay pa dahil ipinanganak ako sa taon ng water dragon, buwan ng water rat, araw ng water dragon, at oras ng water tiger...puro water ang Dec 12, 1952, 5am.

Ito ang aking Zi Wei Dou Shu

https://ziwei.asia/Zi_Wei_Natal_Chart/Flying_Stars_Chart/Zi_Wei_Chart_Round.php?yX1012=07lp6NbZISZpHzWht9HkNjwqJL4eld85fkSy_Lk2NjM&ll=en#




Ang nasa itaas ay ang locations ng mgabituin at planeta noong ako ay ipinanganak. Bawat planeta at bituin ay may ibig sabihin sa bawat sektor. Hindi ko na ipapaliwanag ang kahulugan ng mga planeta na ito.


Ito ang ibig sabihin ng mga Sektor sa Iyong Buhay

1. Vital Energy 命 宮 "Ming Gong": Ang sektor na ito ay nagpapakita ng iyong pagkatao, gawi, kakayahan, katugma ng karera, lakas ng kalooban at ambisyon, at nagsasabi sa iyo kung ano ang predestined para sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangkalahatang ideya ng buhay. Maaari mong sabihin kung ang isang tao ay matalino, walang-alam, tamad, o nahimok sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga bituin sa sektor na ito.

2. Mga kapatid 兄弟 宮 "Xiong Di Gong": Ang mga bituin dito ay nagsasabi sa iyo kung anong uri ng relasyon ang mayroon ka sa iyong mga kapatid at ipahiwatig ang mga nagawa at karera ng iyong mga kapatid.

3. Asawa 夫妻 宮 "Fu Qi Gong": Ang sektor na ito ay nagpapahiwatig ng potensyal na relasyon sa iyong mga mahilig o asawa. Ipinakikita nito ang kalidad at antas ng pag-ibig sa relasyon at kung may labanan, pang-aabuso, o mahusay na pag-unawa. Kapag lumitaw ang ilang mga bituin sa sektor na ito, maaari rin itong magpahiwatig ng sekswal na pagkahilig ng iyong kasosyo. Maaaring sabihin sa iyo ng Sektor ng iyong Asawa ang bilang ng mga pag-aasawa o seryosong mga relasyon na maaaring mayroon ka, at kung ang pag-aasawa ay hindi posible para sa iyo. Ang uri ng lalaki o babae na katugma sa iyo ay nagpapakita dito.

4. Mga bata 子女 宮 "Zi Nu Gong": Ang tagumpay ng iyong anak, bilang ng mga bata na maaaring mayroon ka, at ang pangkalahatang kalidad ng iyong mga anak ay ipinapakita sa sektor na ito.

5. Money 財帛 宮 "Chai Gong": Ang sektor na ito ay may kaugnayan sa iyong potensyal na kita at kung saan ang iyong pera ay nagmumula. Matutuklasan mo kung nakuha mo ang iyong yaman sa pamamagitan ng sahod, pamumuhunan, pagsusugal, o mula sa pagpapatakbo ng iyong sariling negosyo.

6. Pananagutan 疾厄 宮 "Ji Er Gong": Ang sektor na ito ay nagsasabi ng iyong potensyal sa kalusugan, ang mga lugar at sanhi ng karamdaman, at kung ikaw ay madaling kapitan ng pisikal na problema dahil sa mga gene, alerdyi, hika, aksidente, gawi, o kalinisan.

7. Paglalakbay 遷移 宮 "Qian Yi Gong": Ang iyong potensyal na buhay para sa paglalakbay, relocation, o paglipat ay ipinapakita sa sektor na ito.

8. Mga Nakatutulong na Tao 仆役 宮 "Pu Yi Gong": Ang mga bituin na ito ay nagpapakita ng kalidad ng mga kaibigan, pakikipagsosyo, at mga relasyon sa lipunan na maaaring makaakit sa iyo. Makakatulong sa pagtukoy kung mayroon o hindi dapat kang magkaroon ng mga empleyado o pakikipagsosyo.

9. Karera 官 祿 宮 "Kuan Lu": Isa sa mga pinakamahalagang sektor, ito ay nagpapakita kung ano ang patlang ay tugma sa iyo. Pinipigilan ka ng kaalamang ito na mawala ka at pinapayagan kang maging matagumpay. Ipinakikita nito ang mga uri ng trabaho at ang tamang antas o posisyon na malamang na umunlad - kung dapat kang maging empleyado o boss.

10. Ari-arian 田宅 宮 "Tian Zai": Ang sektor na ito ay may kaugnayan sa kalidad at dami ng iyong mga ari-arian. Ipinapahiwatig nito kung dapat kang magkaroon ng mga hotel, bahay, lupa, apartment, o wala. Kung hindi ka sinadya upang pagmamay-ari ng ari-arian at pagmamay-ari mo ang ilan, malamang na makatagpo ka ng mga problema sa real estate. Ipinapakita rin nito ang uri at sukat ng tahanan na maaari mong umunlad.

11. Karma 福德 宮 "Fu De Gong": Ang iyong kapayapaan, kayamanan, mahabang buhay, at antas ng karma bond ay ipinahiwatig sa sektor na ito. Ang kaalaman na ito ay lalong mahalaga para sa mga nakatatanda bilang mga kapaki-pakinabang na bituin sa sektor na ito na nagpapahiwatig ng isang mahusay at mahabang buhay.

12. Ang mga magulang 父母 宮 "Fu Mu Gong": Ang Sektor ng Magulang ay nagpapakita ng iyong relasyon sa iyong mga magulang sa panahon ng pagkabata at kung sila ay malamang na magdiborsyo, mabuhay ng mahabang buhay, maging mahirap, maging mayaman, o magkaroon ng mataas na katalinuhan.


At Tainan City Monster Park, 200 km south of Taipe











Nakakaenganyo  mag-aral ng astrolohiya ng mga Intsik . Napakalalim ang mga sekreto at misteryo na na nakpaloob dito.











March 08, 2018

Astrolohiya..isang pag-aaral.


Talaksan:Astrologos.1531a.gif
Ang astrolohiya ay ang pag-aaral ng mga bituin upang makita at malaman ang maaaring mangyari o magaganap sa hinaharap. Tumutukoy ito sa ilang mga sistema, tradisyon o paniniwala na ang kaalaman ng maliwanag na posisyon ng mga bagay sa kalangitan ay pinanghahawakang makabuluhan sa pag-unawa, pagkahulugan, at pag-ayos ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantao at mga pangyayari sa daigdig. Tinatawag ang nagsasanay sa astrolohiya bilang astrologo  (nagiging astrologa kung babae) o, hindi gaanong madalas na ginagamit, astrolohista.
Nagmula ang salitang "astrolohiya" mula sa salitang Griyego na αστρολογία, hinango mula sa άστρον, astron, "bituin" at λόγος, logos, na may iba't ibang kahulugan - pangkalahatang may kaugnayan sa "sistematikong pag-iisip o pananalita". Para sa iba,ang astrolohiya ay makaagham na pag-aaral ng mga bituin,planeta at iba pang buntala upang matukoy ang natatagong lihim ng buhay,kapalaran,at katangian ng tao...https://tl.wikipedia.org/wiki/Astrolohiya

Natal Astrology ni Bro.. March 2, 1977,   2:30PM -  March 6, 2018


{Ito ang kanyang natal chart na nakalagay ang mga location ng kanyang planeta, araw, at buwan,  nong siya ay ipinanganak}


Bata pa si Bro para sumakabilang-buhay sa edad na 41 na taon. Nabigla  ako ng malaman ko at nabasa sa Facebook na  marami ang nagpost ng Rest in Peace at saka Condolence. Nakakagulat na sa batang edad at matipunong pangangatawan ay biglang atakehin sa puso dahil sa community acquired pneumonia ayon sa doctor. 

Matagal ko siyang nakakausap sa messenger dahil mahilig sya magtanong sa akin tungkol sa kaalamang mistika lalo na tungkol sa astrolohiya para malaman ang kanyang panghinaharap na buhay.  Binabasa ko sa kanya ang ibig sabihin ng mga planeta, araw at buwan, at ang ibig sabihin nito sa kanyang birth chart. Pero ang mga bagay na sensitibo ay hindi ko sinasabi at binabanggit halimbawa ang posisyon ng araw na nasa Pisces in 8th house.

Ipinanganak siya na ang Sun ay nasa Pisces at nasa 8th house ng kanyang natal chart. Ang Moon ay  nasa Cancer House at nasa 1st house. Ang planet Jupiter  ay nasa 24 degree 11 min Taurus pero nasa 11th house. Ang Saturn na nasa Leo ay nakatapat sa Mars sa Aquarius.

Water   -   Sun in Pisces, Moon in Cancer, Uranus in Scorpio = 3
Air       -   Mars In Aquarius, Mercury in Aquarius, Pluto in Libra, North Node in Libra = 4
Fire      -   Neptune in Sagittarius, Saturn in Leo, Venus in Aries = 3
Earh     -   Jupiter in Taurus  =  1

Napakahiwaga ang buhay ng tao. Maaaring tama mga sinaunang mistiko na may kinalaman ang ikot ng mga bituin, planeta at buntala sa kapalaran, buhay, at katangian ng bawat tao. Sa astrolohiya ni Bro na ayon sa aking kaunting kaalaman, tumatama ang mga kondisyon noong dumating ito sa kanyang buhay.

Sumalangit nawa sa walang katapusang kaluwalhatihan ang kaluluwa sa kaharian ng Diyos na Lumikha. Amen.



Resulta ng larawan para sa orion, sirius, pleiades pics



Ayon sa Biblia, Hinahamon ng Diyos si Job

Job 38:30 "Ang tubig ay nagiging matigas na parang bato, At ang ibabaw ng kalaliman ay nabilanggo. 
Job 38:32 "Maaari mo bang humantong ang isang konstelasyon sa panahon nito, At gabayan ang Bear sa kanyang mga satelayt? 

Amos 5: 8 Siya na gumawa ng mga Pleiades at Orion At nagbabago ng malalim na kadiliman sa umaga, Na nagpapagaan din ng araw sa gabi, Na tumatawag sa tubig ng dagat At ibinubuhos sa ibabaw ng lupa, Ang PANGINOON ang Kanyang pangalan. Treasury ng Kasulatan Maaari mong isailalim ang matamis na impluwensya ng Pleiades, o maluwag ang mga banda ng Orion? Pleiades. o, ang pitong bituin. 

Heb. Cimah JOB 9: 9 Na ginagawang Arcturus, Orion, at Pleiades, at ang mga silid ng timog. 

Amos 5: 8 Hanapin siya na gumagawa ng pitong bituin at Orion, at lumiliko ang anino ...

Ipinapaliwanag ng Diyos na talagang may kinalaman ang mga planeta at bituin sa kaplaran ng tao.
























February 08, 2018

Si Kuya Joseph.. mga Ala-ala ng isang Dragon

March 18, 1952  -   February 6,  2018

Engr. Joseph C. Del Carmen, PEE
President,  Phases Electrical Contractor Corporation


1969

Muli kaming nagkita ni Kuya Joseph noong dumating ako ng Maynila galing Mindoro pagka graduate ko ng high school noong 1969. Isang taon din kaming magkakasabay na pumapasok sa Alitagtag High School noong first year high school ako at pagkatapos ay sa Mindoro ko na pinagpatuloy ang pag aaral hanggang sa makagraduate ng secondary education.

Naglalakad lang kami  hanggang bayan mula sa Concepcion {Balagbag  dati ang tawag sa baryo na ito malapit sa Pinagcurusan} . Sabi nga hindi uso ang sumasakay sa dyip dahil lahat naman ng estudyante ay naglalakad. At kung sasakay naman sa dyip ay tatlo dyes sentimos ang tatlo. Masaya ang experyensa ng buhay-bata ko sa Alitagtag.

Nagkita uli kami noong papasok na ako sa Maynila para sa kolehiyo. Bagong salta ako kayang sanong sano pa sa buhay-Makati na tumutulong din sa pagtitinda sa sari sari store nila na negosyo ng pamilya nila. Kapatid ni Inay si Tia Lita, ang Inay ni Kuya Joseph. Inaanak naman ako sa kumpil ng Tatay niya na si Umping Inoy.

Sa kanila ako nakatira buong college days ko na limang taon. Tabi tabi kami matulog dahil wala namang kwarto yong tindahan na ginawaan lang ng nakataas na tulugan o mezzanine. Dalawa lang silang magkapatid na lalaki, si Kuya Isagani  na halos magkasunod lang ang edad nila. Pareho kami ng edad ni kuya joseph na ipinanganak ng  1952. Sabi nga ng mga intsik na mga dragon kapag ipinanganak sa taon nito.

Sabi, maswerte daw kapag ipinanganak ng year of the dragon. Maaring tama at maaari ding hindi. Siguro kapag nasa tamang location at tamang oras na ang mga planeta at bituin ay nasa tamang kapanganakan ay swerte talaga sa lahat ng bagay. Halimbawa, si Pres Vladimir Putin ng Russia, si Tony Caktiong, may ari ng jollibee, ay mga ipinanganak din ng year of the dragon. Pero maaaring tama talaga, masuswerte ang mga pinanganak ng dragon year..{yabang ko.}

Matalino si Kuya Joseph. Kumuha sya ng kursong Elecrical Engineering samantalang ako ay Civil, engineering din sa Feati University. Naalala ko nong tanungin nya ako kung ano ang kukuhaning kurso sa Feati, sabi ko Nautical Science para isang taon lang.

      "Naku, hindi ko alam kung saan nag eenrol non sa Feati ng kurso na iyon, siguro sa Feati               Annex".   sabi nya. " Doon ka na lang sa civil engineering department para malapit lang at madali. At saka para hindi tayo magkapareho ng kurso." At yaon ng nangyari, nakatapos ng ako ng civil at sya naman ay electrical na hindi naman mahirap pag-aralan. {he he he..yabang ng dragon}

Rocker

Mga rockers kami nong college days, hard at metal rock ang genre ng musika. Simula dumating ako ng Maynila nong 1969, hindi na kami nagpagupit ng buhok hanggang umabot na halos sa baywang. Noon, pwedeng pumasok sa school kahit nakalugay ang buhok na hanggang baywang nga.  Nagpahaba na kami nito hanggang napiliting magupitan na halos kalbo nong 1972 na martial law dahil hinuhuli pag humaba ng isang pulgada ang buhok sa taas at kiskis naman sa side. May sukat na kung hindi ay huli at ikukulong, kaya lahat halos kalbo.

Iba ang mga music sound namin noon. Mula sa Beatles, Black Sabbath, Pink Floyd, Rolling Stones, Jimi Hendrix, Rolling Stones, Creedence Clearwater Revival, Grateful Dead, Crosby Still Nash ang Young,  ..mga British and American Bands ang trip namin. Magkakasama kami nina Kuya Isagani, Kuya Joseph, si Pepe Arguelles, Kuya Danny, Boy Placido, Danny na taga Mapua, at saka ako. Kumpleto sa malalaking plaka si Kuya Joseph, binibili namin sa Raon, mula sa Abbey road hanggang the Wall ng Pink floyd meron sya na lagi naming pinapatugtog sa Pad House sa kabilang tindahan. Kumpleto yon ng strobe lights at malalaking speakers.

Rockers Fashion

Madalas naghihiram lang ako ng damit sa kanya saka mga gamit, libro, sapatos.  Mahusay na modista si Umping Lita kaya magaganda ang mga damit nya pati na rin ako..

"Ngayon ba kaya nyong magsuot nng bell bottom na 15" inches ang lapad ng laylayan na kulay yellow green at body fit t-shirt na long sleeve yellow?"..tanong ko sa babasa nito.  Ako, attire ko yon kapag pumapasok  sa school dahil ang mga uso ay double knit na red, yellow, violet, lahat na bright colors..may violet si Kuya Joseph. Minsan hinihiram ko rin ang kanyang hanggang tuhod na cowboy boots at saka indian mocassin na hanggang tuhod din. Sinusuot namin yon pag umiikot ng avenida rizal sa santa cruz. .wala pa noong makati commercial center,,Quiapo pa ang sikat.

Pink Floyd nong mga bata pa.



Pink Floyd ngayong matanda na.  https://www.youtube.com/watch?v=Kjgwjh4H7wg


College Fraternity

2nd Year kami nong sumali sa college fraternity Alpha Delta Rho, Feati Chapter. Dumami na kaibigan dahil marami mga meetings ng mga ibat ibang schools tulad ng UE, FEU, UST,.etc. Masaya,  dahil  kami ang mga founder chapter sa school kaya hindi dumaan ng matinding initiation puro leadership training lang  at organization management ang ginawa. Pareho na kami naging inactive noong higher years na dahil mahirap na mga subjects at design works.

Aktibista 

Halos lahat yata ng estudyante noong 1972 ay miembro ng mga kabataang demokratiko. Naranasan din namin yon nong maging member kami ng Samahan ng Demokratikong Kabataan Makati Chapter. Halos every week ay nilalakad namin mula Makati hanggang Faura na may daang plackards punta sa mga opisina ng Shell, Esso, Caltex para mag demo. Sama din kami sa mga rally na kadalasan ay takbuhan na pag nagsimula na ang mga gulo at habulan. Kadalasan walang pasok nong bago mag martial law dahil may mga pumuputok na pill box sa school.

Nag focus na kami sa pag aaral after martial law dahil disiplina na lahat at curfew sa gabi.

College Graduation

Halos magkasabay kami nag graduate ng engineering. Hindi ko matandaan kung summer sya o October ako. Limang taon din na tinapos ang engineering. Pagkatapos ay nag board exam na at nakapasa naman ako nong 1976. Siya ganon din.

Maraming  examination ang mga  Electrical Engineers bago maging Professiona Electrical Engineers. May mga thesis pa na kailangang madepensahan sa board. Natapos nya lahat yon..ang galing..PEE sya.

Professional Career

Ang mga young engineering professionals nong mga mid 7Os, ay construction ang karamihan ng potential  sa mga careers. Nahasa sya sa electrical  design  at construction dahil sa pagtratrabaho nya sa ibat ibang mga  building contractors.

Taong 1978 noong umalis ako sa Montojo St sa bahay nila dahil sa pag-aasawa ko. Lumipat na ko ng bahay kasama ang binubuong pamilya sa edad na 26 na taon.

Nagkasama pa rin kami sa isang kompanya  na pinapasukan ko DCCD Enginering Corp nong matanggap sya as Electrical Engineer Inspector sa Construction Management ng mga buildings.

Pagkatapos umalis ako ng company, umalis din sya.  Nagtayo ako ng  sariling kong company., nagtayo din sya..kasama ng mga iba pang kasamahan ng electrical construction business.  Huminto ako sa pangongontrata..tuloy tuloy sya  dahil marami syang taong natutulungan sa pagkakaroon nya ng husay at angking talino. Madami silang kontrata na mga buildings at mga SM Malls, department stores..Big time. Successful.

Maswerte yong mga taong nakasama niya..Maswerte daw pag kasama ang isang dragon sa negosyo at kompanya.  lalo maswerte  ang pamilya pag kasama ang isang dragon sa bahay because he holds the luck, beneficence of heaven.

"Dragon is a kind of imaginary animal which is admired by Chinese people and called the ''king''. In China, the dragon is a symbol of emperor or man and it represents the power. Dragon people are usually ambitious and they are strong, never afraid of difficulties and hardships. They like to shoulder heavy loads and take important responsibilities. They belong to the animal sign of success but are also arrogant and crave for power.

In China, dragon symbolizes emperor who is authoritative and can guide people forward. Dragons are usually energetic, positive, optimistic, and aggressive. No matter at work or in life, they are responsible and always advance bravely, playing a pioneer role. With lofty ideas, they are highly self-conscious, straightforward, and rarely sloppy, thus talented and wise leaders.

People under the Dragon sign are generous, and full of vitality and strength. For them, life is the colorful and jumping flame.

Since Dragon people are proud, lofty, and very straightforward, they often set up ideals very early and require others to have the same high standards.

Dragons are very confident in themselves, especially in their future, and they never admit defeat.

If you cooperate with the Dragon people, you will find they are beautiful and have a lot of good quality, so they are widely popular.

Where Dragon people are on the scene, they will attract the attention of others to follow their thinking. They can stimulate the passion of everyone but don't need the motivation of others because they can produce enough energy on their own.

Dragon people seldom talk in a roundabout way but as if referring to the royal law.

When they are provoked, they will be quite rude and never consider others.

Dragon people are mighty, decisive yet not cunning and tricky.

For what need to do immediately, Dragon people will act personally rather than through writing a letter or making a call.

Dragon people have the potential to do great things because they like to act aggressively. However, they will burn themselves into a light smoke if can't control premature passion. They tend to be crazy and always make a splash no matter what they do.

It is very difficult, even impossible to compete with Dragon people because they often threat those who dare to challenge them in the means of intimidation.

They are neither lavish nor stingy; instead, they are very generous and never care about their bank balance.

Dragon people are self-centered, biased, arbitrary, and whimsical, and they tend to have high requirements or persist unreasonably but are always admired. They either get married very early or keep single and they live a happy single life, because work and career occupy all the life and they are accompanied by friends and admirers.

Despite the strengths, the confident Dragons also have some shortcomings, one of which is the short temper. When they decide to do something, they usually act immediately rather than stopping to watch.

Confidence is one of the Dragon people's strengths but sometimes overconfident becomes aggressive, which is adverse to their career development, and prone to hurt people around and lose many friends.


Dragon people are perfectionists but it is not a good thing to go for perfect crazily. No matter in life or work, they usually criticize others for the poor ability out of their perfectionist attitude.."  ..from article on internet.


Huling Pagkikita

Noong November 2017 ang huling pagkikita namin. Nagbakasyon si Boy galing America pagkaraan ng 17 taon  at nagkataon din na nasa Pilipinas si Roy na nagbabakasyon din sa pagiging OFW (mga kaptid ko sila} kaya nagkayayaan kami na bisitahin sya at mag kumustahan. Parang dati pa rin na masayahin at asikaso kami kaagad  na naglabas ng maiinom saka nag set up ng music video ng mga paboritong rock. Masaya ang kwentuhan, balitaan habang nakasabay ang mga music video.

Wala naman pagbabago pwera lang sa kwento nya tungkol sa reflex massage na ginagawa sa kanya kapag sumasakit ang kanyang dibdib. High blood ang killing sickness ng clan kaya yon ang caution ko pagdating sa food intake.

Pagkatapos, nagyayang kumain sa restaurant sa labas lang ng village nila  na naging commercial area  na kumpara sa nakita ko nong araw na ilang sari sari stores lang ang mga nakatayo. Iyon na pala ang huling pagkikita.

Paalam  Kuya Joseph!  Nauna ka lang ng kaunti,  magkakasunod lang tayo.

Life Path

Misteryoso ang buhay. Hindi alam kung kailan ang ending pero lahat ay hindi makakaiwas at iisa ang patutunguhan, ang kamatayan. Pero huwag malungkot ang mga naiiwan dahil nakatakda na sa mundong ito, lahat ay may  nakatakdang kaplaran simula pa lang noong isilang pa. at ang lahat ng ito ay matutupad bago sya mamatay.

Handog kung kanta, ala-ala ng 1971 musika ng Led Zeppelin na tandang tanda ko pa na pinanuod namin sa sine sa Recto ang concert.









Stairway to Heaven
"Stairway To Heaven"

There's a lady who's sure all that glitters is gold
And she's buying a stairway to heaven.
When she gets there she knows, if the stores are all closed
With a word she can get what she came for.
Ooh, ooh, and she's buying a stairway to heaven.

There's a sign on the wall but she wants to be sure
'Cause you know sometimes words have two meanings.
In a tree by the brook, there's a songbird who sings,
Sometimes all of our thoughts are misgiven.

Ooh, it makes me wonder,
Ooh, it makes me wonder.

There's a feeling I get when I look to the west,
And my spirit is crying for leaving.
In my thoughts I have seen rings of smoke through the trees,
And the voices of those who stand looking.

Ooh, it makes me wonder,
Ooh, it really makes me wonder.

And it's whispered that soon, if we all call the tune,
Then the piper will lead us to reason.
And a new day will dawn for those who stand long,
And the forests will echo with laughter.

If there's a bustle in your hedgerow, don't be alarmed now,
It's just a spring clean for the May queen.
Yes, there are two paths you can go by, but in the long run
There's still time to change the road you're on.
And it makes me wonder.

Your head is humming and it won't go, in case you don't know,
The piper's calling you to join him,
Dear lady, can you hear the wind blow, and did you know
Your stairway lies on the whispering wind?

And as we wind on down the road
Our shadows taller than our soul.
There walks a lady we all know
Who shines white light and wants to show
How everything still turns to gold.
And if you listen very hard
The tune will come to you at last.
When all are one and one is all
To be a rock and not to roll.

And she's buying a stairway to heaven.




Ang  mga picture namin kuha sa gazebo/bahay kubo sa harap ng bahay niya noong huling pagkikita  November 2017.


Mula sa kaliwa ..Roy, Juya Joseph, Boy at ako {nagsusulat}




February 07, 2018

Jupiter in Scorpio 2017-2018

Jupiter ang maswerteng planeta na nag iimpluwensya sa buhay ng bawat nilalang sa mundo lalo na kung ito nasa tamang lokasyon sa kapanganakan ng isang indibidwal. Isang taon ang pamamalagi nito sa bawat bahagi ng  chart o labing dalawang taon kung maglakbay ito ng isang buong ikot sa araw.

Isang taon din ang pamamalagi nya sa constellation ng Libra nong 2O16 hanggang Oct 1O, 2O17 at papasok na sya sa Scorpio.  Ito ay maglalakbay sa 12th house ng aking Scorpio constellation.

Ang Scorpio kpag nasa 12th house




Gab in 2025 .12 .12

Thanksgiving for All Souls I Have Met on My Journey December 12, 2025 Great Architect of the Universe, Divine Source of all paths and all de...